Chapter 1

164 7 17
                                    

Chapter 1

Nagising ako sa init sa kwarto.

Dang! Ba't ba napakainit?

Minulat ko yung mga mata ko.

Ba't ba wala kong makita?

Teka, wala bang kuryente? Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, 1:30 AM pa lang pala.

Nakakaasar naman, hindi na ko makakatulog nito panigurado.

Binuksan ko na lang yung flashlight sa cellphone ko para magkaroon naman ng ilaw then umupo na lang ako sa upuan katapat ng bintana ko na katapat din ng bintana niya.

Mukha akong timang dito na nakatitig sa kabilang bintana

Baka mamaya makakita ako ng multo na nakangiti sakin. Creepy 😱

Wow ha! Hindi man lang siya nagising sa init? Sabagay, ako lang naman talaga yung abnormal na nagigising pag mainit yung singaw sa kwarto.

Ano ng gagawin ko nito?

May pasok pa naman ako bukas, pambihira naman oh!



Nakatingin pa din ako sa bintana ng kwarto niya at laking gulat ko ng may umilaw sa loob.



may kuryente na ba?



Malamang wala pa, walang ilaw dito sa kwarto ko eh

bobo ko lang

Then, nakita ko na binubuksan niya yung bintana niya.

Oh good Lord, thank you for the nice view.

Pinagmasdan ko lang siya sa ginagawa niya, mukha namang hindi niya napapansin na nakamasid lang ako dito.

Well, that's a good thing.

Kasi pag nakita niya yun, wala lang.

Haha, ano bang pakialam niya di ba? Tss, hindi nga ko nageexist dun eh.



Baka sipain ko mukha niya eh!

Napansin niya naman na nakatingin ako sa kanya, nagulat na lang ako kasi nagtama yung mga tingin namin.

What to do?

What to do?

Babatiin ko ba siya o tatakbo na lang sa kama ko?



Bago pa ko makapagdesisyon, naglaho na siya sa paningin ko at iniwan ang bintana niya na bukas.

Well, no choice naman pala ko eh

Tss, sayang effort ko magisip

Tinamaan na ulit ako ng antok, hindi ko na hinintay na magkaroon ulit ng kuryente, bumalik na lang ulit ako sa pagtulog at tinangay sa kung saang lupalop ng kalawakan.



After four hours...

Nagayos na ko para sa school and thankyou sa alarm ko dahil ginising niya ko, kundi late na naman ako or worst baka hindi na naman ako makapasok dahil sa katamaran.

Bumaba na ko sa kitchen para magbreakfast and naabutan ko lang ang magaling kong kuya na umiinom ng hot chocolate

"Penge naman niyan" sabi ko sabay higop dun sa hot choco niya.

Sinamaan niya naman ako ng tingin bago magsalita, "get your own" inis na sabi niya sakin.

Inirapan ko na lang siya "damot mo, magtae ka sana"

"Aba't! Galangin mo nga ko, matanda ako ng ilang minuto sayo ha" sumbat niya sakin.

Yup, matanda lang siya ng ilang minuto sakin kasi kambal kami pero hindi kami magkamukha at hindi din kami magkaugali.

Well, medyo magkaugali din pala kami

Weirdo di ba?

Nag-make face na lang ako sa kanya.

"Nye nye nye. Whatever! Dalian mo na nga at male-late na tayo sa school"

Kinuha ko na yung gamit ko at lumabas na ng pintuan ng bahay, natanaw ko naman na palabas na din si Zach ng bahay nila.

"Kuya Mico! Bilisan mo naman" sigaw ko

Takbo takbo naman siya palabas ng bahay.

"Halika na nga! Ang ingay mo" kinuha niya yung bag na nakasakbit sa balikat ko at siya ang nagdala.

Aba't bigla atang bumait to, epekto ba yung nung ininom niya?

Bibilhan ko nga to ng ilang pack ng milo next time, haha.

Naglakad na kami papunta sa school, at nakita ko na naglalakad din si Zach, medyo nauuna nga lang siya samin ni kuya.


"Kaya naman pala madaling madali ka eh" pabulong na sabi niya sakin.

"Tss, hindi kaya! Feeling ka"

Nagulat na lang ako ng biglang sumigaw si kuya "Zach!"

Abnormal talaga to! Kambal ko ba talaga to? Psh, edi sila na close

Tumigil naman siya sa paglalakad at hinintay kami ni kuya, Ampupu ni hindi man lang ako tiningnan ni tanga.

Kasabay lang namin siya maglakad ni kuya at naguusap lang sila about basketball, na-leleft out naman ako dito dahil hindi naman ako makasabat sa usapan nila, tsaka hindi naman ako papansinin nun kahit magsalita ako dito.

Para lang akong magandang hangin na naglalakad kasabay nila.

Wow ha! Kailan pa nagkaroon ng mukha ang hangin? Lols

Nakarating na kami ng school at napanis lang yung laway ko.

Umupo na ko sa upuan ko.

Katabi ko pala siya sa lahat ng subject, alphabetical kasi yung arrangement, Santillan siya, Santos naman ako.

Kumuha ko ng post it sa bag at nagsulat ng 'Good morning' with smiley tapos dinikit ko lang yun sa upuan niya.

Napansin ko naman na naglalakad na siya papunta sa place niya.

Kumunot yung noo niya nung makita yung post it na idinikit ko.

"Tss" tapos tinanggal niya yun sa upuan niya bago siya umupo.

Oh noes! Lumipad na yung paper, sayang effort ko.

Salbahe talaga to'ng halimaw na to!

Tss, napakasungit talaga! Nakakaasar.

Buti na lang hindi ko classmate si kuya, kundi tatawanan ako nun.

Badtrip! Makikita mo, makikita mo talaga, mahuhulog ka din sakin, soon.

Gayumahin ko kaya to? Psh.

Sa sobrang inis ko kumuha na lang ako ng papel at tahimik na nagsulat sa isang tabi, buti na lang wala pa yung professor namin.

...
Dear Zach,

Lakas mo maka-sira ng araw! Naku, pasalamat ka nga ang bait ko sayo eh, try mo kaya maging mabait sakin di ba? Psh, konti na lang. Konti na lang talaga mahahalikan na kita.

Love, mica.


Ingat na ingat ako habang sinusulat ko to, mahirap na at baka mabasa pa ni tanga yung sulat ko, itinago ko na rin siya sa loob ng wallet ko.

Pwew! Good morning naman sakin di ba?

And good morning din sa kanya 😤







-----------------------------------------------------------------

Author's note:

Hi guys! Please support Love, Mica
Comment po kayo & don't forget to vote :-)



picture of Mica --------->

Love, MicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon