Chapter 8
Napabalikwas ako sa kama ko ng tumunog bigla yung alarm ko.
Dang! Ang sakit ng likod ko dun sa pagkakabagsak ko ah, badtrip naman! Inaantok pa ko eh >.<
Umakyat ulit ako sa kama ko para mahiga, I need more sleep, puyat ako! Hindi na nga ko nakatulog ng maayos kagabi kakaisip kung ano ba yung lulutuin ko para sa kanya, kaya please lang! Let me get some sleep okay?!
Wala munang maingay! Inaantok pa talaga koooo.
Pumikit na ulit ako para matulog ng biglang tumunog ulit yung alarm ko, kakainis naman oh! hindi ba alam ng alarm ko kung kailan dapat magingay at tumahimik?! Pag ako natuwa wawasakin ko siya nang magpira-piraso na siya ng tuluyan.
Padabog akong umupo sa kama at kinusot kusot yung mata, tumunog na naman yung walang pakundangan kong alarm.
"Oo na! Eto na nga gising na" iritadong sabi ko sa alarm ko. Tae! Baliw na ata talaga ako para kausapin yung bagay na walang buhay.
Tumayo na ko para maghilamos at toothbrush, tiningnan ko yung sarili ko sa salamin at pinagmasdan ang nangingitim sa ilalim ng mata ko, oh my ghad! Not again, hello eyebags na naman ako.
Lumabas ako ng kwarto at parang zombie na naglakad papunta sa kusina, hello?! Sino ba naman ang hindi aantukin di ba? 1 AM na ko nakatulog tapos 3 AM pa lang! Kamusta naman yun?! May contest ba ng puyatan? Kasi kung meron, sasali ako, leche.
Kung hindi ko lang talaga mahal yung abnormal na yun hindi ako mag-eeffort na magluto ngayon para lang sa kanya, aba! pasalamat talaga siya mahal ko siya kaya kahit na antok na antok pa ko eh magluluto ako ng paborito niyang adobo.
Kung sabagay, hindi naman siya nag request sakin na ipagluto ko siya nito, sadyang trip ko lang talaga magluto ngayon. Eh ako naman pala yung abnormal eh! pinupuyat ko yung sarili ko sa katangahan ko.
Whatever.
Labor of love din to.
Binuksan ko yung ref at bumulaga sakin ang nagyeyelong baboy at manok, nilagay ko sa maliit na planggana at ibinababad muna sa tubig para lumambot.
Naupo muna ko saglit sa isang tabi, inaantok pa talaga ko eh, gusto ko pang matulog pero kailangan ko pang magluto, para akong tangang nakatingin sa kawalan dito, ang bigat bigat ng mata ko, feeling ko lalaglag yung eyeballs ko ng wala sa oras dahil sa antok.
Nakaramdam ako bigla ng kamay na pumatong sa balikat ko.
Dang! Nagising bigla yung diwa ko, at nagtaasan din ang balahibo ko.
may multo ba ng ganitong oras? tinatakot ba nila ko? nabubulabog ko ba sila?
Jusko! Wag naman sana nila akong takutin ng ganito, puyat ako eh, puyaaaaaaaaat! Wala akong planong makipaglaro sa kanila ngayon.
Sa ibang araw na lang sila bumalik okaaaay?!
"Wag kang lilingon" bulong nung taong nasa likuran ko ngayon, nakakatakot pa yung boses niya.
Tae! Lalo akong kinilabutan ng wala sa oras, parang umurong yung dila ko at unti-unti akong pinapagpawisan sa takot.
Joke time ba to?
"Booooooooooooooooooo!" Sabi nito sabay tusok nung daliri niya sa pisngi ko.
"Waaaaaaaaaaaaah! Mamaaaaaaaaa! Papaaaaaaaaaaaaa!" Nagtatakbo ako sa sala, paikot ikot lang ako habang sumisigaw sa takot.
"Waaaaaaaaaaaah! may multooooooo, may multoooooooo!" Takbo pa rin ako ng takbo, paikot ikot lang sa lamesa sa may sala namin, hindi na ako makapagisip ng matino.
BINABASA MO ANG
Love, Mica
HumorMica tried her best to get the attention of Zach, her long time love. So in her desperation she wrote letters for him secretly but instead of giving those letters she just kept it, she even tried to convince him to be her boyfriend and tried to play...