Chapter 25

89 1 1
                                    

Chapter 25: The truth behind Hakub's life

Harley's POV

Nandito kami ngayong dalawa ni Jimmy sa Chowking para maglunch. Dito kasi namin pag-uusapan ang nangyari kanina.

Habang naghihintay ng order ay sinabi ko na kay Jimmy ang nangyari kina Hakub, Akako at Bourbon. Sinabi ko na rin sa kanya ang side ni Akako kung bakit niya nagawa yun. Alam kong mali siya, pero hindi pa rin mawawala ang pagkalungkot at pagkaawa ko sa kanya lalo na't kapatid ko siya. Isa pa, nasaktan lang naman siya. Lahat naman tayo naging tanga na sa pag-ibig diba? Diba? Diba diba?! SAGOT! Char lang, hehehe. (^^')v

"Teka! So ibig sabihin ginawa lang yun ni Akako dahil sa hindi pagpaparamdam ni Hakub sa kanya last year?"-Jimmy

"Oo. At dahil din dun sa babaeng kayakap ni Hakub nung New Year. Haaay naku. Humanda talaga yang si Hakub sakin. Kaya pala hindi rin gaanong nag oopen sakin si Akako dahil sa problema niyang yun."-ako

"Teka. Kung ganun, hindi mo rin alam na boyfriend ni Akako si Bourbon noon pa man?"-Jimmy

"Hindi. Nagulat nga ako kanina eh. Tsk tsk."-ako

Napabuntong hininga naman siya at umiling iling.

"Hindi ka kasi nagpaparamdam eh. Kaya ayan tuloy, hindi mo rin alam mga nangyayari sa kapatid mo."-Jimmy

Napatingin naman ako sa kanya na may halong matalim na titig.

"Aba't pinun–"-ako

"Kaya hindi mo rin alam ang nangyari kay Hakub."-Jimmy

Napatigil ako sa pagsalita, hindi lang dahil sa pagsingit niya, kundi dahil sa sinabi niya mismo.

"Nangyari? Teka, ibig sabihin may nangyari kay Hakub nung nakaraang taon?"-ako

Bigla siyang nalungkot at tumango.

"Actually, nung November, bigla kaming nagtaka dahil sa mga kinikilos niya. Parang wala siya lagi sa sarili niya at lagiging tulala. Madalas nag aabsent rin siya. Hindi rin siya namin ganung nakakausap, lalo na't magkaiba ang section namin nung Grade 12 kami. Kahit mga kaklase at adviser niya hindi rin alam ang dahilan kung bakit. Tinry namin siyang kausapin, tinatanong namin kung may problema ba siya. Pero lagi niyang chinichange topic, sabay alis. Pinuntahan rin namin once ang bahay nila, pero sabi ng nagbabantay dun, lumipat sila ng bahay pansamantala. Hindi nila sinabi samin ang dahilan. Kaya napagtanto namin na dapat muna naming bigyan ng space si Hakub. Napag-isipan naming saka na namin siya kausapin kapag bumalik na siya uli sa dati niyang sarili."-Jimmy

Tumango tango naman ako dahil sa kwento. Yun din siguro ang nga araw na hindi na macontact ni Akako si Hakub. Hindi ko rin alam ang nangyayari sa kanila lalo na't umiiwas ako sa kanila nung mga panahong iyon.

"Hanggang sa nagbago na ang taon. Two weeks after New year, bumalik na sa dati si Hakub. Nakakausap na namin siya ng maayos. At dun niya sinabi samin ang totoo."-Jimmy

Bumuntong hininga muna siya bago niya ipagpatuloy ang sasabihin niya.

"Nung November daw kasi, umuwi raw mula sa London ang ate niya. At bigla nilang nalaman na may stage 4 cancer ang ate niya sa boto. Bilang na rin ang araw ng ate niya. Nalungkot siya dahil dun. Kaya wala siya lagi sa sarili niya dahil sa nangyari. At minsan umaabsent din siya dahil binabantayan niya ang ate niyang nahospital. Hindi rin siya gaanong nakakacommunicate samin dahil busy siya sa pamilya niya at ayaw niyang mag-alala kami sa kanya. Kaya rin daw hindi siya macontact dahil nasira yung cellphone niya at wala siyang gaanong oras para intindihin yun. Ginagawa niya ang lahat upang maging maayos ang kalagayan ng ate niya. Alam niyang mawawala din ang ate niya, kaya he cherished the moment with her. Until dumating yung bagong taon."-Jimmy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The three Idiots and the Princess {part 2} "More problems to come"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon