"One travels to run away from routine, that dreadful routine that kills all imagination and all our capacity for enthusiasm." – Ella Maillart
"WHERE DO you think you're going, woman?" Harinig kong sabi ni Pierre.
Well, shit.
Nagpalingon lingon ako.
Nasan na ba kasi si AnnaBlythe?
"If you're looking for Anna, she already left with her friend." He said in a stern face.
"The hell she did! Iniwan n'ya 'ko? Ba't hindi s'ya yung bantayan mo?" Naiinis na talaga ako. Napatingin ako sa likod n'ya, expecting to see another woman. It came as a surprise to me ng wala akong natagpuang babae sa likod n'ya. Ini-abot n'ya sa akin ang isang supot ng pagkain na malamang ay take out na naman.
"Because she's not my responsibility. Your parents hired me to watch over you, not anyone else. You're my job." Umalis s'ya kaagad sa harap ko pagkasabi n'ya noon. I heard him rummaging around the other room, maliligo siguro, at naiwan akong nakatunganga sa may pinto.
Tignan mo tong taong to. Napaka--! Ergh! Sobrang sarap na hambalusin!
Kainis din yung pinsan kong yun, ah. Ni hindi n'ya man lang ako hinitay.
Hindi ganito ang gusto kong mangyari nang nagpasya akong mangibang bansa. Gusto kong magliwaliw, mag pakasaya. Pero ito ako ngayon nakakulong, nag mumukmok, halos maubos ko na kakapanuod yung mga blu-ray movies ni Pierre.
Napaupo nalang ako sa sofa sa sobrang pagkadismaya. Nang lumapat na ang pwet ko ay bigla akong natiglan at nanlaki ang mata. Napatalon ako ng maalala ko ang kababalaghang nangyari sa sofa. Ew! Ew! Ew!
Medyo hindi na masakit igalaw ang paa ko, 'wag lang siguro akong tumakbo ng marathon, magiging okay din 'to sa makalawa. Napatingin ako sa pinto palabas ng condo at napaisip na sa kabila noon ay ang aking freedom. Freedom, na s'yang ipinunta ko sa lugar na to.
Can I do it? Kaya ko bang tumakas?
Hindi tumalab ang una kong pagtakas, naabutan n'ya parin ako agad.
Pero iba na ngayon, makakaya ko ng tumakbo palayo sa kanya, hindi kagaya noon na nagpahila nalang ako.
Pero hindi na muna ako tatakas ngayon. Kailangan kong magplano. Dapat foul proof. Kailangan ko na s'yang alisin sa buhay ko. Pagnalaman nila Mommy na natakasan ko si Pierre, siguradong mawawalan sya ng trabaho. Dapat lang sa kanya 'yon noh? Hindi kasi marunong makisama eh.
I can do this alone. I'm supposed to do this alone. I don't need a bodyguard.
Especially not this one. Napahalukipkip ako nang dumaan s'ya sa harap ko na kakaligo lang. Basa pa ang kanyang buhok, naka gray na pajamapants at walang pang-itaas. May abs ang damuho!
Hinid na ako nagkaroon ng chansang mabilang kong ilan ang mga pandesal doon dahil narinig ko s'yang tumikhim. "Taka a picture. It last." Nakataas ang isang sulok ng kanyang labi. Nakita n'ya akong tumititig. Mabilis ang pagtaas ng bugo ko sa aking mukha dahil sa hiya. Shit! Ba't ngayon ka pa nag-adik, Pit? Yung totoo?
"Uh, Puh-lease, I've seen better." Pagsisinungaling ko dahil sa katotohanan, his body is sculptured perfectly. Wala akong maipintas. Gamit na gamit nya siguro yung kwartong sa penthouse na to na puno ng gym equipment. Iba din si kuya eh noh?
Nakaplaster parin ang nakakainis na smirk sa kanyang mukha nang dumeretso s'ya sa kitchen para at nagsalang ng frozen pizza sa oven.
Nagdadabog akong nagbihis pabalik sa pangbahay kong damit. Gustuhin ko mang mag short-shorts at sleeveless, hindi ko magawa dahil nagsisimula na ring lumamig sa L.A. Naka t-shirt lang ako na may nakalagay na I heart LA at Victoria secret na floral printed pajama.
Bumalik ako sa kitchen at pinanuod si Pierre habang hinihintay na matapos s'ya sa kanyang ginagawa. Pinagmasdan ko kung gaano s'ya ka bihasa sa ginagawa. Well, nag di-defrost lang naman s'ya ng pizza, hindi naman siguro yun gaanong mahirap gawin yun pero nakakamangha parin tignan kong gaano s'ya ka sanay sa kanyang ginagawa.
Kung hindi lang sana s'ya masyadong masungit o emotionless, baka magmaka-awa pa akong i-tour n'ya sa buong LA. Mukha pa namang sanay na sanay s'ya dito. Baka may alam s'yang magandang bar o di kaya event na pwedeng puntahan.
Hindi lang LA ang gusto kong madiscover first hand, gusto ko ding pumunta sa Vegas, sa Utah and then last stop, New York. Pierre looks like he can get me anywhere.
Kung pagbabasehan ang bahay na 'to, nakakasigurado akong marami s'yang koneksyon, kasi wala hindi ka naman makaka-afford ng ganito ka garang bahay kong bodyguard ka lang.
"Pierre." Panimula ko. Pag nagpakabait ako at hindi ko s'ya takasan, baka mapapayag ko s'yang sumama. "Bodyguard kita, di ba? Hinire ka ng mommy ko to keep me safe while I'm here."
"Where is this going?" Pinaningkitan nya ako ng mata. Puno ng pagdududa ang kanyang mukha.
"Makinig ka nga muna!" Storbo! I'm trying to be nice here. "I want to go to Vegas after AnnaBlythe goes back to the Philippines. Tapos gusto ko ring pumunta ng New York bago matapos ang taon."
"That could be arranged." Sabi n'ya habang nilalabas ang pizza galing sa oven. Nilapag n'ya ito sa mesa at umupo na ako sa isang stool habang kumukuha s'ya ng plato. Halos mapatalon ako sa tuwa sa narinig ko.
"Really?" Sa sobrang tuwa ko, halos magtatatalon ako buti nalang napigilan ko ang sarili ko.
"nope." Walang gana n'yang sabi sabay subo ng pizza.
Nawala naman ang ngiti sa aking mukha. "What do you mean?" I know it's too good to be true. Pero hindi naman kailangang paasahin n'ya ako ng ganon di ba?
"It's not gonna happen. You're staying here. In LA. Where I can keep an eye on you. End of discussion."
"Pero gusto kong pumunta don! At wala kang magagawa! Bodyguard lang kita, you can come with me or you can stay here!" Damn it! I sound like a whiny brat! Pero, rinding rindi na talaga ako sa ugali ng taong to. How dare he? "I can take care of myself. Thank you very much."
"I do not answer to you, Ms. Renaud. Your parents hired me, they decide. Unless they told me to let you leave LA, you're staying here...and get your own damn pizza!" Kung hindi siguro ako nanghihina sa nalaman, matutuwa siuro ako sa kahayukan n'ya sa pizza. Naka apat na kagat lang ay ubos nya na ang isang malaking slice. He took the entire plate of pizza and started walking towards the living room.
"But...B-but they're never gonna agree to it. Ang akala nila, dito lang ako for the whole year." Nanghihina kong sabi sa sarili habang nakatingin sa papalayo nya ng likod.
"Too bad."
Wala talaga s'yang emotion. Ice freaking cold.
YOU ARE READING
Far Enough
Literatura FemininaBungee jumping, cliff jumping, extreme roller-coaster rides; name it, I'll do it. Horror movies never frightened me. Not my parents, the police, not even death. I like it. I'm a risk taker and an adrenaline junkie. I'm a self proclaimed bad girl ex...