Chapter 4

96 9 0
                                    

Chapter 4: First advice

Jimmy's POV

"Bye Rachel. Good night."-ako

[Bye, good night rin.]-Rachel

Pagkatapos ng aming pag-uusap ng minamahal kong si Rachel, pumasok na uli ako sa room namin at sumali sa kwentuhan ng apat. Si Bourbon kasi lumabas din (pero malayo sa pwesto ko kanina, ewan kung nasan) para tawagan ang girlfriend niya. Haaay naku, iba talaga kapag may girlfriend ka na noh, lalo na kung malayo kayo sa isa't isa. Nakakamiss kasi eh.

"Ahhh kuya Harley."-Hakub

Nagulat naman kami sa tinawag ni Hakub kay Harley. Kaya binatukan siya nito, magkatabi lang kasi sila.

"Maka-kuya naman nito. Tungkol na naman 'to kay Akako noh?"-Harley

Napablush naman si Hakub. Hahaha, kaya pala eh. Napatawa nalang kami sa reaksyon niya.

"Eh hindi na kasi kami nagkakausap eh. Miss ko na siya."-Hakub

Ginulo naman ni Harley ang buhok ni Hakub.

"Nakuuuuu~ ikaw talaga. Ang lakas talaga ng tama mo sa kapatid ko noh."-Harley

"Oo naman. Mahal ko yun noh."-Hakub

"Hooooshoooo~ maghintay ka. Sabi nga niya diba, maghintay ka."-ako

"Oo naghintay ako. Kaso nagtataka lang kasi ako kung bakit di na siya nagpaparamdam sakin. Actually hindi lang sakin, diba sa inyo rin Jimmy at Kaito. Pati na rin sa mga girls."-Hakub

Napaisip naman si Harley.

"Hmmm... ewan. Hindi rin naman kami masyadong nagcocontact kasi busy daw siya sa pag-aaral niya. Minsan lang din naman kasi ako umuuwi."-Harley

"Ganun ba."-Hakub

Napayuko naman siya at nalungkot bigla.

"Ano ka ba Hakub, wag mo na siyang alalahanin. Okay lang siya."-Kaito

"Pero... iba kasi yung nararamdaman ko eh. Baka..."-Hakub

Hinintay naman namin siyang magsalita.

"Baka?"-ako

"Aish, ewan. Pero sigurado naman akong hindi maghahanap ng iba si Akako eh. Hehehe."-Hakub

"Hmmm.... Ikaw talaga, napaka paranoid."-Harley

Tapos ginulo niya ang buhok ni Hakub. At tumawa naman kami.

"Ahh, teka. Sino ba yang si Akako?"-Harry

Napatingin naman kami kay Harry na halatang OP (Out of Place).

"Kapatid yun ni Harley na nililigawan ni Hakub."-ako

"Talaga? Grabe, buti naman at may kanya kanya kayong love life."-Harry

"Bakit Harry, anyare sa love life mo?"-Kaito

Napayuko naman siya sa tanong ni Kaito. Tapos napakamot sa batok niya.

"Ehh.... Wala eh. Di ko masabi."-Harry

"Anong di mo masabi?"-Kaito

Bigla naman siyang nagblush. Haaarooooshooo~ pumapag-ibig din pala ang isang 'to.

"D-di ko kasi maamin sa kanya..... 'tong nararamdaman ko."-Harry

Tapos napahawak siya sa dibdib niya at ngumiti.

Hinagisan ko naman siya ng unan, pero mahina lang.

"Torpe." Sabay naming sabi tapos tumawa kami.

Napakamot uli siya sa batok niya at ngumiti ng nakakahiya.

"Ehhh.... N-natatakot ako eh. Pano kung di niya ako mahal? Edi sira pagkakaibigan namin."-Harry

"Sus, ikaw talaga, ang nega mo."-ako

Pumunta naman ako sa tabi niya at inakbayan siya.

"Alam mo Harry, mas mabuti nang sabihin mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman. Sa ganung paraan, gagaan ang loob mo. Kasi kung patago kang magmamahal, patago ka ring masasaktan. Paano nalang kung maunahan ka ng iba, edi wala ng chance."-ako

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Naku, masakit yan. Eh pano kung friends lang talaga tingin niya sakin? Friendzone kung baga."-Harry

"Edi mas mabuti yun. Alam mo ba, lahat ng relasyon nag-uumpisa sa pagkakaibigan. Kaya kung friend lang talaga ang tingin niya sayo, edi friend lang. Pero syempre dapat may closure din kayo. Mag-uusap din pag may time, bonding bonding. Sa paraang yun, may possibility na magkadevelop din siya sayo.

Napanod naman siya sa sinabi ko. Pero yung lungkot nandiyan pa rin.

"Kaso pano kung i-reject niya ako? Edi mas masakit yun. Mas malala pa kung magiging friendship over kami pag umamin ako."-Harry

"Hay naku. Alam mo, pag nabasted ka, wag mong isiping wala na talagang pag-asa. Kung kayo talaga sa isa't isa, gagawa ng paraan ang Diyos para mapalapit kayo. Tsaka pag nireject ka niya, wag mong isiping wala kang chance. Ang isipin mo, malabo lang ang mga mata niya. Tsaka laging mong tandaan, kahit anong mangyari, okay lang yan."-ako

Napatingin naman si Harry sakin na may halong saya.

"Tama ka. Sige, sasabihin ko sa kanya. Pero wag na muna ngayon. Hahanap muna ako ng tiyempo para maamin ang tunay kong nararamdaman. Salamat talaga ha."-Harry

"Naku, wala yun."-ako

At ginulo ko naman ang buhok niya at tumawa kaming lima.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Bourbon.

"Oh, gising pa pala kayo? Lights off na tayo guys. Orientation day na kaya bukas."-Bourbon

Nag-agree naman kami sa kanya. Inayos na namin ang hihigaan naman at natulog na.

Good night. :*

The three Idiots and the Princess {part 2} "More problems to come"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon