Chapter 10
Last day na ng event namin and yeah! today is friday.
Ngayon ako kakanta sa harapan ng maraming tao, pucha! kinakabahan na kooooo, todo practice pa naman yung ginawa ko last time baka magkalat lang ako dun mamaya, wag naman sana huhuness! >.<
Naghahalungkat lang ako sa cabinet ko, hinahanap ko kasi yung damit na isusuot ko para mamayang gabi eh.
Dang! Asan na ba yun?! Ba't hindi ko makita? Kung kailan naman kailangan ko oh!
"Yaayaaaaaaaaaa!" Sigaw ko, hindi ko kasi talaga mahanap yung damit na isusuot ko para mamayang gabi eh.
Naku naman! Magsisimula na namang mag-init yung ulo ko nito.
Natatarantang pumasok naman si yaya sa kwarto ko "bakit iha, may kailangan ka ba?" tanong nito sakin.
"Nakita niyo po ba yung red kong dress?" tanong ko dito.
Nag-isip naman saglit si yaya bago sumagot "wala iha eh, wala kong napansin" sagot nito sakin.
"Ay ganun po ba? Sige po nevermind na lang" dismayadong sagot ko.
Lumabas naman na siya ng kwarto ko at naiwan ako ditong nakitingin sa kawalan. Takte yan! Panu na ko nito? Wala na kong matinong maisusuot nito mamaya! Wala naaa, sira na talaga future ko.
Ang ganda ganda ko pa naman sa damit na yun! T.T
Bigla namang tumunog yung phone ko at nakita ko yung mukha ni Nathaniel yung nag-appear sa screen.
Bakit kaya may patawag tawag pa to?
Unggoy talaga eh!
Sinagot ko naman yung tawag niya. "Bakit?" tipid na sagot ko dito.
"Ready ka na ba mikay? tonight is your night!" Masayang sabi nito sa kabilang linya.
Napa-face palm na lang ako ng wala sa oras, naalala ko na naman yung pagkalaho nung red kong dress, nadidismaya na naman ako oh!
"Hoy mikay! Tinatanong ko kung ready ka na ba?" tanong ulit nito sa kabilang linya.
"Hindeeee. Hindi pa ko ready" malungkot na sabi ko dito, nawawala kasi yung isusuot ko eh, ayoko naman isuot yung ibang dress sa loob, ang baduy!
"Hala bakit mikay? Lalo bang pumanget boses mo?" Seryosong tanong nito.
Tanga talaga to kahit kailan! Kailan ba naging panget ang boses ko? Naku! Masasapak ko to kung kasama ko lang to ngayon eh.
"Engot! Hinde, nawawala kasi yung dress ko eh" sabi ko dito, malungkot pa yung boses ko habang sinasabi ko sa kanya yan.
"Nawawala lang naman pala eh! Edi wag ka na magdamit!" Suggestion nito sakin.
Wow! Ganda ng suggestion nito, sarap ilubog sa lupa nung nag suggest ng wala sa oras.
"Sipain kaya kita, you like?" Asar kong tugon dito.
"Joke lang! to naman, galit agad" sabi niya sabay tawa.
"Harhar! ang funny ng joke mo" bored na sabi ko sabay hilata dun sa kama.
Waaaaah! Shemay talaga, asan na ba kasi yung damit na yun?!
"Ah! Eh kung bumili ka na lang kaya ng bagong damit? may oras pa naman eh!" Masayang sabi nito, yung boses niya pa parang excite na excite para sakin na ewan.
"Wala na nga ko pera" simpleng sabi ko sa kanya.
Talaga naman eh! I have no money na talaga!! Naubos na siya, hindi ko alam kung bakiit.
BINABASA MO ANG
Love, Mica
HumorMica tried her best to get the attention of Zach, her long time love. So in her desperation she wrote letters for him secretly but instead of giving those letters she just kept it, she even tried to convince him to be her boyfriend and tried to play...