Chapter 12

71 7 0
                                    


Chapter 12: Let me help you

Harley's POV


"Harley, tara kain na tayo."-Kirsten

"Ayoko, busog pa ako."-ako

Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng libro. Bigla namang hinampas ni Kirsten ang mesa kaya napatingin ako sa kanya. Pero nagulat ako nang biglang nagging si Liza Soberano ang girlfriend ko. Anyare?

"Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?"

Kumunot naman ako sa sinabi niya.

"Ha? Anong pinagsasabi mo?"

"Then why?!"

Ano ba naman 'to. Ba't iba sinasagot nito. Yumuko naman siya at humagulgol. Hala, ano bang ginawa ko?

Lumapit naman agad ako sa kanya at hinimas ang likod niya.

"Oy, wag kang umiyak. Ano bang ginawa ko?"-ako

Bigla naman niyang inangat ang ulo niya at tumingin sakin. Pero nagulat ako nang bigla kong makita ang mukha ni sir Agasa na galit.

Hala!!! Pano nangyari yun?!

Lumayo naman ako sa kanya dahil sa takot. Nagulat naman ako ng bigla niyang iitapon sakin ang pagkain sa mesa.

O__O


~~~~~~~~~~


Nagulat ako nang biglang naramdaman kong may lumanding na unan sa ulo ko kaya napabangon ako at nakita ko si Jimmy na may hawak na unan.

Teka, panaginip lang pala yun. Haaay salamat naman. Natakot ako dun ah.

"Oy Harley, gising na. may pupuntahan tayo."-Jimmy

Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Saan?"-ako

Pero imbis na sagutin ako ay ngumit lamang siya at hinagis yung unan sakin.


~~~~~~~~~~


Nakasakay kami ngayon sa bus papunta sa..... hindi ko alam. Pero yung daan na nakikita ko parang papunta sa lugar namin. Teka, hindi ito parang lang, papunta talaga.

Siniko ko naman si Jimmy na katabi ko.

"Hoy Jim, saan ba kasi tayo pupunta?"-ako

"Basta."-Jimmy

Haaay, lagi nalang ganyan ang sagot niya. Kanina pa yan ha. Simula kasi nung lumabas kami sa dorm, yun agad ang tanong ko hanggang sa nakasakay na kami. Pero lagi nalang 'Basta' ang sagot niya. Tsh. Nacucurious na ako ha.

At dahil wala nga akong makuhang sagot sa kanya, sinandal ko na lamang ang ulo ko sa bintana at pumikit. Iidlip muna ako, isang oras pa yata bago kami makarating.


~~~~~~~~~~~


"Pssst, Harley. Nandito na tayo."

Binuksan ko naman ang mga mata ko at napansin kong niyuyugyog pala ako ni Jimmy. Tumingin naman ako sa labas, at mukhang nakarating na nga kami. Kaming tatlo na lang kasi ang natira dito sa loob ng bus, kaya tumayo na ako. Mukha nakatulog ako ah.

Lumabas na kaming tatlo sa bus at tama nga ang hinala ko, nandito nga kami sa lugar kung saan kami lumaki. Pumara na taxi. Dun kaming dalawa ni Kaito umupo sa passenger seat. Pero nagtaka naman ako nang biglang sa shotgun seat umupo si Jimmy. Pwede namang sa tabi namin eh. May space pa naman.

The three Idiots and the Princess {part 2} "More problems to come"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon