Chapter 24

35 1 0
                                    

Chapter 24: Heartbreaking truth

Harley's POV

Nandito kami ngayon nina Bourbon at Akako sa parang veranda ng mall. Napag-isipan ko munang kausapin silang dalawa, lalo na ang kapatid ko para maklaro ang lahat. Kailangan pa kasi yata ni Hakub ng space dahil sa nangyari. Tsaka hindi kasi namin sila mahanap ni Jimmy eh.

Nakatingin lang sa kabilang dereksyon si Bourbon, iniiwasan na tignan kaming dalawa. Si Akako naman ay nakayuko, at napansin kong umiiyak pa rin siya, pero hindi na ganun ka grabe.

Tinap ko ang likod niya para pakalmahin siya.

"Tahan na Akako, hinga ka ng malalim. Wag mong pahirapan ang sarili mo."-ako

Pinakalma naman niya ang sarili niya, still nakayuko pa rin siya.

Bumuntong hininga muna ako bago ko siya kausapin ulit.

"Pasensya na kanina ha kung nasigawan kita."-ako

Umiling iling naman siya at pinahiran ang luha niya.

"Kasalanan ko naman talaga kuya eh. *sniff* pasensya na kung *sniff* pati ikaw nadamay."-Akako

Bumuntong hininga na lamang ako. Nanatili kaming tahimik ng ilang minuto hanggang sa mapansin kong mukhang kumalma na siya. Pwede ko na siguro siyang tanungin tungkol sa nangyari.

Magsasalita sana ako nang unahan niya ako.

"Ang totoo niyan, nadala ako sa emotions ko. Nasaktan kasi ako nung araw na yun kuya eh."-ako

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Napatingin na rin samin si Bourbon, mukhang gusto rin niyang makinig sa explanation ni Akako.

"Nung nakaraang taon kasi, month of November, bigla na lamang hindi nagrereply sa mga chats at text ko si Hakub. Hindi ko na rin siya macontact. Tinry kong tinanong sina kuya Jimmy, pero hindi raw nila makausap si kuya Hakub. Mukhang busy daw sa mga gawain sa school at sa bahay nila. Well, naintindihan ko rin naman siya lalo na't estudyante siya. Pero kasi kuya..."-Akako

Napansin ko namang parang iiyak na siya. Kaya hinimas ko yung likod niya.

"N-nung d-desperas ng bagong taon... n-nakita ko siya... may k-kayakap na ibang b-babae sa park."-Akako

At umiyak na nga siya ulit.

Niyakap ko na lamang siya at tinap ang likod niya.

"Sige lang Akako, iiyak mo nalang yan."-ako

Napansin kong nababasa na ang damit ko dahil sa luha niya. Pero hayaan na natin yun, kailangan kong damayan ang kapatid ko.

Sa mga sitwasyong ito, kailangan lang iiyak ang lahat, dahil dun mapapakalma ang isang tao. Sa luha nailalabas ang tunay nating nararamdan. Atsaka, siguro hindi ko na muna pangaralan si Akako ngayon. She needs a listener. Hindi niya kailangan ng payo. Saka na pag naging kalmado na ang sitwasyon. Pero sabi nga nila, kahit ano pang payo ang mabibigay mo, nasa kanya pa rin ang desisyon.

Humiwalay naman siya sa pagkayakap ko at tinuloy ang pagkekwento.

"Tinry kong tawagan ang cellphone niya habang tinitignan sila, pero ganun pa rin, hindi ko siya macontact. Grabe, ang saya saya nila. Parang feeling nila sila lang yung tao sa park. Hindi ko na sila nilapitan pa at tumakbo na lamang ako papalayo sa kanila."-Akako

Bigla ko na lamang naalala nung New year kung saan lumabas sa bahay si Akako para makakita ng fireworks sa park. Tapos pagbalik niya ay napansin ko ang gloomy niyang mukha. Hindi ko akalaing ganun pala ang nangyari. Hindi siya lumalabas nung kwarto niya. Nung pasukan, kung saan wala na ako sa bahay, sinabi sakin ni mommy na maayos na raw si Akako. Nagkaganun lang daw siya dahil nag-away raw sila ng kaibigan niya, which is actually true. Pero hindi ko akalaing nagsimula ang lahat dahil sa nakita niya si Hakub na may kasamang iba.

The three Idiots and the Princess {part 2} "More problems to come"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon