Chapter 01

5.8K 150 12
                                    

Bebang...

Umaga pa lang nakasimagot na si Bebang ang anak na babae ng mag-asawang Milagros at Raul at bunsong kapatid ni Darwin.

"Nay bakit ba ang aga nyo ako ginising eh sabado naman.Alam nyo naman na kailangan ng beauty rest ng dyosa nyong anak..

"Hoy bebang!Anong beauty rest yang pinagsasabi mo dyan..Puro ka na nga rest wala pa din beauty..

"Wow ha ikaw ba talaga yan Nay..at sa inyo pa nanggaling eh kung tutuusin kayo nga etong kamukha ko ng balat.Nakakainis bakit kasi sa inyo pa ako nagmana ng kaitiman di tulad ni tatay at kuya na ang mga kutis ay pang-artista tapos tayo pang extra ang itsura..nakasimangot na sabi ni Bebang.

"Gala ka kasi ng gala kaya ayan negneg ka na naman..teka nga pala bakit ang aga nakabusangot yang mukha mo?

"Nay naman Breezilla Montes Alcantara pangalan ko tunog maganda tunog artista tapos Bebang palayaw..ano yun joke. Please naman nay wag na po bebang dalaga na po ako.Bakit ba kasi ang tamad nyo mag-isip ng palayaw tapos nung nakapili na kayo ang bantot pa ng napili nyo.

"O sige Bree na maganda bakit ka nakasimagot ano na naman problema ng magandang anak ko..pilit na ngiti ni aling mila sa anak.

"Ganyan Nay..kung ganyan ba tawag nyo sakin araw-araw eh di sana araw-araw din ako masipag hehehe

"Ang dami mo pang sinasabi tinatanong kita kung bakit ka malungkot?

"Ah yun ba..Nay kasi yung anak ni ninang amanda na si Liam ko di na naman ako pinansin.Masarap naman yung binigay kung adobo sa kanya kasi maraming pagmamahal yun..

"Ah kaya pa parang lukot na namang papel yung mukha mo.Eh kung tutuusin parati naman syang ganun ..sabi mo nga may karapatang magsuplado kasi gwapo o bakit nagrereklamo ka dyang bata ka..

"Oo nay alam ko naman yun na talagang gwapo ang Liam ko pero future wife nya ako dapat now pa lang masanay na sya sa aking mala venus na ganda

"Nak ang aga nagsisinungaling ka na naman ha..Saka di ka pa ba nahihiya kababae mong tayo eh parang ikaw pa nanliligaw sa kanya mahiya ka naman sa ninong at ninang mo kahit wag na kay Liam.Pasalamat ka nga mabait na bata iyon.

"Ganun talaga nay masipag ako may-pagkukusa kaya nagkusa na ako.Pasasaan bat maiin-love din sya sa akin tiwala lang at ligo araw-araw.

"Maiin-love o maawa sayo abay ang tagal mo ng sinusuyo si Liam mo eh bakit parang hanggang ngayon basted ka pa din.

"Nay wag ka mag-alala malakas ako kay papa God.Alam nyo naman na pinag-novena ko na sya sa lahat ng santo from A to Z para sure di ba.Lumuhod na rin ako sa Quipo ang dami ko na ring inalay na itlog at manok kulang na nga lang pati kayo iaalay ko na din..

"Loka-loka ka talagang bata ka.O sya sige na pagbutihan mo baka kulang pa try mo din magsayaw sa obando baka sakaling umipektib. Tanghali na magbihis ka na at sabado ngayon baka marami ng mamimili sa palengke baka nahihirapan na dun si neneng at betong.

"Hay naku palengke queen na naman ang beauty ko today.Masasayang lang yung mga pampaganda ko nay eh..

"Hoy ikaw na bata ka wag ka na magreklamo ,alam mo naman na malaking tulong satin ang tindahan natin yun at para makauwi na rin tatay mo..sobrang mis ko na kasi sya..

"Nay rom-com po story ko di horror..

"Anong horror pinagsasabi mo..ano ikaw lang ba ang may karapatang lumablayp..

"eehh si nanay cheezy..oo na sige na kayo na ni tatay ang may forever ..#howtobeyoupo

A:N

Pasensya na sabaw pa....
Thanks for reading
Simplyna_01

Lumalab-layp na si Bebang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon