Chapter 21.
Jett..
One week had passed but until now hindi pa rin nagigising si Carina at sa ilang araw na lumipas wala kaming ibang ginawa kundi ang magpa balikbalik dito sa hospital.
Salit-salitan kaming apat sa pag
punta dito. maliban nalang kay JK na ginawa ng bahay itong hospital dahil halos dito na siya tumira.Kahit sinabi na ng doctor na maayos na ang lagay ni Carina at hinihintay nalang na magising ito pero hindi niya parin ito magawang iwanan.
Nasa tabi lang siya ng hospital bed na kinahihigaan ni Carina habang hawak-hawak niya lamang ang kamay nito. Sa katunayan ilang araw na siyang walang tulog at nangangalumata na siya at subrang itim na rin ng ilalim ng kaniyang mga mata marahil sa subrang puyat.
Ilang ulit na ba namin siyang sinabihan na mag pahinga muna kahit saglit lang pero hindi siya nakinig sa amin. hanggang sa umabot sa punto na nilagyan na namin ng pampatulog ang kaniyang iniinom.
Nakatulog nga siya ng isang araw kaso paggising naman niya bogbog sarado ang inabot naming tatlo mula sa kaniya. maliban kay Nixon na hindi nakisali sa plano naming iyon.
Galit na galit sa amin si JK noon malulutong na mura pa ang inabot namin mula sa kaniya. paano daw kung nagising si Carina habang tulog siya. sino daw ang mag aasikaso dito at paano daw kung hanapin siya nito. ang oa lang diba?
Kaya ito ilang araw na kaming hindi nakakalabas para makipag landian sa mga chicks dahil sa mga pasa namin sa mukha na inabot namin mula kay JK.
Buti nalang din talaga at nag uumapaw ang kagwapuhan kong taglay kaya hindi naka bawas itong mga pasa ko sa mukha. hindi katulad noong dalawang ugok na mas lalo pang pumangit ngayon. nagmumukha na tuloy silang uranggutan.
Naalala ko pa noong gabing dinala ni JK si Carina dito. kaagad kaming sumunod noon nung pagkatapos naming siguraduhin na hindi na makakatakas ang mga may gawa nito.
Nadatnan namin si JK na umiiyak habang nasa labas ng ER. pare-pareho pa kaming natigilan nang nakita namin siya sa ganoong kalagayan, dahil ang kilala naming JK ay hindi marunong umiyak at kailan man ay hindi siya naging mahina. pero ibang iba sa gabing iyon dahil ang nakikita naming JK ay mahina at parang doon pa lang namin nakilala ang totoong john kristoff Regalla.
Sinamahan namin siya sa labas ng ER noon at hindi namin siya iniwan hanggang sa lumabas ang isang doctor mula sa loob at ibinalita na nasa maayos na lagay na si Carina. ayon pa sa doctor mabuti nalang daw at nadala agad sa hospital si Carina kaya naagapan agad dahil kung nag tagal pa daw maaaring hindi na nakayanan ng katawan nito ang pagdurugo ng mga sugat at maari din itong maubusan ng dugo.
Kung masaya man kami sa ibinalita ng doctor. lalo naman si JK na naiiyak pa sa subrang kagalakan. kaya nga lang disaster naman sa amin ang sumunod na araw dahil halos hindi na siya umaalis sa tabi ni Carina ni ang pag ligo nga hindi niya magawa kung hindi pa namin siya sapilitang kinakaladkad papasok ng banyo nitong kwarto na kinalalagyan ni Carina hindi pa siya maliligo.
"Hindi pa rin ba 'yan kumakain?" Nag-angat ako ng tingin ng biglang may nagsalita at nakita ko ang naka kunot noo na si wilder na kakapasok pa lamang.
Napa sulyap ako sa mga pagkain na nasa maliit na lamesa sa gilid ng kama na kinahihigaan ni Carina at wala pa ring bawas iyon.
"Wala daw siyang gana" kibit balikat Kong sagot sa kaniya.
Bumuntong hininga siyang tumabi ng upo sa akin dito sa sofa.
"Kahapon pa 'yan walang kain ah! baka mamalayan nalang natin siya na ang nakahiga sa kama na 'yan? e kung painjectionan na natin ng pampatulog?" Aniya na tila wala sa sarili habang sinasabi iyon. Bigla naman akong napatayo sa kaniyang sinabi.

BINABASA MO ANG
UNDERGROUND [COMPLETED]
Ficção GeralSLAVE SERIES #1: JK and CARINA Rated:SPG! -Written in Filipino-