Chapter 18.
Tatlong araw na ang nakakaraan mula noong naganap ang dinner date daw kuno namin ni JK na nauwi naman sa kahalayan.
Tandang tanda ko pa ang mga milagrong ginawa namin sa hotel na iyon. Tinutoo nga ni JK ang dalawang araw na pag check in sa hotel na iyon.
Binalak nga talaga niyang laspagin ang aking katawan dahil walang kaming naging pahinga kundi ang pag-ihi at pagkain lamang kaya ang naging resulta para akong lantang gulay pagkatapos.
Para akong binogbog ng ilang ulit dahil sa subrang sakit ng aking katawan idagdag pa ang pamamaga ng pagitan ng aking mga hita. inulan pa nga ako ng tukso ni inday noong makauwi kami ng mansyon ni JK dahil para daw akong bagong tuli kung maglakad.
Kaya ngayon ko lang talaga na pagtanto na hindi lang pala sa labas halimaw ang JK na 'yon ganoon din pala sa kama at mas malala pa nga!
Napa ngiti ako habang pinag mamasdan ko ang mga paro parong dumadapo sa mga bulaklak dito sa garden. kanina pa ako nandito mula nang magising ako kaninang umaga at dito na kaagad ako tumuloy pagkatapos kong kumain ng almusal.
Wala kasi ngayon si JK ang alam ko may business trip siya ngayon at apat na araw na nga siyang wala. nagulat pa nga ako nang nag paalam siya sa akin. Akala ko wala pa rin siyang pakialam sa akin.
Napa buntong hininga ako nang may maalala ako. Mahigit na isang buwan na pala akong nananatili dito mula noong mapunta ako dito. Kay bilis talaga ng pahon.
"Masaya ba?" Napapitlag ako nang marinig ko ang nanunuyang boses na iyon mula sa aking likuran.
Kaagad akong pumihit paharap sa taong iyon na walang iba kundi ang naka ngising si Angie habang nanlilisik na naman ang kaniyang mga mata na naka titig sa akin.
"Masaya ba Carina ang maging isang señorita? na lahat ng tao dito ay pinag sisilbihan ka?" Puno ng panunuya niyang tanong.
Kumunot naman ang aking noo.
"Ano ba 'yang pinag sasabi mo? at teka nga lang muna bakit yata ang init ng dugo mo sa akin? ano bang ginawa kong kasalanan sa iyo?" sunod sunod kong tanong sa kaniya na ginantihan niya nalang ng nanunuyang ngiti sabay ismid niya sa akin.
"Wag kang mag panggap na inosente Carina hindi mo bagay." umismid muna ulit siya sa akin bago siya nag patuloy na nag salita.
"Masyado kang ilusyonada at ito ang tatandaan mo Carina hindi ka nababagay sa lugar na ito lalong lalo na Kay señorito dahil iisang babae lang ang nababagay sa kaniya! at oo nga pala sulitin mo na ang maliligayang araw mo dito baka malay mo ito na pala ang huling araw na maging masaya ka" Parang baliw siyang tumatawa matapos niyang sabihin iyon at walang lingon likod niya akong iniwan na laglag ang panga sa aking kinatatayuan.
Napa kagat labi ako nang mahimasmasan ako. anong ibig sabihin ng mga sinabi niya? sino ang babaeng tinutukoy niyang nababagay Kay JK?
"Hoy Carina! kanina pa kita tinatawag nakatulala ka na diyan! daig mo pa ang namaligno eh" Napa talon ako sa gulat ng biglang may nagsalita na naman kasabay ng pagtapik sa aking balikat.
Kahit hindi ko na siya lingunin pa alam ko na agad kung sino siya. pinakalma ko muna ang aking sarili bago ko siya hinarap.
"Oh. inday ikaw pala. may kailangan ka ba?" Tanong ko at pilit akong ngumiti sa kaniya.
Kumunot ang kaniyang noo habang tinitigan niya ako. kaagad naman akong nag iwas ng tingin at nag kunwari na nag mamasid sa mga bulaklak na nandito.
"Pinapatawag ka na ni manang para mag meryenda pero naabutan kitang naka tulala kanina. may problema ba Carina?" Seryoso niyang tanong walang bakas ng kalokohan sa kaniya ngayon na naka sanayan ko na.
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND [COMPLETED]
General FictionSLAVE SERIES #1: JK and CARINA Rated:SPG! -Written in Filipino-
![UNDERGROUND [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/107623102-64-k818622.jpg)