Chapter 5
"Hoy Zach! Bakla ka ba ha?!"
"Hoy Zach! Bakla ka ba ha?!"
"Hoy Zach! Bakla ka ba ha?!"
"Hoy Zach! Bakla ka ba ha?!"
Oh my Ghad!
Napabalikwas ako sa kama ko, binabangungot na naman ata ako.
Huhuness.
Darn! Naaalala ko pa din yung mga tingin na ibinigay niya sakin nung Sabado, yung panlilisik ng mga mata niya, bigla ko din tuloy naalala yung buong pangyayari.
Flashback...
"Hoy Zach! Bakla ka ba ha?!"
Napatigil siya sa paglalakad at lumingon sa kinaroroonan ko.
Kitang-kita ko yung masamang tingin na ibinibigay niya sakin.
Oh em gee! Is he going to kill me now? Lupa lamunin mo na ko please? T.T
Siguro kung nakamamatay lang ang masamang tingin baka kanina pa ko bumulagta dito.
Narinig ko yung hakbang niya palapit sa kinatatayuan ko at unti-unti kong naramdaman yung pagdikit nung katawan niya sakin.
Bigla akong nanigas sa pwesto ko ngayon, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Jusko po!
Bakit parang nakukuryente ako?
Unti-unti siyang yumuko, tumingin sa mga labi ko at dahan-dahang inilalapit yung mukha niya sakin, napanulok na lang ako ng wala sa oras.
Siguro nakatatlong lunok ako, Oo nabilang ko pa talaga yun kahit na tensed na tensed ako.
Is he going to kiss me?
Ghaaaad no! Hindi ako ready, pwede ba muna kong magready bago niya ko halikan?
Paano ba ang gagawin? Pipikit ba ako or what? Hindi ako marunong humalik eh!
Wala akong proper training! T.T
Tsaka bakit ba sobrang lapit nung katawan niya sa katawan ko?!
Inaakit niya ba talaga ako ha? Kasi kung oo, konti na lang at bibigay na ko.
Baka mamaya hatakin ko na yung leeg niya at ako na yung unang humalik.
Naramdaman ko naman yung paglapit nung bibig niya sa tenga ko, naku po wag dyan! Malakas kiliti ko sa part na yan eh!
Hindi na ko mapakali dito, para na kong matatae na ewan, hindi ko na alam kung ano pa ang dapat gawin, pinapagpawisan na ko ng malagkit.
"Do you want me to prove to you that I'm not gay?" Bulong niya sa tenga ko, ang husky pa nung boses niya.
Like for real?! Bakit nagtataasan yung balahibo ko?
Hindi ako nakaimik, ewan ko ba! Feeling ko namumutla na ko dito sa sobrang kaba, naaamoy ko pa yung hininga niya, amoy mint.
Yung totoo, inubos niya ba yung isang boteng mouthwash?
"I said, do you want me to prove it to you?" Ulit niya sa sinabi niya, bakit ba kasi ang sexy ng boses nito?
Pwede naman kasing magboses ipis na lang siya di ba? Atleast pag ganun hindi ako maaakit.
BINABASA MO ANG
Love, Mica
UmorismoMica tried her best to get the attention of Zach, her long time love. So in her desperation she wrote letters for him secretly but instead of giving those letters she just kept it, she even tried to convince him to be her boyfriend and tried to play...