Chapter 14

77 6 0
                                    

Chapter 14

"Ang cute cute mo talaga Zach, pakurot nga ko sa cheeks mo" sabi ko dito sabay kurot sa pisngi niya.

Oh my ghad! ang pogi pogi talaga ni Zach my lovess, lalo tuloy akong naiinlove sa kanya, nako! Nagkakaroon na naman ng heart yung mga mata ko, nakalandi mode on na naman ako. 😍

"Cute ka din naman eh" sabi nito sabay ngiti sakin, ghaaad! Totoo ba to? Totoo ba talagang nginitian niya ko at sinabihan ng cute? Waaah! kinikilig ako kung ganun, sobrang kinikilig talaga ko.

"Hindi naman, ikaw talaga! Bolero" nahihiyang sabi ko dito, bigla naman siyang lumapit sakin at niyakap ako, as usual hindi na naman ako nakagalaw dito sa pwesto ko, ikaw na ba naman ang yakapin ng isang Zach di ba? Ewan ko na lang kung gumalaw ka pa sa kinatatayuan mo.

*poke* *poke*

"Hey! Wake up" inalog alog pa ko nung taong nagsalita, ano bang pinagsasabi nito at may pa-wake up wake up pa siyang nalalaman? hindi niya ba alam na nakakaistorbo siya sa moment namin ni Zach? Psh, papansin! Inggit lang sila dahil magkayakap kami ngayon.

*poke* *poke*

"Hey Mica! Gising" sabi pa nung boses na kanina pa nagsasalita, ano ba talagang problema nun? naaasar na ko ah! maghanap nga siya ng sarili niyang moment >.<

Minulat ko yung mga mata ko at napansin kong nakayapos ako kay Zach, so all this time panaginip lang pala ang lahat ng pinagpapantasyahan ko? o__O

Whyyyyyyy?! T________T

"Feel na feel mo pagyapos sakin ah, masarap ba?" Sabi nito nung napatingin ako sa kanya, nakakunot pa yung noo niya habang nakatingin sakin.

Putakte! Ano to? T.T

Oh em gee! Nakakahiya, feel na feel ko pa yung pagyapos yapos sa kanya, bakit naman kasi parang abnormal 'tong kamay ko at bigla bigla na lang nangyayapos? Akala ko pa naman totoo na yung panaginip ko, totoo naman nga! kasi nakayakap ako sa kanya nung nagising ako pero iba yun eh! Iba, kasi nakakahiya sa ganitong klaseng sitwasyon.

Waaaaaaah! Napahiya na naman ako, lagi na lang -_-

Tinanggal ko naman agad yung braso kong nakapulupot sa kanya "tangeks! feel na feel ka dyan" sabi ko na lang dito, naku! super pahiya na naman ako nito eh, bakit ba lagi na lang akong napapahiya sa harapan niya? T.T

"Sus! tulo pa laway mo" sabi nito sabay umupo dun sa kama, isinuot niya na yung sapatos niya at nagsimula nang tumayo.

Teka, aalis na ba siya agad? Gusto ko pa siya kasama eh!

"San ka pupunta?" tanong ko na lang dito, ayoko kasing mahalata niya na ayaw ko pa siyang paalisin dito sa tabi ko, kung pwede nga lang igapos ko na lang siya sa piling ko ginawa ko na, kaya lang super desperate move naman nun di ba? Aba! konting pakipot naman sakin.

"Babalik na ko" malamig na sabi nito, hindi man lang ako tinapunan ng tingin nung sinabi niya yun, grabe! panget ba ko at ayaw niya man lang akong tingnan? ang ganda ko kaya! baka sundutin ko yung mata niya nang makaintindi siya.

Naglakad na siya palabas at wala akong nagawa kundi habulin lang ng tingin yung likod niya na naglalakad palayo sakin, darn! hindi man lang ako tinanong kung gusto ko na bang bumalik sa klase at makinig ng discussion, gago talaga yung lalaking yun! hello?! girlfriend niya kaya ako so dapat isinama niya na ko nung umalis siya di ba? Psh, sabagay dapat talaga hindi ako nag-eexpect ng kahit ano mula sa kanya kasi nga expectations can lead you to disappointments.

Oh ayan! Disappointed na ko ngayon

-____-+

Tumayo na din ako at inayos na yung hinigaan namin nung gagong yun, pasalamat siya hindi pa din bumabalik yung nurse hanggang ngayon kundi baka magkaroon pa kami ng offense pag nahuli kami dahil sa patabi-tabi niya sakin sa higaan, bebembangin ko siya nun pag nagkataon!

Love, MicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon