chapter 12

3K 109 1
                                    

Nakasimangot pa din si Liam hanggang makarating kami sa mansyon nila.Nabadtrip na rin ako di dahil ako ang sinisi nya kanina nung muntikan kami maaksidente.Kundi dahil sweet na naman yung dalawa feeling nung babaeng papel sya si Kathryn at Si Liam ko si Daniel.Panay pa ang irap sakin eh di ko naman sya inaano.Im sure insecure lang sya sakin.Di ba sa ganda kung to dapat kabahan talaga sya.

Grabe ang daming handa nila ninang amanda ang dami kung nakain.Iba talaga pagmayaman sabi ni ninang kanina pasensya na daw kasi yun lang nakayanan nilang handa.Ano daw!!!eh sa sobrang dami pwede ng makakain ang isang bahay ampunan.Minsan di ko tuloy alam kung nagbibiro ba si ninang o seryoso.Magpapaalam na sana kami ni inay na uuwi na pero pinigilan ako ng mga kapatid ni Liam,magbobonding daw muna kami kaya no choice ako.Gusto ko sanang mag-sleep over ako kasi.. it means may chance na magapang ko pa si Liam sa kwarto nya (insert evil laugh hahahaha)...joke lang po mahinhin kaya ako.Pero try ko din baka makalusot.(insert evil laugh again).Pero nakakahiya naman kung ako yung unang magsusuggest di ba.Saka muntik ko na makalimutan basted na pala ang beauty ko.Kaya mamaya uuwi na din ako pagbibigyan ko lang si mandie at bianca miss na miss ko na din kasi yung kwentuhan namin ng mga walang kwentang bagay.

After naming magtanghalian nagkwentuhan lang kaming tatlo ng mga bagay-bagay sa lanai. Nang mapagod na nagmovie marathon naman kami sa sinehan nila.Oh di ba sila na talaga ang mayaman.Gabi na ng lumabas kami sa theater room nila.Dinner time na daw kasi.Kumpleto ang buong pamilya ni Liam. Matagal ko ding pinangarap na mapabilang sa pamilyang eto pero now tanggap ko nang hanggang pangarap lang sila.Alam ko kung hanggang saan lang ako.Alam ko nagiging emo na naman ako pero until now bitter pa din kasi ang lola nyo kaya pabayaan nyo nalang ako.Napansin ko wala na yung jowa ni Liam,umuwi na ata.Mabuti nga yun atleast walang panget sa paningin ko.

"Bree ano nga pala plano mo ngayon nakagraduate na kayo...tanong ni ninang

"Mag-aasawa na sana kaso umatras yung future hubby ko..my jowa na pala ..paasa palibhasa gwapo sya at yummy...pabiro kung sabi nagtawanan tuloy silang lahat maliban kay Liam

"Naku inaanak paasa ba?Hayaan mo na.Aba Sa ganda mo yang,Im sure makakakita ka pa ng mas yummy at gwapo dun sa paasa.
sabay kindat ng ni ninang nya

"Naku tama kayo ninang,gwapo lang at yummy pero mukhang malabo mata di nya nakita kung gaano ako kabait at kaganda.
then nagtawanan na naman silang lahat maliban kay Liam.

"Sya nga pala ihatid mo mamaya si Bree sa bahay nila Liam at baka kung mapaano pa sya sayang naman kung di sya makikita ng ka forever nya..

"Okay Mommy..poker face na sagot ni Liam sa Ina

"Ate Bree next week ha may swimming tayo.Dont forget ha!.Paalala ni Mandie

"Ay oo nga pala sige di ako kakain ng isang linggo para magkasya naman ako sa swimsuit ko.Malay mo nasa beach pala ang future husband ko...nakangiting sabi ni Bree habang nakatingin sa nakasimangot namang si Liam

Ano kaya problema nun at laging nakasimangot.Wag sana maihipan ng masamang hangin at sayang naman kung papanget lang di ko pa nga napapatunayan kung yummy talaga sya.

"What's your problem kanina ka pa pangiti ngiti ng mag-isa.
May binabalak ka bang masama sa akin.Bilisan mo na din po at ihahatid ka na ng driver mo mam..sarcastic na sabi ni Liam

"Pagngumingiti ba ng mag-isa may binabalak ng masama di ba pwedeng bastos lang ang iniisip kaya nakangiti...

Lumalab-layp na si Bebang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon