UG 10:

38.3K 429 18
                                    

Rated SPG: read at your own risk!

Chapter 10.


"Ano ba! dahan-dahan naman!" Reklamo ko dahil muntik na naman akong mahulog dahil sa bilis ng kaniyang paglalakad.

Napapangiwi din ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa aking braso at sigurado akong magkakapasa ito.

Wala siyang imik mula nung kinaladkad niya ako paalis doon sa hardin. ilang beses din akong natalisod dahil hindi ko magawang masabayan ang malalaking hakbang niya na para bang hinahabol siya ng pitong demonyo at ilang beses din akong kamuntikan na mahulog dito sa hagdan kung hindi lang niya hawak ang aking braso siguradong gumulong na ako pababa!

Wala talaga siyang  pakiaalam kahit halos mangudngod na ako sa lapag basta tuloy lang siya sa marahas na pagkaladkad sa akin.

"Bitawan mo nga ako! kaya ko namang mag lakad mag isa hindi mo na ako kailangan na kaladkarin pa!" Hininhingal kong bulyaw sa kaniya noong hindi na ako makatiis.

Halos kapusin na ako ng hangin dahil sa pagod. daig ko pa ang nag marathon nito.

Ngunit kagaya kanina hindi pa rin siya nag sasalita at patuloy lang siya sa mabibilis na paghakbang. kung may asthma lang siguro ako malamang na kanina pa nakatirik ang aking mga mata!

Buwesit na lalake na ito!

Hanggang sa namalayan ko nalang na nasa harap na pala kami ng silid na ilang araw ko na ring naging tambayan. mabilis niyang binuksan ang pintuan habang hindi pa rin niya binibitawan ang aking  braso.

Hinila niya ako papasok matapos niyang mabuksan ang pintuan at nung makapasok kami ay agad kong narinig ang pag click ng seradura indikasyon na ni-lock niya ito at pagkatapos ay lumapit siya sa may kama at pabalibag niya akong itinulak doon.

Sumubsob ako sa kama at buti na nga lang malambot ito kaya hindi ako gaanong nasaktan.

Mabilis akong bumangon at pinukol ko siya ng matalim na tingin pero tila baliwala lang iyon sa kaniya.

"Kailangan talagang manulak?!" Singhal ko sa kaniya.

Ngunit wala pa rin siyang naging reaction sa ginawa kong pagsigaw nakapamulsa lang siya sa aking harapan habang matiim niya akong tinitigan.

Anong klasing nilalang ba ang isang ito? Daig pa niya ang isang bato sa subrang tigas.

"Ano? tititigan mo nalang ba ako? alam kong maganda ako pero sorry ka nalang hindi kita type!" Pabalang kong sabi sa kaniya matapos kong umayos ng upo. pero hindi pa rin siya natinag at nananatili lang siya sa ganoong ayos.

Naiinis na inihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha at padabog akong tumayo.

"Kung wala kang balak gawin kundi ang tumayo lang diyan at titigan ako. bahala ka sa buhay mo! manigas ka sana diyan!" Napupuno kong sabi.

Lumayo na ako sa kama at mabilis ko siyang nilampasan at tinungo ko ang pintuan at akmang pipihitin ko na  ang seradura ng biglang may pumigil sa aking braso.

Kunot noo kong nilingon ang salarin na iyon at halos mapa-atras ako nang masalubong ko ang nag babaga niyang titig at sa isang kisap-mata ay nagawa niya akong isandal sa hamba ng pintuan.

Madilim ang kaniyang mukha nung mag angat ako ng tingin sa kaniya at kapagkuwa'y itinukod niya ang dalawang braso sa magkabilang gilid ng aking ulo at mukhang hindi pa siya nakuntento dahil mas lalo niya pang inilapit ang kaniyng mukha sa akin na halos maduling na ako sa subrang lapit nito.

"You always running away from me hmm?  You're so stubborn woman.." anas niya sa aking tenga.

Tumayo ang aking mga balahibo sa  buo kong katawan dahil sa kaniyang hininga na tumatama sa aking balat lalo na nung marahan niyang kinagat ang aking tenga.

UNDERGROUND [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon