Chapter 9

82 3 2
                                    

Chapter 9

Agad kong nakita si Zach right after kong makarating sa school, andun siya sa booth namin at nakabantay, nakaupo pa siya sa isang tabi. As usual, loner si tanga.

"Boyfieeeeeeeee!" Tawag ko dito, haha! Gusto ko na talaga siyang tawagin niyan lagi para maasar siya.

Lumingon naman siya sakin tapos kumaway kaway ako sa kanya. "I have something for you" nakangiting sabi ko sa kanya.

Tiningnan niya lang ako saglit tapos iniwas niya na ulit yung naaasar niyang mukha sakin, ni hindi man lang niya ko binati ng good morning, psh! suplado talaga eh.

Wala man lang bang 'good morning girlfie?' Tss. Kdot ang corny nun.

Umupo ako sa may tabi niya tapos sobrang laki nung ngiti ko habang nakatingin sa kanya.

"stop doing that, you look stupid" sabi nito habang nakakunot yung noo na nakatingin sakin.

Inirapan ko naman siya "ba't ba ang sungit mo?"

Hindi niya naman pinansin yung tanong ko, naku! Hindi ko na nga lang papansinin yung kasungitan nito at baka masapak ko lang to ng wala sa oras pag nagkataon.

Inilabas ko lang yung niluto ko tapos ipinatong sa desk ko, napansin ko naman na napalingon siya dun sa pagkain.

"Paborito mo to di baaaaa?" Sabi ko sabay pinadaan sa harap niya yung adobo habang hawak ko.

Napansin ko naman yung paglunok niya ng laway, Oha! I knew it, gusto niya nga talaga nito.

"Ayoko niyan" mapride na sabi niya sakin, sus! Aarte pa eh, gusto din naman.

Kinuha ko yung tinidor at tinusok ko yung meat gamit yun.

"Oh say aaah" parang timang na sabi ko sa kanya.

Tinabig naman niya yung kamay ko kaya tumalsik yung karne.

"Ayoko nga niyan" iritadong sagot nito sakin.

Isa pang arte nito! Isang isa na lang talaga mabebembang ko na talaga to.

Tumusok ulit ako ng karne gamit yung tinidor at akmang isusubo ko ulit sa kanya.

"Ano ba?! Ayoko nga sabi di ba?!" Galit na sabi nito sakin.

Eh leche pala to eh! Halata namang gusto niya tapos aarte-arte pa, nakakasora!

"Edi wag mo! Putek dami mo sinasabi" inis na sabi ko sabay likom ko dun sa niluto ko.

Dang! Matapos ko magpuyat para lang gawin yun? Nakakainis lang, sana pala hindi na lang ako nag-effort. Sabagay, ginusto ko naman yun eh.

Tumayo ako at iniwan yung pagkain dun sa desk niya, bahala siya dun! Kainin niya kung gusto kiya, kung ayaw niya naman edi wag niya! Hindi yung inaartehan niya ko ng sobra.

Pumasok ako sa ladies room, sobrang badtrip talaga ko ngayon! Asar na asar ako sa kanya, ewan ko ba? kahit gaano mo ata talaga kamahal yung isang tao may limitation pa rin talaga yung pasensya mo.

nakita ko naman ibang babae na nagsasalamin lang.

"Labas!" Sigaw ko sa kanila.

Aba! ni hindi man lang pinansin yung sinabi ko? baka gusto nilang kaladkarin ko sila isa-isa para lumabas sila ni cr na to? Pag ganitong badtrip ako eh wag silang loloko-loko.

"Ang sabi ko labaaas!" Sigaw ko ulit sa kanila, nagtakbuhan naman na sila palabas ng cr, natakot siguro sa lakas ng sigaw ko.

Dahan dahan ako naglakad papunta sa lababo, binuksan ko yung gripo at binasa ko yung mukha ko ng tubig.

Love, MicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon