Chapter 19

65 3 6
                                    

Chapter 19: The merge

Kaito's POV

Nandito kami ngayon ni mommy sa isang restaurant. Hinihintay namin ang dalawang pamilya na kameeting namin. Actually kakarating lang namin dito at umupo na kami agad sa nakareserve na seat para samin.

Aish, bakit ba kasi may pa ganito pa. Ano bang iniisip ni Jimmy?

Oo, si Jimmy na naman ang may pakana nito. Pero hindi na dapat ako magrereklamo. Alam kong sa pamamagitan nito, masosolusyunan na ang problemang dinadala ko at ni Saimone.

Alam niyo ba kung anong nangyari kanina? Tinawagan lang naman niya ang mama niya at sinabi yung problema ko. At ayun, napag-isipan niyang imerge ang companya namin sa companya nila ng walang kondisyon at para hindi na raw itutuloy ang arrange marraige namin ni Saimone.

Sinabi ng mama niya ang restaurant na pagmemeetingan namin, which is ang kinalalagyan namin ngayon. Ang ginawa ko nalang na dahilan kay mommy ay may iaannounce kami ni Saimone sa kanila. Kaya ayun, dali-dali namang pumunta si mommy kasama ako. Kinausap rin ni Saimone ang mga magulang niya na magmemeeting kami. Pero hindi namin sinabi sa kanila na pupunta din ang Kudo's family. Buti nga at nakapag reserve agad sina Jimmy dito para sa aming pagmemeetingan.

"Ano ba kasing pag-uusapan natin dito anak? Nagbago na naman ba ang isip mo?"-mom

"Basta, kalma lang po kayo."-ako

Nakita naman naming pumasok ang Sato family.

"Hello Chikage."-Sharon

At nagbeso naman silang dalawa ni mommy.

Nagkamay naman kami ni tito Gin at nagbeso kami ni tita Sharon. Ganun din si Saiomone kay mommy.

Umupo na kaming lima sa mesa. Hinihintay kung sinong unang magsasalita.

"So mga anak, anong gusto niyong sabihin samin?"-Sharon

"Tungkol ba ito sa pagpapakasal ninyo?"-Gin

"Teka, naging maayos ba ang takbo kanina ng date niyo?"-mom

Napakamot na lamang ako sa batok dahil sa mga tanong nila.

"Ummmm... ang totoo po kasi niyan. Nagbago na naman po ulit ang mga isip namin."-ako

Biglang nagbago ang mga ekspresyon nila. Mukhang nasesense na nila yata kung anong gusto kong sabihin. Pero ipinagpatuloy pa rin ni Saimone ang gusto naming sabihin.

"Hindi na po kami papayag sa gusto niyong arrange marriage between me and Kaito. Isang malaking problema 'to pag nagkataon."-Saimone

"Oo nga po, lalo na't hindi po kami pareho ng nararamdaman. At isa pa, bata palang po kami para sa mga bagay na ito. Nag-aaral pa po kami."-ako

Bigla namang hinampas ni tito Gin ang mesa.

"Akala ko ba napag-usapan na natin 'to ng mabuti? Hindi ba nag agree na kayo dito?"-tito

"Oo, sumang ayon kami noon kahit labag sa gusto namin. Yun ay dahil nadala kami sa takot at kaba. Hindi namin inisip ang mga taong nasa paligid namin na nahihirapan dahil sa sitwasyon namin."-Saimone

"Natakot ako sa kalalabasan ng aming kompanya. Ayokong maghirap si mommy dahil dun. Kaya pumayag ako. Pero ngayon binabawi ko ito sa kadahilanang hindi ito ang mabuting paraan lalo na't naaapektuhan dito ang mga taong mahal namin."-ako

Napatayo naman si mommy sa sinabi ko.

"So ano 'to anak? Hahayaan nalang natin 'to? Isipin mo ang pinaghirapan ng papa mo."-mom

The three Idiots and the Princess {part 2} "More problems to come"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon