Chapter 12
Sabado na naman ngayon at eto ako nakahiga pa rin sa kama ko, naalala ko na naman yung mga sinabi niya kahapon. Takte! nakakainis talaga yung feeling na umiyak ako sa harapan niya, pakiramdam ko tuloy ang hina-hina ko.
Like for real?! Umiyak ba talaga ko sa harapan niya kahapon? Nakakairita lang. Bakit ko naman kasi ginawa yun di ba? TANGA. TANGA. TANGA
"Don't expect anythyng from me, I don't love you, I don't even like you"
"Don't expect anythyng from me, I don't love you, I don't even like you"
"Don't expect anythyng from me, I don't love you, I don't even like you"
Waaaaah! Nag-eecho na naman siya, badtrip naman eh >.<
Paulit-ulit ko na namang naiisip yung sinabi niya sakin kahapon, tama na okay??
Edi ako na nga ang hindi mo mahal di ba?! Edi ako na din ang hindi mo gusto?! Pakialam ko ba?! Waaaah! Syempre may pakialam ako, L ko siya eh!
Waaaah! Nakakainis talaga, bakit ba nagmukha akong tatanga tanga sa harap ni Zach kahapon? Nagmukhang akong paslit na nagpapabili ng laruang gusto niya sa magulang niya pero ayaw bilihan.
Bakit ba kasi ang childish childish ko?!
Shet lang! May pasabi sabi pa ko ng 'mahal kita' tangna! Ba't ba hindi ako nangilabot kahapon?
Ang isa pang nakakainis, nagmakaawa pa ko na mahalin niya ko, pucha lang di ba? Hindi ko na binigyan ng kahihiyan yung sarili ko. Very good mica! Wala ka ng ginawa kundi ipahiya yang sarili mo, baka mabigyan ka na ng napakagandang award niyan bigla, tss.
Bigla namang bumukas yung pintuan ng kwarto ko.
"Hoy! Hindi ka ba kakain?" sabi ni kuya na nakadungaw lang sa labas ng pintuan ng kwarto ko.
Tiningnan ko lang siya saglit bago ako magsalita "ayoko, hindi ako gutom" walang gana kong sagot bago ako nagtaklubong ng kumot.
Narinig ko naman yung pagsara nung pinto.
Waaaaaaah! Ang bobo mo talaga mica, bobo ka! Oo, bobo ka talaga.
Inuuna mo pa yang kalandian mo! yan tuloy napapala mo, tss! Puro kahihiyan yung inaabot mo dahil sa sobrang pagpapantasya mo dyan sa Zach na yan. Nakakainis talaga.
Tumayo na lang ako sa kama ko at lumapit sa study table ko, umupo ako sa upuan ko at kumuha ng ballpen at papel.
Magsusulat na lang ako, ilalabas ko na lang lahat ng sama ng loob ko sa kanya dito sa sulat na to.
Baka sa ganitong paraan mawala yung inis at kahihiyan na nararamdaman ko.
...
Dear Zach,
Masama ang loob ko sayo! Oo, totoo yan. Nakakainis talaga! kasi hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi mo sakin, tinawag mo pa nga kong desperada eh! Leche talaga, Oo na! Ako na talaga desperada, kasalanan mo naman yun eh! bakit ba kasi nakaka-attract ka? Grrr. Oo nga, pumayag ka ng maging boyfriend na kita pero hindi naman ako masaya, bigla ko kasing naalala yung mga pinagsasabi mo sakin eh, okay na sana eh! kikiligin sana ko kung wala yung arte mo na, 'you don't love me, you don't even like me' tapos sabi mo pa hindi mo mapapangako na mamahalin mo ko, takte! So forever one sided love na lang drama ko ganun? Nakakainis talaga alam mo yun?! Nakakainis yung mga inarte ko sayo kahapon, nagmukha pa kong kahiya-hiya sa harapan mo. Nakakainis naman kasi eh! Napaka-aggressive ko towards you, kailangan ko bang magpakahinhin para lang magustuhan mo? Waaah! Ewan ko sayo, nakakabaliw ka din eh no? Ginugulo mo utak ko, nakakainis kaaaa, hanggang dito na nga lang to, mahaba na eh.
BINABASA MO ANG
Love, Mica
HumorMica tried her best to get the attention of Zach, her long time love. So in her desperation she wrote letters for him secretly but instead of giving those letters she just kept it, she even tried to convince him to be her boyfriend and tried to play...