Chapter 15

46 2 0
                                    

Chapter 15

Iminulat ko yung mga mata ko at pinilit kong mag-unat, lecheng yan! hindi ko masyadong maigalaw yung katawan ko dahil sobrang sakit at parang nabugbog dahil sa paglilinis ko ata kahapon ng gym, isama na din yung buwis buhay na laro ng basketball.

Takte yan -_-+

Umupo na lang ako sa gilid ng kama ko at hinawakan yung ulo ko, shet! ang sakit sakit naman ng ulo ko, parang binibiyak, bumangon ako kahit na sobrang sama ng pakiramdam ko dahil may pasok pa ko sa school, ayoko na ulit ma-late pa dahil ayoko na ng kahit anong punishment, bwiset. Nakakadala kaya yun! 

>________<

Naglakad na lang ako pababa ng hagdan kahit na ang bigat bigat ng pakiramdam ko, medyo nahihilo talaga ko tapos ang sakit pa ng ulo ko, ano bang nangyayari sakin? bakit sumobra naman ata ang sama ng timpla ko? 

Umupo agad ako sa sofa nung makababa ako, isinandal ko yung likod at ulo ko dito at ipinikit yung mga mata ko, ewan ko ba pero pati mata ko ang bigat bigat din.

"Anong arte yan?" dinilat ko yung mata ko at tumingin sa nagsasalitang halimaw, sino pa bang halimaw dito? eh si kuya lang naman talaga ang halimaw, nakatayo pa siya sa may gilid ng hagdan at pinagmamasdan akong mabuti.

ipinikit ko na lang ulit yung mata ko "pake mo ba ha?" sabi ko dito habang nakapikit pa din, wala akong ganang makipag-asaran sa kanya ngayon dahil sobrang sama talaga ng pakiramdam ko, sa ibang araw niya na lang ako bwisitin.

Lumapit naman siya sakin at umupo sa tabi ko, tinaasan ko naman siya ng kilay "O ba't may patabi-tabi ka pang nalalaman dyan?" masungit na tanong ko dito, nagawa ko pa talagang magsungit kahit na masama na talaga yung pakiramdam ko ah.

Hindi naman niya pinansin yung mga pinagsasabi ko at bigla na lang hinawakan yung noo ko. 

"ba't ba hindi ka na lang nagpahinga sa kwarto mo?! ang taas ng lagnat mo oh!" pagalit na sabi ni kuya sakin, tinapik ko yung kamay niya na nakahawak sa noo ko, ano bang problema nitong isang 'to? hindi naman siya yung may sakit ah.

OA masyado kung magreact -_-+

Hindi ko na lang pinansin yung himutok niya dyan at ipinikit na lang yung mata ko, sobrang sama talaga ng pakiramdam ko ngayon! para na nga kong umuusok sa init eh. 

"Tsk! ang tigas talaga ng ulo mo, puro ka kasi kaartehan" dagdag pa ni kuya, kung talaga hindi lang masama yung pakiramdam ko baka kanina pa ko nakipagsagutan sa kanya at baka kanina pa kami nagsuntukan.

Natahimik siya saglit at naramdaman kong gumalaw siya bigla, binuhat niya ko at dinala sa kwarto ko, hindi naman na ko nakipagtalo pa kay kuya dahil nga wala na din naman akong energy para makipagsagutan pa sa kanya kaya hinayaan ko na lang siyang ihiga ako dito sa kama.

"Wag kang makulit dyan ah, kukuha lang ako ng towel" sabi nito sabay tayo sa kama ko, nakaupo kasi siya dito kanina after niya kong ihiga dito eh, hinawakan ko naman yung kamay ni kuya para hindi siya makaalis. 

"Mag-ayos ka na kaya? male-late ka na oh" medyo nanghihina kong sabi dito, talaga naman kasi eh, malapit na kayang mag-time tapos hindi pa siya nakakaayos, eh may pasok nga kami sa school ngayon.

"Hindi na ko papasok, walang magbabantay sayo" sabi nito saka lumabas ng kwarto ko, oo nga naman, wala ngang magbabantay sakin kasi wala sila mama at papa dahil nasa trabaho silang pareho, si yaya naman nag day off kaya kami lang ni kuya ang naiwan dito ngayon. 

Bakit ba biglang ang bait sakin ni kuya? hindi ako sanay na nagpapakabait siya sakin eh, sanay ako na lagi niya kong binubwiset kasi nga siya ang dakilang monster ng buhay ko, bakit ba hindi ako masyadong inaaway nun ngayon? 

Love, MicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon