Chapter 22.
Inday..
Matapos na paalisin ni Carina si JK sa silid na iyon nag aya naman siyang lumabas na ng hospital na kaagad naman naming tinutulan pero wala din kaming nagawa noong nag banta siyang sasaktan ang sarili at dahil sa takot namin na tutuhanin niya ang bantang iyon pumayag nalang din kami.
Mariin nga ang pagtanggi ng doctor noong sinabi namin na ilalabas na namin si Carina. lalo na si JK na muntik pang mag wala pero nang murahin at pinag sisigawan na siya ni Carina wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag na rin.
Gusto pa nga ni Carina na sa auntie niya umuwi at doon nalang mag pagaling pero mahigpit na tumutol si JK at ito naman ang nag banta na susunugin niya ang bahay ng auntie ni Carina sa oras na umuwi ito doon.
Walang na gawa noon si Carina kundi ang tingnan lang ng masama si JK. dahil alam niyang gagawin talaga ni JK ang banta nito.
Kaya ngayon dito na siya sa mansyon nagpapagaling. tuwang tuwa pa nga si manang ng makabalik dito si Carina. kaya lang sa mga nag daang araw lagi lang siyang nagkukulong sa kaniyang kwarto. lumalabas lang siya kapag alam niyang nakaalis na si JK papasok ng office.
Sa totoo lang kahit naiinis pa rin ako sa halimaw na iyon pero simula noong nakalabas ng hospital si Carina naka ramdam naman ako ng awa para sa kaniya dahil sa cold treatment na ibinibigay ni Carina sa kaniya. para bang may nakakadiri siyang sakit kung layuan siya ni Carina.
Gabi gabi rin si JK umuuwi na lasing. may pagkakataon pa nga na naaabutan ko siyang naka tambay sa harap ng pinto ng silid ni Carina at minsan kapag nag hahatid ako ng agahan kay Carina naaabutan ko siyang mahimbing na natutulog sa harap ng silid na inuukupa ni Carina.
Nahahabag ako sa kalagayan ni JK dahil ilang araw pa lang ang nakakaraan pero ang laki na ng ikinahulog ng pangangatawan niya. puro alak ba naman kasi ang inatupag hindi ko lang sigurado kung kumakain pa ba siya.
Hindi ko rin maipaliwanag ang hitsura niya ngayon na ngangalumata na at idagdag pa na hindi narin niya nagawang mag ahit man lang.
Mukha din siyang hindi na naliligo dahil sa ayos at hitsura niya ngayon. Dinaig pa niya ang tambay sa kanto.
Buti nalang talaga at gwapo siya kaya hindi siya masyadong nakakadiring tingnan. he's totally a messed.
Ilang ulit ko na ring pina-alam kay Carina ang mga nangyare at ang mga pinag-gagawa ni JK ngunit nag bingi-bingihan lang siya at halatang galit pa rin siya kaya hindi na rin ako nag tangka na bumanggit pa ng tungkol kay JK.
Mahirap talagang mag paliwanag sa taong galit!
Carina..
Ilang linggo na rin ang nakakaraan mula nang mangyari ang bangungot na iyon sa akin. pero hanggang ngayon sariwang sariwa pa rin ang bawat detalye para bang naka paskil na iyon sa aking isipan at kahit nag hilom na ang mga sugat ko sa buong katawan nag iwan naman ito ng marka na para bang nagsasabi na kahit kailan ay hindi ko matatakasan ang bangungot na iyon.
Buong akala ko talaga iyon na ang katapusan ko. pero sa kalagayan ko ngayon ilang ulit kong hiniling na sana hindi na ako nagising pa! Na sana ay natuluyan nalang ako kung habang buhay naman akong hahabulin ng masakit at bangungot na naranasan ko sa mga kamay ng mga demonyong iyon!
Halos gabi gabi nalang akong nagsisigaw sa tuwing matutulog ako at na gigising nalang ako na tigmak na ng luha ang aking buong mukha habang nanginginig sa takot at sa tuwing pumipikit ako ay nakikita ko pa rin ang lahat ng iyon na para bang nangyayari pa rin sa akin.
Wala akong ibang naging karamay sa mga nag daang gabi kundi ang mga unan na laging napapaliguan ng aking mga masaganang luha.
Sa totoo lang pagod na pagod na ako. ilang ulit ko na rin na tinangkang kitilin ang sarili kong buhay para lang matapos na ang pag hihirap kong ito. pero hindi ko magawa na para bang may malakas na puwersa ang pumipigil sa akin na gawin iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/107623102-288-k818622.jpg)
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND [COMPLETED]
General FictionSLAVE SERIES #1: JK and CARINA Rated:SPG! -Written in Filipino-