Chapter 7

106 6 2
                                        

Chapter 7

Nakaupo lang ako sa isang sulok habang pinapanuod ko yung mga mahaharot na babae na nakapila para sa kissing booth.

Tss, ang aarte naman nitong mga to! Nagtatawanan pa sila, ang liliit naman ng mga boses, boses ipis. Psh!

So yeah, monday na ngayon kaya start na din nitong kissing booth, nanunuod lang ako sa kanila habang hindi sila magkandaugaga sa pagpila para lang mahalikan yung classmate kong si Jeremy.

Tss, mas gwapo pa si Zach dyan eh! Gwapo naman yang si Jeremy pero hindi ko trip tsaka loyal ako sa Zach ko no! Buti na lang talaga hindi siya yung ikikiss ng mga babaeng ipis na to kundi makakapatay ako ng wala sa oras.

Akin lang yung lips niya no! Hindi sayo, hindi sa kanila kundi akin. Oo akin lang! Possessive ako eh.

Napansin ko naman na naglalakad na si Zach papunta sa booth namin, ba't kaya late to? Kaninang 8 pa dapat siya nagpunta dito eh, anong oras na oh! 10 na kaya.

Tss, tamad! Hindi man lang tumulong.

Sinalubong naman siya agad nung babae kong classmate na si Yana.

Oh anong ka-epalan to? Bakit sinasalubong niya ang labs ko? Baka gusto niyang palobohin ko siya ng wala sa oras! Lalapit lapit pa siya kay Zach eh kitang akin nga lang yun!

"Zach, pwede mo ba munang palitan si Jeremy dun sa kissing booth? Kanina pa kasi siya dun eh hindi pa dumadating yung kapalit niya" pakiusap nitong yana na to kay Zach.

Nye nye nye, kung anu-ano lang naman ang sinasabi niya kay Zach, waitss, ano ba ulit sabi niya? Papalitan ni Zach si Jeremy dun?! Ano daw?! Parang nabingi ata ako.

No waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!

Ako nga hindi pa nakakascore sa lips niya tapos hahayaan ko lang yung mga babaeng ipis na madapuan ang malambot niyang lips?

"Ayoko" tipid na sagot nito sabay umupo sa isang sulok malapit sa may pwesto ko.

Ha! Sabi ko na eh, hindi talaga to papayag, asa pa kayo dude! yang sungit niyang yan, malamang hindi talaga papayag yan mahalikan ng iba, pero pag ako ang kumiss dyan hindi na yan makakaangal.

Okay. Ako na feeler

"Dali na Zach, kawawa naman si Jeremy dun oh! Hindi pa siya nakakapagpahinga" pakiusap ulit nitong babae na to.

Ba't ba pinipilit niya ng pinipilit yung tao eh ayaw nga! Ano bang mahirap intindihin dun ah?! Tsaka bakit ba ang arte niya habang nakikipagusap siya sa harapan ni Zach? Nagpapa-cute ba siya?

"Ayoko nga" sagot ulit nito.

"Sige na kasi Zach pumay----" hindi na naituloy nung babae yung sasabihin niya dahil sinigawan ko na siya.

"Ba't ba pinipilit mo yung tao eh ayaw nga?! Hindi mo ba talaga maintindihan na ayaw niya ha?! at hindi mo ba alam na itong lalaking to eh pagmamay-ari ko na? boyfriend ko na siya kaya hindi na siya pwedeng halikan ng iba kasi ako lang yung pwedeng humalik sa kanya okay?!" Sigaw ko dun sa babaeng kumausap kay Zach, Oo na! alam ko sinungaling ako dahil hindi ko naman talaga boyfriend yung tao pero wala eh, yan na yung lumabas sa bibig ko so wala ng bawian.

Mukha namang hindi naniniwala yung yana na yun sa mga pinagsasabi ko, takte >.< ako nga eh wag niyang sinusubukan at baka suntukin ko yung mukha niya.

"Kilala kita mica, matagal ka ng may gusto dyan kay Zach kaya ka ganyan, wag ka na ngang mag ilusyon na boyfriend mo siya, hindi mo naman talaga siya pagmamayari" sabi nito sabay tingin sakin simula ulo hanggang paa, ganoon ba ka-obvious na gusto ko talaga siya? Well, halatang-halata naman talaga ako eh. I don't care.

Love, MicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon