UG 4:

39.8K 381 4
                                        

Chapter 4.




Wala na sa aking paningin si auntie pero nakatanaw pa rin ako kung saan siya lumabas kanina,

Wala akong nararamdaman, namanhid ang aking buong katawan para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nangyare,

Hindi ako makapaniwala na magagawa niya ito sa akin ang ibinta ako! Sa kabila ng mga ginawa ko para sa kanila ito pa pala ang igaganti niya sa akin,

Totoo nga ang sinabi sa amin noon noong teacher ko noong highschool na kahit kapamilya o kadugo mo. kaya ka pa rin nilang ipahamak,

"Dalhin niyo na siya" Sabi noong babae, sabay lakad niya palabas at naramdaman  ko nalang ang pagkaladkad ng kung sino sa akin.

Pero wala akong naging reaksyon doon dahil tanging pagiyak lang ang na ginagawa ko,

Lutang ako habang naglalakad kami, parang na blanko ang aking isipan sa nangyare, hanggang sa tumigil kami sa isang nakasarang pintuan.

Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako sa susunod na mangyayari,  parang nag katrauma na ako sa ganitong pagkakataon dahil hindi ko alam kung ano nanaman na panganib ang kakaharapin ko sa likod ng naka sarang pintuan na ito.

Walang katok-katok na binuksan ito ng babae at bumungad sa akin ang maraming kababaihan na tila na tigil sa kung ano mang ginagawa nila bago kami pumasok, may mga bakla din akong nakita na inaayusan ang iba sa mga babaeng nandito,

Habang tinitingnan ko sila nababakas ko ang takot sa mga mata nila, na hindi ko alam kung para saan iyon, dahil ba sa presensiya ng babaeng katabi ko?

Hinawakan ako sa braso noong babae na pinag-bintahan sa akin ni auntie.

"Ayusan niyo siya at turuan na rin sa mga dapat niyang gawin at matutunan dito" Maawtoridad niyang sabi.

Napadako naman ang tingin sa akin ng lahat ng nandito, tila isa akong kakaibang nilalang dahil sa ibinibigay nilang tingin sa akin na kalaunan ay napalitan ng awa,

Walang pa alam na lumabas iyong babae at tila nakahinga naman ang lahat nang nandito, habang nananatili lang akong nakatayo kung saan ako iniwanan noong babae,

"So. may bago nanaman silang na biktima" Paunang komento noong isang magandang babae habang abala sa pag aayos ng kaniyang mukha sa harap ng salamin.

Actually magaganda ang lahat nang nandito tila ba bawal ang pangit sa silid na ito.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya na ngayon ay nakatingin na sa akin,

"Carina" sagot ko sa nahihiyang tinig,

Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko dahil bigla nalang siyang humahalakhak,

"Mukhang wala ka pang ka muwang-muwang ah! Nga pala ako si amanda" Pag papakilala niya ng tumigil siya sa pag awa, na guluhan naman ako sa kaniyang sinabi,

"Korek ka diyan ganda! napaka suwerte ng mga matatandang hukluban na iyon sa isang'to" Singit ng isang bakla na ngayon ay lumapit na sa akin at ganoon nalang ang pagkagulat ko ng bigla niya akong hinila palapit sa isang upuan sa may harap ng salamin at sinimulan na niyang inayos ang aking gulo-gulong buhok,

"Anong ibig niyong sabihin? ano ba ang trabaho niyo dito?" Naguguluhan kong tanong sa kanila.

Kanina ko pa kasi talagang gusto na itanong sa kanila ang tungkol doon dahil napansin ko ang mga suot nila na mas malaswa pa sa suot ko, parang mga naka panty at bra na nga lang sila sa ikli ng mga iyon,

Napamulagat na  tumingin sa akin iyong dalawa at ganoon din ang iba pang nandito na parehong natigil sa mga ginagawa nila,

"Seryoso? hindi mo alam kung ano itong pinasok mo?" Hindi makapaniwala na tanong 'nong bakla na nasa likuran ko ng una siyang makabawi sa pagkabigla.

UNDERGROUND [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon