UG 20:

24.9K 364 42
                                        


Chapter 20.

Jett..

"Fuck! this is all my fucking fault! Fuck myself! Because of my stupidity, I hurt her and she's in danger right now! Damn!"  Ito ang naabutan kong eksena pagpasok ko pa lang sa VIP room dito sa bar na pagmamay-ari ni spike.

Napangiwi pa ako sa puro mura na aking naririnig. Agad akong tumabi ng upo kay wilder at pasimple akong bumulong sa kaniya.

Himala yata na walang alak sa harapan at tanging tubig at juice lang ang na kikita ko. nag bagong buhay na ba ang mga ito?

"Ano bang mayroon? Bakit nagkakaganiyan iyan?" Mahina kong tanong kay wilder sabay sulyap ko kay JK.

Muli akong ngumiwi ng makita ko ang kaniyang hitsura ngayon. gulo gulo ang kaniyang buhok ganoon din ang suot niyang polo shirt na gusot-gusot na rin.

Kung sa ibang pagkakataon pa siguro ito siguradong pagtatawanan ko na siya.

"In love ang gago" Mahinang bulong din ni wilder.. Bumilog naman ang aking bibig ng marinig iyon.

"So.. bakit nag dadrama 'yan? iniwanan na naman ba?" Tanong ko ulit.

"Nope. kinuha ng tauhan ni Mr. Cheng 'yong babae" Naiiling niyang sabi. nanlaki naman ang aking mga mata sa narinig.

"Mr. Cheng? 'yong panot na malaki ang tiyan? 'yong kapag ngumingiti yumayaman siya sa'yong paningin dahil sa naninilaw niyang ngipin? yung kasing laki lang ng daliri ko sa paa ang putotoy niya?" Pahayag ko.

Naikinatawa naman niya. kumunot naman ang aking noo.

Anong nakakatawa doon?

Ang babaw talaga ng kaligayahan ng isang'to.

" Seriously cunner? ganiyan talaga kahaba ang description mo sa intsik na iyon?" Natatawa niyang sabi.

"E sa 'yon siya eh! nagsasabi lang naman ako ng totoo." Naka ismid kong sabi sabay sulyap ko kay nixon na busy sa pakikipag usap sa kaniyang cellphone.

"What's her name? Is she beautiful?" Nanong ko sabay sulyap ko ulit kay JK na ngayon ay naka tungo na habang hawak niya ng mahigpit ang kaniyang ulo.

Nababaliw na yata 'to, ano nga bang number ng mental hospital?

"Carina.. hindi ko pa nakikita" ani wilder.

"Maganda siya. mas maganda sa hipon na gold digger na iyon" Sabay pa kaming napabaling sa sumingit na si spike.

"You already saw her?" Magkasabay na tanong namin ni wilder sa kaniya. ngumisi muna siya sa amin bago niya kami sinagot.

"Yeah. dito din sa bar sinundo siya dito ni JK actually kaibigan siya ni inday ko," Tumatawa niyang sabi.

"Who's inday?" kunot noong tanong ni wilder. ngumisi naman si spike.

"Sakin na lang iyon dude. Mamatay na ang mag tanong" tumatawa niyang sabi.

Naiiling nalang kami. Ano pa nga ba ang aasahan sa takas mental na'to?

"Ano naman ang maiitulong ko dito? bukod sa nag uumapaw kong kagwapuhan wala naman akong alam sa ganitong bagay" Reklamo ko pero isang nakakabobo na batok ang inabot ko kay wilder.

"Tigilan mo nga 'yang kahanginan mo at baka kabagan ka magkalat ka pa dito" Naiirita nitong sabi. aba't!

"We need to go. Nakausap ko na si dad. he will send his men to help us. ang kailangan lang nating gawin ay planuhin kung paano maka pasok doon" Hindi na ako nakaganti kay wilder sa biglang pagsalita ng isa pang HB na si Nixon.

UNDERGROUND [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon