Chapter 23.Carina..
Tinanghali na ako ng gising kinabukasan dahil na rin sa madaling araw na ako nakatulog. kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata at kahit tinatamad pa akong bumangon pinilit ko pa rin na tumayo at kaagad akong nag ungo sa banyo para gawin ang morning rituals ko.
Pagbalik ko sa kama doon ko palang nakita ang mga pagkain na naka patong sa ibabaw ng bedside table na ilang araw ko na rin na naka sanayan.
Sigurado akong si inday na naman ang may dala nito. hindi na ako nag patumpik-tumpik pa at kaagad ko na iyon na nilantakan at habang kumakain ay inabala ko naman ang aking sarili sa pag-iisip sa maaaring mangyari sa muling paghaharap namin ni JK.
Napahimas nalang ako sa aking tiyan noong matapos akong kumain. Busog na busog ang aking pakiramdam.
Para akong maiihi sa subrang kaba na aking nararamdaman ngayon. ilang ulit na akong humakbang patungo sa may pintuan ngunit hindi ko magawang buksan ito at pagkatapos tsaka ako babalik sa pag-upo sa kama. ilang ulit ko nang ginawa iyon.
Natatakot akong lumabas na para bang sa paglabas ko ay makikita ko siyang nakahiga sa labas habang namamaluktot sa lamig tulad ng sinabi ni inday. gusto ko na siyang makausap kaya lang naduduwag naman ako.
"kaya mo iyan carina! Huwag kang kabahan tiwala lang" parang tanga na pagka-usap ko sa aking sarili bago ko pinihit pabukas ang pintuan.
Bumuga muna ako ng hangin bago ako tuluyang lumabas at nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makita na JK paglabas ko.
Hindi pa rin ba siya umuuwi?
Abala ako sa pag iisip ng mga sasabihin kay JK pag nakaharap ko na siya habang tinatahak ko ang pasilyo patungo sa may hagdan ng bigla akong napatigil sa aking nakita.
Dahil nasa aking harapan ngayon si Angie na ilang hakbang lang ang pagitan niya sa akin. gaya ng dati matalim na naman ang tingin na ibinibigay niya sa akin.
Umiwas nalang ako ng tingin sa kaniya at taas noo akong nag patuloy sa pag hakbang na para bang hindi ko siya nakita. habang siya naman ay nananatiling nakatayo lamang sa kaniyang kinatatayuan. hindi ko nalang pinansin ang nanlilisik niyang mga mata habang naka tingin sa akin.
Malalampasan ko na sana siya nang bigla siyang nagsalita.
"Bilib din naman ako sa kakapalan ng mo no? nagawa mo pa talagang bumalik dito. bakit ba hindi ka nalang tinuluyan ng mga gagong 'yon? tutal naman walang halaga ang katulad mong pokpok dito sa mundo" sabi niya sa nanunuyang boses.
Kaagad akong natigilan at ng lumingon ako sa kaniya nakita kong naka ngisi siya sa akin.
Nag tatagis ang bagang na hinarap ko siya. "Ano ba ang problema mo sa akin Angie? wala naman akong ginagawang masama sayo pero bakit ang init ng dugo mo sa akin?" kunot noo kong tanong sa kaniya pero tinawanan lang niya ako.
"Oh come on Carina. stop acting as if you're so innocent! dahil alam nating pareho kung anong klase kang babae! kung sila malilinlang mo. ibahin mo ako Carina. hindi ako katulad nilang tanga alam kong pera lang ni señorito ang habol mo sa kaniya kaya pilit mong pinagsiksikan ang sarili mo dito" Mapang uyam niyang sabi.
Naikuyom ko ang aking palad.
"Ano Carina? hindi ka makasagot no? masakit ba ang katotohanan Carina? masyado ka kasing ambisyosa bakit kaya hindi ka nalang sa club pumunta? doon naman nababagay ang mga kagaya mong pokp--"
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at sinampal ko na siya. pumaling pa pakaliwa ang kaniyang mukha dahil sa lakas ng pagkakasampal ko sa kaniya.
"Wala kang alam sa pagkatao ko Angie kaya huwag mo akong husgahan na para bang ang linis linis mo at ito ang tatandaan mo! Sa susunod na insultuhin mo pa ang pagkatao ko hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin!" Nang gigigil sa galit kong sabi at malalaki ang hakbang na iniwan ko siyang umiiyak doon.

BINABASA MO ANG
UNDERGROUND [COMPLETED]
Fiksi UmumSLAVE SERIES #1: JK and CARINA Rated:SPG! -Written in Filipino-