Nagising ako dahil ang isang gwapong katulad ni Liam ay naghihilik din pala.Madilim pa sa labas ,nakalimutan ko palang isara ang bintana.Napangiti ako ng maalala ang nangyari kagabi.Napakahimbing ng tulog ng Liam ko halatang napagod eto.Talagang napakagwapo nito.Kaya di na ako nakatiis hinalikan ko sya sa pisngi.Natakot ako ng gumalaw sya akala ko magigising na sya ng tuluyan.Pero mahimbing pa rin naman ang tulog neto.Ano kaya ang mangyayari pagnagising na eto.Pero ano pa man ang mangyari negative or positive man handa na ako.Sa kakaisip ko di ko namalayan na katulog na pala ako.
Nagising lang ako dahil may narinig ako sumigaw akala ko may sunog kaya napasigaw na rin ako..
"Waaaah asan ang sunog?Liam gumising ka may sunog..sigaw ko para magising na din sya di ko napansin na wala pa pala akong damit kaya na exposed ang bulubundukin kong pag-aari.
"ano ba ang ingay mo..hayaan mo na ...ano may sunog..asan?Sigaw din ni Liam ..
"Anak..ano ba yan?yun kaluluwa mo kita na..takpan mo..sigaw ng nanay ko habang napapasign of the cross..
"Nay..ano po ginagawa nyo dito?bakit kayo nandito?
"Aba anak nagpunta lang ako nang canada pero wala akong natatandaang ibenenta ko etong bahay..kaya malamang bahay ko pa rin eto.Gusto kasi kitang i surprise yun pala ako ang masusurprised..kailan ka pa nag-asawa?sino yan lalaking nasa tabi mo?
"Tita Mila...gulat na sabi ni Liam
"Naku ikaw pala yan Liam..Ngayon naniniwala na akong maganda ka talaga anak..ang bangis ng kamandag mo..hala magbihis na kayo at hihintayin ko kayo sa baba maguusap tayo..sabi ni aling mila.
"shit!!shit!!! ang tanga mo Liam..galit na sabi ni Liam..
"Im sorry di ko alam na darating si nanay..
"Do we have a choice nandyan na yan might as well harapin natin sila at kausapin si Tita Mila
"Okay..pero kung pipilitin ka nilang panagutan ako.Wag mo nalang ituloy..aakuin ko nalang galit nila sasabihin ko na ako ang may kasalanan maniniwala naman sila dahil alam naman nila na ako yung patay na patay sayo..
"Ano!! para ako yun magmukhang masama sa paningin nila...galit nasabi ni Liam..
"Di naman yun ang ibig kung sabihin.Ako naman talaga ang may kasalan nito dahil kahit alam ko na may jowa ka at di mo ako mahal.Pinayagan ko pa ring mangyari ang lahat ng eto..Nagenjoy pa ako at inulet ng ilang beses..
Pagbaba namin nagulat kami dahil di lang si nanay ang nasa sala andun din ang buong pamilya ni Liam.Busy silang nagkukwentuhan ,masaya sila maliban sa aming dalawa ni Liam.
"Naku mga anak..ang saya naman talagang matutuloy na ang pagiging magbalae namin ng bestfriend ko...masayang sabi ng ninang amanda ko
"Naku oo nga balae..excited na ako sa kasal at sa magiging apo natin..
"Nay..ninang wait lang po..awat ni bebang sa masayang plano ng nanay at ninang nya..
"Naku bakit ninang pa ang tawag mo sa akin..magiging anak na din kita pagnakasal na kayo ng panganay ko..
"Ninang wala pong kasalanan si Liam ako po ang nang-akit sa kanya.Kahit alam ko na may girlfriend na sya at di nya ako mahal hinayaan ko pa din mangyari ang lahat ng eto.Saka di naman po ako buntis para mag-pakasal kami ayoko pong maging miserable ang pagsasama namin pagpinilit nyo na magpakasal kaming dalawa.We both adult nay..ninang di na po kailangan humantong pa eto sa kasalan
"Liam..kung inaway mo si Bebang para sabihin nya ang mga eto sa amin..Im sorry but you dissapointed me.May mga kapatid kang babae.Be a man faced the consequences of your action...
"Im sorry mom pero di ko tinakot si Bree..Dont worry Im going to marry her.Kakausapin ko lang si Tiffany she deserve explanation and closure..anyway she's my girlfriend..sagot ni Liam habang masama ang tingin sa akin..
BINABASA MO ANG
Lumalab-layp na si Bebang (Completed)
HumorAng gandang taglay ni Brezilla Montes Alcantara A.k.a Bebang ay parang password ng kapit-bahay sya lang may alam. Patay na patay sya sa anak ng ninang nyang Si Liam James Fonacier,gwapo,matalino at mayaman eto. At dahil nga di kagandahan si Bebang d...