Everyday ko na lang naeenjoy ang paggising ko tuwing umaga.Sino ba naman di mag eenjoy sa nakikita ko ngayon na half naked kung asawa na nakahiga at natutulog pa sa tabi ko..wapak sa sarap!!!
Makaligo na nga at kailangan kung pumunta ngayon sa mga biyanan ko at may sasabihin daw na importante si mama amanda.Naku hahanapan na naman ako ng apo nun.Kuna naoorder lang yun sa Lazada di madali lang sana kahit ilan pa.Kaso hindi eh.Kulang nanga lang magcrapping ako makabuo lang kami.Overtime na nga kami palagi kaso wala pa din.
Hapon na ng makarating ako sa mansyon.Agad naman akong pinatuloy sa lanai at nandun daw ang mama amanda.Nagbeso beso kaming dalawa.Lakas maka sosyal.
"Naku iha kanina pa kita inaantay .Mabuti at pinuntahan mo ako.May importante kasi akong sasabihin sa iyo.Teka kumusta pala kayo ng anak ko..
"Mabuti naman po mama..
"Naku mukha nga..blooming ka ngayon..Magkakaapo na ba kami ha iha?
"Naku mama processing pa po eh pero were trying our best naman po..
"Mabuti naman at ok na ang pagsasama nyong dalawa.
"Mama ano nga pala yung importanteng sasabihin nyo sa akin..
"Ay oo nga pala!!Ganito kasi iha..akala namin ng inay mo ay di kayo magiging maayos na dalawa kaya napagdesisyunan namin na wag muna iregister ang kasal ninyong dalawa.Alam namin kasi na napipilitan lang si Liam.Pero since sabi mo okay na kayo.Kami na bahala..aayusin ko na para maging legal na kayong mag-asawa...
"Mama..bakit now nyo lang po sinabi.Natatakot ako pagnalaman ni Liam baka hiwalayan nya ako.Ano po gagawin ko..
"Anak wag ka mag-alala.Walang makaka-alam.Basta maging mabuti ka pa ring asawa sa kanya.Ramdam ko naman na mahal ka na ng anak ko...
"Okay po mama..Pilit na ngiti ni Bree.Pero deep inside natatakot sya pagnalaman ni Liam ang totoo..
Pero di nila alam na may nakikinig pala sa kanila.Nalaman kasi ni Liam na pupunta si Bree sa Mansyon kaya sinundan nya eto pagkagaling sa opisina para sunduin.At para makita rin nya ang pamilya nya dahil naging busy sya sa pagaasikaso ng negosyo nila.Di nya inaasahan na maririnig nya ang paguusap ng mama nya at ng asawa nya.
Samantala nagmamadaling umuwi si Bree dahil kailangan nya pa palang magluto ng hapunan nila.Pagdating nya sa condo.Naroon na si Liam at naghihintay sa kanya.Lumapit sya dito at hinalikan sa pisngi.
"Hi !!Kanina ka pa?Gutom ka na ba?wait lang ha magluluto lang ako at ng makakain na tayo.
"San ka galing?Bakit ngayon ka lang?seryoso nitong tanong..
"May tiningnan lang ako sa mall kanina kaya ngayon lang ako.Bakit may problema ba?
"Wala naman .. may sasabihin ka sa akin.
"Ha..sasabihin sayo?wala bakit?
"Wala naman..akala ko may sasabihin ka..namumutla ka kasi..Oh sya sige akyat muna ako sa kwarto.Pagod ako..tawagin mo nalang ako pag ready na ang dinner..
"Okay sige..sandali lang to..nalilitong sagot ni bree sa asawa..
Di ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya yung totoo.Pagsinabi ko baka tuluyan nya na akong hiwalayan dahil tuluyan na syang magiging malaya na pakasalan si Tiffany dahil ito naman talaga ang girlfriend nito.Sana bago nya malaman ay sobrang mahal nya na ako para di na nya ako tuluyang hiwalayan.
BINABASA MO ANG
Lumalab-layp na si Bebang (Completed)
HumorAng gandang taglay ni Brezilla Montes Alcantara A.k.a Bebang ay parang password ng kapit-bahay sya lang may alam. Patay na patay sya sa anak ng ninang nyang Si Liam James Fonacier,gwapo,matalino at mayaman eto. At dahil nga di kagandahan si Bebang d...
