chapter 02

3.8K 118 3
                                    

Naligo at nagbihis lang ako di ko na kailangan mag-effort dahil sadyang effortless ang ganda ko.Ewan ko nga ba kung bakit walang naniniwala sa ganda ko.Siguro tama nga ang barkada kong si bebot na " ang ganda ko daw ay parang password lang ng kapit-bahay,ako lang ang may alam".Pero sa totoo lang matangkad,mahaba ang buhok ko (kaso laging nakatali kasi kulot) at balingkinitan din naman ang katawan ko kaya may mga manliligaw din naman kahit papano.Pero sa kasamaang palad di ako nabiyayaan ng kutis na pang-artista yung tipong walang pores,kutis aircon yung akin kasi kutis putragis..ang saklap diba.Pero syempre sabi nga nila habang may buhay may pag-asa at ang pag-asa ko ay nasa mga box ng likas papaya at gluta..Sabi ko nga pagnakagraduate na ako at may trabaho na magpapa-belo talaga ako pero dahil purita pa ang beauty ko .."Only josie touches my skin..who touches yours" yan muna ang peg ko saka na si Dr.Belo .Tiyaga muna ako kay Aling josie  yung nagpapa-utang ng mga pampaputi 1mo. to pay pero pa ubos na yung product di pa bayad..
At sa haba ng kwento ko di ko na malayan nasa palengke na pala ako ng San Vicente sa Bayan ng Batangas.At kung mamalasin ka nga naman nakasalubong ko pa yung isa sa masugid ko na  manliligaw na mas masarap ilagay sa sako at iligaw sa plaza.Pero syempre dyosa ako dapat di suplada mababawasan ang mga followers ko....

"Hi my loves,tinanghali ka ata,alam mo ba kanina di buo araw ko kasi di pa kita nakikita pero ngayon ok na..sabay ngiti

"Hi din Luis!!!...
Pilit kung ngiti nakakaloka ang mga banat nito ..eh kung mukha kaya nito banatin ko tiyak mas gaganda araw ko pati paligid gaganda. Puwes kung sya buo na araw nya ako buong buwan sira na ,kasi nakita ko nanaman sya sakit nya sa bangs.

"Kanina pa kasi kita inaantay,aayain sana kitang kumain tayo libre ko..

"Ha???Naku wag na saka alam mo naman na taken na ako di ba..isa pa baka may makakita satin seloso pa naman yun..

"Sabagay kaselos selos naman talaga ako..sabay ngisi nito kay bree

"Ngek..Ha..Oo tama ka!!Magseselos talaga sayo yun kaw pa ang pogi mo kaya..Halos masuka na si Bree sa mga sinabi ni luis eh halos di na nga sya humihinga kanina pa sa baho ng hininga nito.Nagtataka sya dito kung tutuusin mayaman ang mga magulang nito,pero parang walang pambili ng toothpaste.

"Oh paano Luis mauuna na ako kanina pa kasi ako inaantay nila neneng..
Kasi kung magtatagal pa ako dito  matutuluyan na akong mangitim sa pagpigil kung wag huminga..pabulong kung sabi dito buti di nito narinig siguro wala din silang cotton buds bingi eh..

Nang makarating ako sa pwesto namin abala na nga ang dalawa medyo marami na ang namimili.Isa kasi ang pwesto namin sa kumpleto ng tinda,parang mini groceries  bukod pa ang manok baboy,isda at gulay na tinda namin,mura at sariwa din lahat..

Lumalab-layp na si Bebang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon