Chapter 1.Underground.. simpleng kataga pero nag dulot ng kakaibang pait at sakit sa akin, ang naging dahilan kung bakit ninais kong mawala nalang sa mundong ito.
When i was ten years old when my parents died. na aksidente kasi ang sinasakyan naming bus habang pa uwi sana kami ng Leyte sa probinsya ng papa ko, na pagpasyahan kasi ng mga magulang ko na doon nalang manirahan dahil nahihirapan na kaming mamuhay dito sa manila,but unfortunately bumangga ang sinasakyan naming bus.
Marami ang nasawi sa aksidenting iyon at kabilang na doon ang aking mga magulang at isang himala na isa ako sa mga nakaligtas.. ang sabi pa ng naka rescue sa amin yakap daw ako ng aking mga magulang. Perhaps that was the reason why i survived,
Wala akong ibang ginawa mula noong magising ako kundi ang umiyak lalo na noong malaman kong wala na ang aking mga magulang, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa noong mga panahong iyon.
Pakiramdam ko kay lupit ng tadhana sa akin..
"Carina!!"
Napabalikwas ako ng bangon ng may malamig na tumama sa aking buong katawan.
"Hoy! Carina! tanghali na nakahiga ka pa diyan! Aba! hindi pupuwedi sa akin ang tatamad-tamad, hala! bumangon ka na diyan tambak na iyong labahan mo doon nakahilata ka pa rin diyan!"
Bulyaw ng kung sino sa akin ngunit kaagad akong nahimasmasan ng makita kong si auntie iyon na subrang talim na tingin ang ibinibigay niya sa akin habang naka pa maywang pa!
Marahan kong inihilamos ang aking kamay sa mukha ko upang palisin ang butil ng tubig na dumadaloy dito, ikaw ba naman kasi ang buhusan ng tubig!
Napatingin ako sa kamay ni auntie na may hawak na timba, nais kong mapailing sa aking nakita, okay lang sana kung isang tabo lang ang ibinuhos sa akin kaso timba talaga? Hindi din uso ang mag tipid kay auntie no? Sayang tubig eh! buti sana kung sila ang nag babayad kaso sa sweldo ko pa naman kinukuha ang ipinambayad dun,
"Opo auntie, susunod na po ako" tanging na isagot ko sa kaniya,
Hindi ko siya kayang suwayin at baka mabogbog nanaman ako o hindi kaya makakatikim ako ng mag asawang sampal mula sa kaniya,
"Bilisan mo na diyan! Kahit kailan talaga ang kupad-kupad mo!"
Dagdag pa niya bago siya lumabas sa maliit kong kwarto o matatawag ba talaga itong kwarto, dati kasi itong tambakan ng basura kaya ipis at daga ang nakakasama ko dito tuwing gabi!
Tumayo na ako habang pinipiga ko ang maluwang kong T-shirt na ngayon ay basang basa na!
Napabuntong hininga nalang ako habang tinatanggal ko ang sapin at kumot na ngayon ay basang basa na rin, dagdag labahan nanaman argh!
Kung sabagay hindi pa ba ako nasasanay nito? Halos araw-araw na ginawa ng diyos ay ganito eksina sa tuwing magigising ako, ito ang paraan ng pag gising sa akin ni auntie hindi uso sa kaniya ang kalabit at tapik!
Noong mawala ang aking mga magulang si uncle ang kumopkop sa akin at dahil siya lang ang kilala kong malapit na kamag anak ko kaya hindi na ako nag atubili na sumama sa kaniya kundi sa kalye sana ako pupulutin at dito mga niya nga ako dinala sa bahay nila sa makati,
Naging maayos naman ang naging buhay ko noon dito kahit alam kong sa una pa lang ayaw na sa akin ng kaniyang asawang at pati na rin ng kaniyang mga anak na walang ibang ginawa kundi ang laitin at saktan ako kapag wala si uncle,
Mabait si uncle sa akin ibinigay niya lahat ng pangagailangan ko, sa katunyan nga pinag-aral pa niya ako.
Pero sadyang malupit nga talaga ang tadhana sa akin..
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND [COMPLETED]
General FictionSLAVE SERIES #1: JK and CARINA Rated:SPG! -Written in Filipino-