Rated SPG!!Chapter 19.
Inday..
Bigla akong natauhan sa pagkaka tulala nang tumakbo si carina. tinawag ko pa siya pero hindi man lang niya ako nilingon at tuloy tuloy lang siya sa pagtakbo palabas.
Mabilis akong tumakbo patungong gate nang makita kong nakalabas na si Carina.
"Bakit niyo pinalabas? malilintikan tayo nito kay señorito e!" Hinihingal kong singhal sa dalawang naka tungangang guard.
Bigla namang namutla ang mga ito. ayan ganyan nga matakot kayo. Mga pabaya kasi! inirapan ko muna sila bago ako lumabas para puntahan si Carina pero na gimbal ako sa aking nasaksihan pagkalabas ko.
Kitang kita ko ang sapilitan na pagpasok ng mga armadong lalake kay Carina sa itim na van at mabilis din itong nakaalis pagkatapos.
Parang nauupos na kandila na napa upo ako. ginapangan ako ng takot para kay Carina.
Sino ang mga iyon? ano bang atraso ni Carina sa kanila? o hindi kaya si JK ang pakay nila?
Sa isiping iyon mabilis akong tumayo at halos takbuhin ko na ang papasok ng bahay.
"Wag kayong paharang harang sa dinadaanan ko at baka masakal ko kayo! kundi dahil sa kapabayaan niyo hindi madudukot si Carina!" Bulyaw ko sa dalawang guard na akmang mag tatanong sa akin.
Sinamaan ko sila ng tingin bago ako tumakbo papasok.
"Manang!" Hinihingal kong sigaw ng maka salubong ko si manang.
"Inday nasaan si Carina? bakit siya umiiyak? Ano bang nangyari?" Sunod sunod niyang tanong.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ako sumagot.
"Manang si Carina po kinidnap ng mga armadong kalalakihan!" Mangiyak-ngiyak kong sumbong sa kaniya.
Napa sign of the cross naman si manang.
"Sino ang nakidnap??"
Bigla kaming natigilan ni manang ng may nagsalita at ng lingunin ko ang taong iyon. tumambad sa akin ang seroyosong si señorito habang nakakunot ang noo.
"Hijo. buti nandito ka na si Carina kasi.."
Nakita kong biglang natigilan si señorito at kaagad na umigting ang kaniyang panga.
"What about her? Nag iinarte na naman ba?" Malamig niyang sabi. naikuyom ko ang aking mga kamao sa aking na rinig.
Why he's such a heartless person? kitam? pati utak ko umi-english na! pero seryoso gusto ko na siyang sapakin sa ilong dahil sa kaniyang sinabi.
"Hindi ijo. nakita ko kasi kanina si Carina na umiiyak habang pababa dito. tinanong ko siya pero hindi ako pinansin at mabilis lang na tumakbo palabas at ito namang si inday hinabol niya.."
"I don't care about her manang. let her be if what she wants. Hindi na siya bata para alalahanin pa" Kita niyo na kung gaano siya kawalang modo?
Hindi man lang pinatapos sa pagsasalita si manang at ano daw? pabayaan nalang si Carina? ano 'yon lokohan?
"Pero hijo kawawa naman si Carina baka ano ng ginawa ng mga dumukot sa kaniya. baka sa mga oras na ito nasa panganib na ang kaniyang buhay" Puno ng pag-aalala na wika ni manang.
Nakita ko naman na natigilan ang demonyong lalake at ang unti-unting pamumutla ng kaniyang mukha. ayaw ko na siyang tawaging señorito hindi bagay sa katulad niyang halimaw!
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND [COMPLETED]
Ficción GeneralSLAVE SERIES #1: JK and CARINA Rated:SPG! -Written in Filipino-