Chapter 4
"Ang alat naman nitong itlog na to" reklamo ni kuya habang kinakain yung pinrito kong itlog.
Napalingon naman ako sa kanya at mukha siyang diring diri sa kinakain niya.
Aba't leche to ah! Nagkandapaso paso pa naman ako sa pagluluto tapos ganyan lang ang irereact niya?! Napakaarte eh! Lahat gagawin may maireklamo lang, psh >.<
Sunugin ko mukha nito eh! Grr.
Nagprito lang kasi ako ng itlog at hotdog since yun lang yung madali at mabilis iluto.
Hindi ko na lang siya pinansin, bahala siya sa buhay niya dyan! Magreklamo siya hanggang sa gusto niya, tutal wala din naman ako sa mood makipagtalo sa kanya ngayon kasi gutom na din talaga ko kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko.
Aba, masarap naman kaya! Hindi naman maalat eh, yung mukha niya nga yung mukhang maalat, yuck!
Maarte lang talaga to, tss
Tumayo naman siya after niyang kumain at dumiretso sa lababo para ilagay yung pinagkainan niya tapos naglakad siya palapit sakin.
Tumigil siya sa harap ko at inabot yung phone na hawak niya, tiningnan ko lang siya bago ang nagsalita.
"Anong gagawin ko dyan?" Mataray na tanong ko.
"Kainin mo kung gusto mo" sarkastikong sagot nito.
Inirapan ko na lang siya, ba't ba nakakabadtrip to'ng tao na to? Psh >.<
Hindi ko na lang ulit siya pinansin, sira na nga yung araw ko tapos lalo ko pang sisirain? Baka mamaya warak na to.
Ipinatong niya na lang sa mesa yung phone bago ulit siya magsalita "ibigay mo yan kay Zach, naiwan niya kahapon sakin"
Pinandilatan ko naman siya ng mata "at bakit mo ko inuutusan?" Diretsong sabi ko.
Talaga naman eh! nakakahalata na ko, puro utos na siya sakin, eh kung tutuusin pwede naman na siya na lang yung gumawa nun di ba?
"Sabi mo ilakad kita! Ayan na, chance mo na para makalapit sa kanya" naiiling iling na sabi niya tapos tumalikod na siya paakyat pabalik sa kwarto niya.
Naiwan akong nakatulala dito.
Ano daw?! Nabingi ata ako dun.
Chance ba kamo para makalapit sa kanya?
If i know tinatamad lang siyang isauli to kaya ako yung inuutusan niya eh.
Chance niya mukha niya!
Pero okay na din pala yun, atleast makikita ko siya ngayong araw, hindi ako nakasilip sa bintana kanina eh.
Bigla naman akong napangiti ng wala sa oras dito tss, ang bipolar ko talaga!
Kanina badtrip na badtrip ako kay kuya tapos ngayon ngingiti ngiti ako dahil lang makikita ko si Zach.
Abnormal eh.
Tumayo na ko para ugasan yung pinagkainan namin then umakyat na sa kwarto ko para maligo.
After 1 hour, niluwa na din ako ng banyo.
Nasuka na ata sa itsura ko kasi ang tagal ko sa loob, lols.
Right after maligo naghanap ako sa closet ko ng cute na damit na pwede kong isuot, Oo dapat cute talaga para maganda sa paningin niya.
Kaso wala.
Lintek na yan! Ba't ba wala kong makita?! Nakakaasar naman >.<
Umupo na lang ako sa kama para magpahinga muna saglit.
BINABASA MO ANG
Love, Mica
HumorMica tried her best to get the attention of Zach, her long time love. So in her desperation she wrote letters for him secretly but instead of giving those letters she just kept it, she even tried to convince him to be her boyfriend and tried to play...