UG 12:

33.5K 389 12
                                    

Rated: SPG

Restricted for adults readers only!

Chapter 12.


"Good morning po" Masiglang bati ko noong makapasok ako sa kusina.

Gulat na lumingon sa akin ang mga nandito kabilang na sila manang at inday na abala sa ginagawa.

"Oh! Hija ikaw pala 'yan.. tapos kana bang kumain?" Naka ngiting salubong sa akin ni manang.

Tumango naman ako.

Nakita ko pa si inday na may nakakalokong ngiti sa mga labi habang nakatingin sa akin.

Palihim ko siyang sinimangutan at ibinaling ko ang aking tingin kay manang at akmang mag sasalita na ako nang makarinig ako ng paparating na yabag.

Alam kong siya na iyon.. pagkababa kasi namin kanina sa may hagdan kaagad kong binawi ang kamay kong hawak niya at mabilis akong tumakbo patungo dito.

Naramdaman ko nalang ang presensiya niya sa aking tabi.

Bumadha ang pagkagulat sa mukha ng lahat nang nandito pagkakita sa taong nasa tabi ko na ngayon, subalit kaagad din namutla ang mga ito maliban lang kay manang na nakuha niya pang ngumiti sa bagong dating.

"Oh hijo.. naligaw ka yata dito?" Puno ng panunudyo na tanong ni manang.

"Manang sino ang naka assigned na mag dala ng umagahan ni Carina ngayon?" Malamig niyang tanong na ikinatahimik ng lahat ng nandito at doon pa lang sila napatingin sa hawak ng halimaw.

Kaagad na nanlaki ang kanilang mga mata sa nakita habang umiiling lang si manang at noong sulyapan ko si inday namumutla na siya! Masama man pero gusto kong mapahalakhak sa mukha niya ngayon na nag kulay suka na.

"Si inday ang inatasan ko na magdala niyan kay Carina" Mahinahon na tugon ni manang kay sa lalaking katabi ko.

"Who's inday?" Mapanganib niyang tanong.

Napairap nalang ako. Nananakot na naman ang mokong.

Nakita kong napatungo si inday at halatang nanginginig na ito sa takot sa halimaw na nasa tabi ko.

"Siya po si inday señorito. may pagkatamad po talaga iyan.. kung ako po sa inyo papalayasin ko na po siya dito sa mansyon hindi po nababagay dito ang katulad niyang tamad at tanga" biglang pag epal noong Angie habang naka turo sa direksyon ni inday.

Naka ngisi pa siya habang sinasabi iyon.. tila ba natutuwa siya sa nangyayare ngayon.

Tumalim ang tingin ko sa kaniya at gusto ko na siyang lapitan at ingodngod ang mukha niya sa naka sindi na kalan.. Napupuno na ako sa pag-uugali ng bruha na ito!

Akmang lalapitan na ni JK si inday nang mabilis akong lumapit sa kaniya at inagaw ko 'yong hawak niyang tray at inilapag ko ito sa kalapit na lamesa at pagkatapos mabilis ko siyang hinila paalis doon.

"Manang! Salamat po sa agahan! alis na po kami" Sigaw ko bago pa kami tuluyang makalabas ng kusina.

"What the hell Carina! why are you dragging me? I want to talk with that bitch! I will give her a punishment, i swear!" Tiim bagang niyang sabi at halatang nang gigigil.

Kaagad ko na siyang binitawan noong makarating na kami sa may garden. nagulantang pa ang mga nandito sa biglaang pagdating namin.

Kaagad akong pumihit paharap sa kaniya at sumalubong sa akin ang madilim niyang mukha.

Nakita kong lumingon din sa amin ang lahat ng mga nag aayos dito sa garden pero kaagad din silang nag iwas ng tingin noong pinukol sila ng matalim na tingin ni JK.

UNDERGROUND [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon