Chapter 16

54 5 2
                                    

Chapter 16

Kinabukasan...

Hindi pa rin ako pumasok sa school kasi nga hindi pa rin naman ako ganun kagaling, medyo masama pa nga rin yung pakiramdam ko eh, pero mas okay naman na to kesa kahapon tsaka isa pa, tinatamad pa kong pumasok, ang sarap kayang mag-stay lang sa bahay, KFine ako na talaga ang tamad.

Thanks to kuya Mico kasi inalagaan niya ko kahapon and speaking of kuya, pumasok na pala siya sa school dahil may mag-aalaga naman na daw sakin, andito na kasi si yaya eh.

Sabi pa nga niya masyado na daw akong abusado kung magpapaalaga pa daw ako sa kanya, ha! Feeling niya naman no? psh.

Ayun back to halimaw na naman siya, kahapon lang siya naging mabait sakin kasi nga may sakit ako, sana pala lagi na lang akong may sakit para ang bait bait ni kuya sakin no? tsaka para hindi niya na din ako bwisitin, tss, puro kabaliwan talaga yung naiisip ko. 

Andito lang ako sa kwarto ko at nakadapa sa kama ko, naglalaptop kasi ako ngayon since wala naman akong magawa, binuksan ko na lang yung FB ko and tiningnan ko na lang yung profile ni Zach. Ii-stalk ko muna yung profile ng boyfie ko.

'Hello Zach babyyyyyy' 

yan agad ang bumugad sakin, and ang nakakainis pa ni-like pa ni Zach yung wall post nung babae, takte yan! nakakainis talaga yang yana na yan! after nung ginawa niya sa ilong ko, lalandiin niya pa talaga yung boyfie ko? Arghh! Umagang-umaga nag-iinit na agad yung ulo ko, ang kapal ng mukha! kainis >.<

Hingang malalim mica.

INHALE... EXHALE... INHALE... EXHALE

Tiningnan ko ulit yung profile niya at yung post nung babaeng nakakainis na yun, nagcomment ako dun sa post niya.

"Zach baby your face! humanap ka nga ng sarili mo'ng baby'

Grrrr! ano ba yan?! bakit ba ko pumapatol dun? nakikipagaway pa ko dahil lang dyan sa Zach na yan! may palike like pa kasi siyang nalalaman eh samantalang dati nga deadma lang sa kanya yung mga ganyan ganyang pautot, tsaka yung mga posts ko nga hindi niya pinapansin eh -___-

ANG LANDIIII, NAKAKAASAR LANG.

Nag-log out na ko at pinatay na yung laptop ko, nakakaasar talaga eh! umabsent lang ako saglit tas ganun agad? parang pinopormahan na nung si yana yung boyfie ko.

Hindi maganda to! >.<

Bumaba na ko sa kusina at kinain yung niluto ni yaya para sa breakfast ko, nakasimangot lang ako habang nginunguya ko yung hotdog, iniisip ko si yana yung kinakain ko ngayon, gusto ko siyang hatiin sa ilang piraso para naman lubayan niya na yung Zach ko. 

"Okay ka lang ba iha?" tanong bigla ni yaya sakin, busangot kasi yung mukha ko habang kumakain ako ng almusal at tinotorture ko yung hotdog.

"Okay lang po" sagot ko dito pero nakabusangot pa din yung mukha ko.

Naiinis talaga ko, kainis talaga yang yana na yan! ang lakas lakas ng loob landiin yung boyfie ko, ang kapaaal ng mukhaa, Argghhhh!

>___________<

Tinapos ko na agad yung pagkain ko "yaya! akyat na po ako sa kwarto" walang ganang paalam ko dito at parang robot na umakyat papunta sa kwarto ko.

Nahiga lang ako at tinitigan ko lang yung kisame, biglang nag-appear sa utak ko yung scene na to habang titig na titig ako sa kisame:

"Zach babyyy" malanding sabi nung si yana sabay kapit sa braso ng Zach my lovesss ko at ang Zach na yan hindi man lang tinanggal yung kamay nung yana na yun sa kanya at binigyan pa ito ng isang matamis na ngiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love, MicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon