Chapter 6
Mabilis natapos ang buong linggo, hindi ko na nga napansin yung paglipas nito eh.
Naging busy din kasi ako kaya hindi ko na rin naramdaman na lumilipas yung araw, hindi na ulit kami nagusap ni Zach right after nung sabayan ko siya sa pagpasok sa school.
Tulad ng sabi ko, busy nga kasi masyado kaya hindi ko na siya nabigyan pa ng atensyon.
Busy kasi lahat para sa darating na event sa school, kaya may mga booth na naka-assign per section, one week din yung inilaan namin para sa preparation nun kasi one week din naman yung magiging celebration namin.
Sana maganda yung kalabasan ng pinaghirapan namin.
Aba! Dugo at pawis yung inilaan ko dun ah, kaya sana maganda yung itsura nun, kung hindi! Naku, maghahalo ang balat sa laman. Ano daw?!
Tapos nagpractice pa pala kong kumanta kasi pinapakanta ako sa last part ng event, ayoko namang magkalat lang dun kaya todo practice yung ginawa ko.
Aba, kung hindi niyo naitatanong, talented ata ako, haha. Ako na talaga mayabang, kfine.
Well, back to reality tayo.
So, linggo ngayon and ito lang yung araw ng pahinga ko, nasa school din kasi ako kahapon buong araw kasi tinapos na namin yung ayos ng booth namin which is kissing booth, yun kasi yung naka-assign samin since 4th year highschool kami and A section.
Anyway, bukas pa naman yung start nung event kaya bukas na lang din ako maeexcite, bukas ko na i-oon yung excitement ko okay?
Nakaupo lang ako sa garden ng bahay, nakakarelax kasi dito, ang sarap pa ng hangin tapos ang ganda ng view.
Bukod sa mga bulaklak na nakapaligid sa garden, natatanaw ko din siya na naglilinis ng kotse niya sa bakuran nila, Oh yeah! Sige lang baby, linisin mo lang yan ng mabuti, hilurin mo yan at baka may libag libag pa sa kasingit singitan.
Yea! May sarili siyang car, rich kid eh.
Habang nanunuod ako may naisip ako bigla kaya dali-dali akong tumakbo papasok sa bahay.
Nakita ko naman si papa na nanunuod ng tv sa living room, andito parents ko buong maghapon every sunday kasi rest day din nila tuwing linggo.
"Mica, dahan dahan! Baka madapa ka" sita nito sakin.
"Hindi po yan" sabi ko sabay takbo ulit papaakyat ng hagdan papunta sa kwarto.
Agad kong hinalungkat yung drawer ko para hanapin yung cellphone ni Zach, nakakalimutan ko kasing isauli eh.
Don't worry!
Hindi ko naman pinakailaman yun, pinagnasaan ko lang yung mga pictures niya dun.
Joke lang!
May password kaya yung phone niya, so paano ko mabubuksan yun di ba?
Magsasayang lang ako ng energy kung huhulaan ko pa, tamad pa naman ako tsaka nakakapagod kaya magkalikot ng magkalikot ng phone kaya nevermind na lang.
Dali-dali ulit akong bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay, naglakad ako papunta sa kanila, hindi na ko nagdoorbell kasi andun lang naman siya sa bakuran nila at naglilinis pa din ng kotse, tanaw na tanaw ko nga yung bawat galaw niya mula rito eh.
"Huy!" Sigaw ko sa kanya nung makarating ako sa gate ng bahay nila, mukha namang nagulat siya sa pagtawag ko, napansin ko yung paggalaw ng balikat niya eh, sus! magugulatin pala to eh.
Aba, bastos na kung bastos. Wala akong pakialam, magulat lang siya hanggang sa gusto niya baka gusto niyang gulatin ko siya araw-araw para matuwa siya lalo.
BINABASA MO ANG
Love, Mica
HumorMica tried her best to get the attention of Zach, her long time love. So in her desperation she wrote letters for him secretly but instead of giving those letters she just kept it, she even tried to convince him to be her boyfriend and tried to play...