Chapter 16

94 3 4
                                    

Chapter 16: Truth or dare

Jimmy's POV

5pm na, pero hindi pa rin nakauwi sina Aoko at Kaito. Hmmm, kamusta kaya date ng dalawa yun. Malamang nag enjoy yun. Baka magabihan kami ng pag uwi nito. Aish, minsan lang 'to kaya pagbigyan na muna namin sarili naming makasama ang mahal namin.

Natapos na kami sa pagbabarbeque, kaya nandito kami ngayon sa sala, nanunuod ng Kita Kita. Grabe, ang ganda, and at the same time, nakakalungkot. Bakit ba kasi namatay si Tonyo sa ending!?
Oppss, spoiler, hahaha.

"Huhuhu, kawawa naman si Lea."-Kirsten

"Oo nga. Huhuhu."-Rachel

Tignan mo 'tong dalawang 'to, umiyak na sa sobrang lungkot ng movie.

Bigla namang tumugtog amg background music ng movie kaya nagulat naman ako nang bigla silang kumanta.

"Two less lonely people in the world, and it's gonna be fine. Out of all the people in the world, I just can't believe your mine."-Rachel, Kirsten

Napailing na lamang ako sa mga pinanggagawa nila. Mga baliw talaga.

"Ano ba Kirsten, wag ka nang makisama kay Rachel. Baka uulan, haist."-Harley

Hinampas naman siya ni Kirsten sa balikat kaya napatawa naman kami ni Rachel.

"Shut up ka nga! Epal ka rin eh."-Kirsten

"Mahal mo naman. Yiieee~"-Harley

Bigla namang nagblush si Kirsten. Napatawa naman kamo bigla nang biglang niyang kurutin ang tenga ni Harley.

"A-aray aray aray aray, ARAAAAAAAAAAY!"-Harley

Nagtawanan naman kaming lahat. Hahaha, ang saya talaga. Pero mas masaya sana kung nandito rin sina Kaito at Aoko.

"Awww, tapos na pala yung palabas."-Kirsten

"Ano, manunuod pa ba tayo?"-ako

"Hmmm, hindi na. Iba nalang gawin natin ngayon!"-Kirsten

"At ano naman yun?"-Harley

Inilagay naman ni Kirsten ang kamay niya sa baba niya na parang nag-iisip.

"Hmm.. Ahhh.. Wala akong maisip eh, hehehe."-Kirsten

Napa face palm na lamang si Harley sa kanya. Hmmm, ano nga ba masarap gawin ngayon? Nakakatamad nga naman kasing manuod. Hmmm....

Bigla namang may pumasok na bright idea sakin. Hmm, okay siguro yun.

"Alam ko na!"-ako

Napatingin silang lahat sakin.

"Ano?"-Rachel

"Maglalaro tayo ng spin the bottle. Tapos ang matatapatan, itutruth or dare."-ako

Napaisip naman sila sa sinabi ko.

"Hmmm, maganda yan ah. Sige!"-Rachel

"Okay, kukuha lang ako ng bote."-Kirsten

Nung umalis si Kirsten ay kanya kanya naman kaming umupo sa sahig at pinwesto ang sarili namin.

Nagulat naman kami nang bumalik na si Kirsten na may dalang empty bottle ng pepsi.....with chichirya at drinks in a can.

"Oy, ano yan? Akala ko ba boteng walang laman lang yung kukunin mo?"-Harley

"Eh masaya kayang mag spin the bottle habang kumakain. Tsaka malay niyo, may kinalaman sa pagkain ang idedare niyo."-Kirsten

"Palusot ka pa. Ang sabihin mo, patay gutom kalang."-Harley

The three Idiots and the Princess {part 2} "More problems to come"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon