chapter 05

3.1K 104 5
                                    

Tiffany...

Excited ako ngayon dahil kahapon tumawag si ninang amanda at nagrequest na ipagluto ko daw sya ng pansit.Kaya sinabay ko na rin ang paggawa ng maja blanca isa rin kasi eto sa mga paborito ng Liam ko.At ngayon nga ay handa na ako para umalis.Magtritricyle na lang siguro ako para mas mabilis.After 20mins nakarating din ako.Magdodoorbell na sana ako sa pangmayaman nilang gate ng biglang lumabas si Liam na nakabihis.Nagulat pa eto ng makita ako...

"Hi Liam ko!!Magandang umaga..sabay ngiti ng ubod ng tamis na kahit magic sugar mahihiya sa tamis ng ngiti ko..

"Anong ginagawa mo dito..ang aga mo namang dumalaw chinese ka ba?nakasimangot na sabi ni Liam..

"Ay grabe ka naman sakin.Sa itim kung to chinese nagpapatawa ka ba?Last mo na yan ha ang corny eh..

"Whatever..ang daldal mo talaga..bakit ka nga nandito ha?

"Bukod sa gusto kita makita nagdala ako ng pansit at maja blanca.Yung pansit request ni ninang kaya isinabay ko na din yun maja kasi alam ko isa yun sa mga favorite filipino food mo.Wag ka mag-alala masarap at walang gayuma yan..nakangiti ko pang sabi pero umasim bigla ang mukha  ko ng may lumabas sa gate nila na babaeng blond ang buhok,parang bond paper sa puti at may katawang pangmodel.Yumakap at humalik ito kay Liam ko..agad uminit ulo ko sa nakita ko..

"Taksil ka Liam bakit hinalikan at niyakap ka ng babaeng yan,tapos di ka man lang pumapalag.Kung pinagseselos mo lang ako pwes tigilan mo na kasi nagseselos na talaga ako..galit kung sabi

Tiningnan lang sya ni Liam at dinaanan..

"We'll Im Tiffany Villegas,Liam's girlfriend..mataray na sabi ng babaeng lumabas sa banga ay sa gate pala..

"Di ako naniniwala sayo..lamang ka lang sakin ng isang drum na paligo pero mas maganda pa din ako sayo kasi dyosa ako modelo ka lang tse at isa pang tse..sabay irap...sinundan ko si Liam na naglakad papuntang garahe pagkatapos ibigay kay manang Paseng yung dala kung pagkain..

"Liam totoo ba ang sinasabi ng babaeng papel na yun jowa mo ba talaga sya ha..galit kung tanong..

Nasa tapat na ng kotse si Liam ng huminto eto ng wala pa din sinasabi.Pumasok lang eto at pinaandar ang sasakyan tapos tinawag na yung babaeng KKK
(katawang korteng kawayan)

"Babe let's go malalate ka na sa appointment mo...
agad naman sumakay yung babae pagkatapos syang irapan nito nakangisi pa eto habang nakatingin sakin na parang sinasabi..."Sino satin ang dyosa  ngayon"..

Wala na akong magawa kundi tingnan na lang ang sasakyan nila na dumaan sa harapan ko.Pagkarating ko sa bahay wala si inay siguro nasa palengke na.Mabuti nga para makapagmoment ako ng bongga.Umiyak ako ng umiyak sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.Alam ko jowa nya talaga yun pero gusto ko marinig mismo yun kay Liam ko.Mas masakit pa to nung nalaman kung nag-asawa na si   Adam Lavine at nung minsan nakabihis na ako at handa na umalis tapos malalaman ko di  pala ako kasama di ba ang sakit nun.Nakatulugan ko nalang ang pag-iyak ng magising ako naligo ako at nagbihis lang.Nagpaalam ako kay inay na pupunta kina bebot ang bakla kung kaibigan na Bartolome sa umaga.Pinayagan naman ako at sinabi na umuwi raw agad dahil gabi na din..

Lumalab-layp na si Bebang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon