UG 9:

33.9K 386 17
                                    

Chapter 9.



"And where do you think you're going?"

Natigilan ako sa paghakbang nang marinig ko ang malamig at pamilyar na boses na iyon.

Kumabog ng mabilis ang aking dibdib sa subrang kaba at kahit ayaw kong lingunin ang taong iyon ayginawa ko pa rin.

Dahan-dahan akong pumihit paharap sa kaniya at nanlamig ako noong  makasalubong ko ang nag babaga niyang mga mata na nakatingin na ngayon sa akin.

Umiigting ang kaniyang panga, habang ang kaniyang mukha ay kasing dilim ng gabi.. biglang namawis ang aking mga kamay at pakiramdam ko mawawalan ako ng ulirat nang wala sa oras. nakakatakot ang anyo niya na parang kakainin niya ako ng buo.

Ilang ulit akong napalunok.

"Hi.."

Hilaw kong pagbati sa kaniya na sinabayan ko pa ng pagkaway.

Kahit hindi ko nakikita ang aking mukha sigurado ako na tabingi na ngiti ang naka paskil sa aking mga labi sa mga oras na ito.

"I'm asking you, where are you going? and how did you get out"

Seryoso niyang tanong sa akin, na para bang kaunting maling sagot ko lang ay masasakal na niya ako.

Napakamot ako sa aking buhok..

"Dumaan ako sa pinto?" Patanong kong sagot sa kaniya na siyang lalong nag padilim sa kaniyang mukha.

Nanlilisik din ang mga mata niya habang naka tingin sa akin, nanginig tuloy ako sa takot, ngali-ngali ko nang batukan ang aking sarili, dahil lalo ko pa siyang ginalit.

"Hindi ako nakikipag-biruan sa iyo babae!"

Iritado niyang sinabi na halatang nag pipigil lang ng galit.

"Bakit totoo naman ang sinabi ko ah! Paano ako makakalabas kung hindi ako dadaan sa pinto?" Katwiran ko pa.

"Damn!" Napapisil nalang siya sa kaniyang matangos na ilong sa subrang pagkairita sa akin.

"Stop talking! bumalik ka na sa kwarto mo at baka masakal pa kita." Nag titimpi niyang sabi habang naka turo siya sa taas kung nasaan naroroon ang silid na pinagkulungan niya sa akin.

Kaagad naman na nanlaki ang aking mga mata sa narinig. Busangot ko siyang tiningnan.

"Ano?! Gago ka pala e! kahit kaladkarin mo pa ako patungo doon hinding-hindi na ako babalik sa pisting silid na iyon! at kung gusto mo iyang sarili mo ang ikulong mo doon!"

Sigaw ko sa kaniya bigla nalang naglaho ang takot at kaba na nararamdaman ko kani-kanina lang.

"What?" Wala sa sarili niyang sambit.

Tila nagulat siya sa ginawa kong pag sigaw, hindi niya yata inaasahan na papalag ako.

"What-watin mo 'yang mukha mo! Basta hindi na ako babalik doon!"

Pag mamatigas ko pa at akmang hahakbang na ako palayo sa kaniya ng bigla niyang nahagip ang aking braso at mabilis niya akong hinila paalis doon.

"Anong ginagawa niyo diyan? Bumalik na kayo sa mga trabaho niyo!"

Dinig kong sinabi ng kung sino bago kami tuluyang makaalis sa lugar na iyon.

Doon ko lang din napagtanto na marami na palang mga mata ang nanunuod sa amin.

"Bitawan mo nga ako!" Reklamo ko habang pilit na nag pupumiglas sa mahigpit na pagkakahawak niya sa aking braso.

Pero parang wala siyang narinig at patuloy lang niya akong kinaladkad sa kung saan.

UNDERGROUND [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon