Chapter 2

139 7 4
                                    

Chapter 2

Lumabas na ko ng room papunta sa cafeteria, lunch break na din naman and nagugutom na talaga ko.

Naglalakad lang ako nang biglang may umakbay sakin "sumasayad na ang nguso mo sa lupaaaa" mapangasar na kanta nito habang nakaakbay sakin.

Tinusok ko naman yung tagiliran niya, napaigtad naman siya dahil dun pero hindi bumitaw sa pagkakaakbay.

Tumawa siya pero pinagpatuloy pa rin yung kanta niya.

"Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigoooo" ay engots! Feel na feel ang pagkanta.

"Sige i-push mo lang yan" sabi ko sabay irap.

Kita na nga niyang badtrip yung tao eh tapos gaganyan ganyan pa siya.

Tumawa na lang siya ng mahina dahil dun sa sinabi ko.

"Haha. Busangot na naman mukha mo, kaya ang panget mo eh" natatawang sabi niya sakin.

Inirapan ko ulit siya dahil dun sa sinabi niya "Oo na lang, hiyang hiya naman ako sa kapogian mo eh" aniya ko.

Ginulo niya na lang yung buhok ko "Joke lang, galit agad eh" sabi niya.

"Har har! Ang funny" sabi ko na may halong sarcasm

"Gutom ka no? Ang sungit mo eh" natatawang sabi niya sakin.

"Oo gutom na ko, at dahil binubwiset mo ko, ilibre mo ko Nathaniel" sabi ko sabay hila ko sa kamay niya papuntang canteen.

Tss, akala niya ah! At ang loko, nagpahila naman sakin.

Uto-uto

"Alam mo, napapaisip talaga ko kung bakit mo ko ginawang bestfriend" sabi niya habang namimili ng kakainin niya.

Napatingin naman ako sa kanya bigla

"Ate, dalawang fried chicken with rice po, and kindly add apples for dessert" sabi niya dun sa nagtitinda ng food sa canteen.

"O ba't napapaisip ka? Siguraduhin mo na may sense yang sasabihin mo ah" diretsong sabi ko sa kanya.

Dinala niya na muna yung tray namin at ipinatong sa table bago magsalita ulit

"Kasi look, ang gwapo ko para maging kaibigan mo lang, habulin pa ko ng chicks, ang bait ko pa, tapos mayaman pa ko" sabi niya na mukhang bilib na bilib sa sarili.

Tinaasan ko na lang siya ng kilay.

"O eh anong pinapalabas mo?" Mataray na tanong ko.

"Wala naman, naisip ko lang talaga na ang gwapo ko pala tas ang panget mo" sabi niya sakin habang natawa.

Putek! Asan ba utak nitong Nathaniel Cruz na to? Nasa paa ba?

Hawak hawak niya pa yung tiyan niya sa pagtawa.

At sinong panget? Ang ganda ko kaya!

Binato ko na lang siya nung apple.

"Gutom lang yan" yan na lang yung nasabi ko, nakakapagod makipagtalo eh.

Kumain na lang ako ng tahimik dito, tas narinig ko yung tilian ng mga babae.

So what's with the commotion?

Ginala ko yung mga mata ko, and nakita ko siya naglalakad papasok ng canteen.

Nagkasalubong pa yung mga tingin namin.

So dapat na ba kong kiligin?

Naku!

Ayoko, galit ako sa ginawa niya kaninang umaga.

"Psh, ba't ba gusto mo yang mukhang unggoy na yan?" Salita bigla nitong kasama ko.

"Eh pareho lang kayong mukhang unggoy niyan eh" dire-diretsong sabi ko.

"Oy! Wag ka ngang magmura, laking gwapo ko naman dyan" sabi niya sabay nagpapungay ng mata.

Eww. Dang pogi nito eh!

"Malala ka na nga" sabi ko habang naiiling pa.

Natapos ang lunch at naghiwalay na kami ng abnormal kong bestfriend.

Gentleman yun eh, hindi man lang ako hinatid sa classroom, tsss

Huwag kayong magtaka, hindi kami classmates.

Naglalakad na lang ako pabalik ng room.

Nagtatatalon pa nga ko eh, wala feel ko lang tumalon talon.

Enjoy eh.

Pakanta kanta pa ko, para nga kong engot sa ginagawa ko.

Hindi ko namalayan na may bato pala sa dadaanan ko

Ang lagay?

eh ayun nakipagyapusan ako sa sahig.

Hello there!

Ang sweet naman nitong lecheng sahig na to

Ang sakit ah!

Pag-angat ko ng ulo ko nakita ko si Zach na nakatingin sakin sa hindi kalayuan.

And worst, tinawanan niya pa yung nangyari sakin.

Sige tawa lang! Kabagin ka sana >.<

Ang sama talaga ng ugali nito!

Oh em gee, can somebody kill me now please? T.T

...

Dear Zach.

Pucha! Kung imbis na tinawanan mo ko eh tinulungan mo na lang ako, edi sana nagkadevelopan na tayo.

Love, mica

Wag kayong magtaka kung paano ko nasulat yan, ganyan talaga ko kagaling >.<

-----------------------------------------------------------

Author's note:

Vote and support Love, Mica

Comments din pala kayo :-)

picture of Nathan and Mica-->

Love, MicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon