Dear Zach

312 8 7
                                    

"Love, Mica"

Dear Zach,

Bata pa lang tayo crush na kita, ngayong malaki na tayo mahal na ata kita.

Sabihin mo nga sakin, ano bang meron sayo ha?

Gwapo ka nga, ang sungit mo naman

tapos hindi mo pa ko pinapansin, ni hindi mo nga ko nginingitian eh,

kailangan ko pa bang magpapansin sayo ha?

Hoy sagutin mo ko!

Take note, magkapitbahay lang tayo at higit sa lahat kababata mo pa ko.

Hanggang tingin na lang ako sa bintana ng kwarto ko matanaw ka lang, laking pasalamat ko nga dahil magkatapat lang ang mga kwarto natin.

Bad news: nakasarado naman lagi ang kurtina sa kwarto mo.

Ang arte mo din eh no?

Pasalamat ka nga gusto pa kitang tingnan.

Hay buhay, kailan mo ba ko balak pansinin ha?

Bahala na nga, i know someday mapapansin mo din ako at mahuhulog ka din sa kin

Promise yan.

Love, Mica

---------------------

Author's note:

Itong istoryang ito ay naisipan ko lang gawin out of boredom, ang karakter, lugar, pangyayari ay pawang imahinasyon lamang ng author kaya nawa'y pagpasensyahan niyo na kung ano man ang dapat pagpasensyahan sa istoryang ito kapag nagsimula na kayong magbasa.

Ang mga character na ginamit ko ay nasa gilid, hindi niyo makikita ang mga pictures na ginamit kung kayo ay mobile users so tingnan niyo na lang kapag may time kayo kung wala naman, edi okay lang din.

So ito na nga ang casts ng aking gawa-gawang story na "Love, Mica"

Si Park shin hye ang ginamit ko bilang Mica Santos kasi ang ganda niya masyado, natutuwa din kasi ako sa kanya.

Si Lee minho naman ang ginamit ko sa character ni Zacharia Matthew Santillan, ever since crush ko kasi siya kaya siya yung inilagay ko para maging Zach, medyo masungit din kasi yung itsura niya kaya bagay din naman :-)

Si Jo Kwang Min naman ang ginamit ko sa role ni Mico Santos na kakambal at kuya ni Mica, nacute-an kasi ako sa kanya at parang medyo magkahawig sila.

And lastly, si Kim woo bin bilang Nathaniel Perez na bestfriend ni Mica, ang lakas din kasi ng sex appeal nito kaya siya yung natripan ko na ilagay.

Nawa'y basahin niyo at subaybayan ang nakakalokang istorya nitong si Mica, mag vote and comment na din pala kayo :-)

Love, MicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon