Chapter 3
Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung madapa ako.
Nagkasugat pa nga yung siko ko na hugis heart, medyo weird, pero heart talaga yung hugis nung sugat ko, no joke! symbol pa talaga for love, nangaasar lang? Tss.
Naaalala ko na naman tuloy yung katangahan ko, tsk.
Yung bato naman kasi yung may kasalanan nun eh! Badtrip na bato yan, pag nakita ko ulit yang batong yan, patay talaga siya sakin! >.<
Paparusahan ko siya hanggang sa mamatay siya, sasakalin ko siya hanggang sa hindi na siya makahinga, as if naman na magagawa ko yun di ba? T.T
Tanga lang.
Pagulong gulong lang ako sa kama ko, ayoko pang bumangon kasi tinatamad pa ko, tinatamad pa kong mag toothbrush, tinatamad pa kong maghilamos, tinatamad pa kong mag suklay, ah basta! tinatamad pa talaga ko.
Sabado din naman ngayon kaya wala akong pasok, so walang magagawa yung kama ko kung ayaw kong umalis sa piling niya, bakit? magrereklamo ba siya kung ayaw ko pa talaga? Baka butasin ko siya gamit yung gunting eh.
Ano ba yan! Pati kama hindi na nakaligtas sa kamalditahan ko!
Nagulat na lang ako ng biglang mag ring yung phone ko, ano ba yan?! Kaaga aga naman nitong natawag na to, pwede bang mamaya na lang siya mangistorbo?
Tsaka sino ba ang tatawag ng ganito kaaga? 7 AM pa lang kaya! Wala bang orasan sa bahay nila at hindi niya nakikita na maaga pa para mambulabog ng kapwa tao niya? Baka naman hayop to kaya hindi niya nauunawaan yun.
Ay baka nga!
No choice naman ako kundi icheck yung natawag, ayaw tumigil sa pagriring eh, pinaglihi ata ng nanay niya sa kakulitan.
Pagkita ko sa screen ng phone ko
Kuya calling...
Anong trip neto?!
Patawag tawag pa eh magkalapit lang yung mga kwarto namin, di bale ba sana kung taga ibang planeta siya di ba?
Hindi ko nga sinagot.
Nagpagulong gulong na lang ulit ako sa malambot kong kama, ang sarap eh! Tapos ang lamig pa! Bukas pa rin kasi yung aircon sa kwarto.
Ang sarap talaga pag walang pasok.
Bigla namang bumukas yung pinto sa kwarto ko at niluwa ang isang halimaw.
Oo, halimaw si kuya eh.
"Ba't ba hindi mo sinasagot yung tawag ko ha?!" Galit na sigaw niya sakin, halos lumuwa na yung tonsils niya sa pagsigaw.
Problema ba nito?!
Kaaga aga ang init ng ulo, baka ibinuhos niya yung hot chocolate na favorite niyang inumin tuwing umaga sa ulo niya? Tsk.
Hindi na lang ako sumagot, tinatamad ako magsalita eh.
Magsasayang lang ako ng laway, bahala siya sa buhay niyang magtatatalak dyan, tinalikuran ko na lang siya.
Naramdaman ko na lang ang pagtama ng matigas na bagay sa ulo ko.
Dang! Masakit yun ah T.T
Tiningnan ko siya ng masama "Leche! Ang sakit nun ah!" sabi ko sabay himas dun sa part na tinamaan ng tsinelas.
Aba, masakit naman talaga eh! Pag ito bumukol, nako talaga! Lintek lang ang walang ganti, tsaka tsinelas talaga yung dapat ipangbato sakin?
Baka ipakain ko sa kanya yung tsinelas niya eh.
"Buti nga sayo! Tamad mo magsalita eh" asar na sabi niya sakin, dinilaan ko na lang siya, nakakabwiset kasi, kala mo kung sino kung umasta.
Banatan ko mukha nito eh!
"Ba't ba nandito ka ha?!" Kunot noong sabi ko.
Nakakaasar kaya! ang lakas manira ng araw nitong halimaw na to, eh nagmumuni muni pa nga ko dito sa kwarto tapos papasok siya dito para mambulabog.
"Magluto ka nga ng makakain" utos nito sakin na parang hari.
Tinaasan ko lang siya ng kilay, ano ako yaya niya? Pwe! Ang ganda ko naman para maging yaya niya lang.
"Edi ikaw magluto" walang ganang sabi ko, uutusan niya pa ko pagkatapos niya kong batuhin ng tsinelas sa ulo.
No way! Ayoko nga, magluto siya mag-isa niya! Kung gusto niya sunugin niya na rin yung buong bahay para mapagalitan siya nila mama.
"Hindi ako marunong magluto, nagugutom na ko" seryosong sabi niya, medyo nakakaawa naman yung itsura niya kasi bakas sa mukha niya na gutom na talaga siya.
Pero hinde! Ayoko pa din, manigas siya dyan!
"Edi magpaluto ka kay yaya! Asa ka na masyado eh" sigaw ko, inuubos niya na kasi yung pasensya ko eh.
Nakakahighblood naman to! Pambihira naman oh >.<
"Wala nga si yaya! Magpapaluto ba ko sayo kung andyan?!" Halos magimbal ang buong kwarto ko sa lakas ng boses niya.
Narindi naman ako sa ingay niya, hindi ko talaga magets yung point kung bakit kailangan sumigaw, putulin ko kaya dila nito para hindi na to makapagsalita at magtatalak dyan? Psh.
"Fine, in one condition" sabi ko na lang sabay halukipkip.
Nakita ko naman yung pagtaas ng kilay niya. Taray!
"Ano namang arte yan?" Sabi niya, mukhang nauubos na rin yung pasensya niya.
Edi sige, magubusan kami ng pasensya dito.
"Ayaw mo, edi wag! Bahala kang magutom dyan" sagot ko sabay higa at taklob ng kumot.
Narinig ko naman yung malakas na buntong hininga niya.
Sige lang, mabwiset ka lang sakin tutal ganun din naman ang ginagawa mo sakin eh.
"Oo na, ano ba yun?" Mahina pero inis na sabi niya.
Tinanggal ko yung nakataklob na kumot sakin tsaka humarap sa kanya at ngumiti ng ngiting tagumpay.
"Talaga?" Sabi ko habang pakurap kurap pa yung mga mata.
"Oo nga sabi"
"K fine. Ilakad mo naman ako kay Zach, puhleaaaaase" pa-cute na sabi ko kay kuya.
"Psh. Oo na! Ipagluto mo na ko at nagugutom na talaga ko" sabi nito sabay labas ng kwarto ko.
Ganoon na lang yun? Hindi na kailangan lumuhod sa harap niya para magmakaawa? Aba, ang dali naman pala kausap nun eh.
Ba't ba kasi ngayon ko lang naisipan na magpalakad kay kuya?
Minsan talaga, ang slow ko din eh.
Napunta na din ata yung utak ko sa paa >.<
Edi sana noon pa lang kami na ni Zach di ba?
...
Dear Zach,
Mwahaha. Ilalakad na ko ni kuya sayo! I'm so egzoited, magready ka lang. You'll see, maiinlove ka din sakin.
Love, Mica
----------------------------------------------------
Author's note:
picture of Mico----------------------->
BINABASA MO ANG
Love, Mica
HumorMica tried her best to get the attention of Zach, her long time love. So in her desperation she wrote letters for him secretly but instead of giving those letters she just kept it, she even tried to convince him to be her boyfriend and tried to play...
