Chapter 20

66 1 1
                                    

Chapter 20: Remembering the past

Aoko's POV

"Aoko........Ikakasal na ako sa iba."

Napabuntong hininga na lamang ako nang maalala ko na naman ang sinabi niya. Pinahid ko uli ang luha ko. Buti nalang wala sa kwarto sina Rachel at Kirsten, kundi makikita nilang umiiyak ako.

Oo, masakit pa rin. Yung mga pangarap naming dalawa noon, bigla na lamang nawala. Hindi ko rin nga alam kung kami pa rin o hindi na. Mas mabuti nang lumayo at mawala nalang ako sa buhay niya para hindi madadagdagan ang problema niya. Siguro ito na nga talaga ang nakatadhanang mangyari samin.

Wala kaming pasok ngayon dahil may holiday. Hindi ko alam kung anong holiday, basta yun daw sabi ni author. May pinaplano yata eh.

Bumangon na ako at naligo, dahil may pupuntahan akong isang lugar na mahalaga sakin.

--------------------

Kaito's POV

Dali dali akong bumaba ng taxi nang makarating na ako sa bahay namin noon na bahay na rin nila. You know, basta alam niyo na yun.

Ilang beses akong kumatok at sumigaw.

"Aoko! Aoko nandito na ako! Aoko may sasabihin ako sayo."-ako

Hindi ako tumigil sa pagkatok at sa pagsigaw ng pangalan niya.

"Aoko! Aoko! Buksa-"-ako

Bigla naman akong nahulog nang biglang bumukas ang pinto. Ini-expect ko na may sasalo sakin, pero... meron nga, yung sahig. T_T

"Kaito? Anong ginagawa mo dito?"-Kirsten

Napatingin naman ako kay Kirsten na nasa pinto. Naghahanda siguro 'tong maligo kasi may dalang twalya.

Bumangon naman ako at iniharap siya.

"Ahh, hinahanap ko si Aoko. May sasabihin lang ako sa kanya."-ako

"Wala siya dito, may pinuntahan eh."-Kirsten

Eh? Wala siya?

Kakasabi lang ni Kirsten diba? Paulit ulit Kaito?

"Ganun ba? Saan ba siya pumunta?"-ako

"Hindi niya sinabi eh. Bakit? May date ba kayo?"-Kirsten

Napakamot naman ako sa tanong niya. Bago pa ako sumagot ay itinuloy niya ang sinabi niya.

"Nakaayos kasi siya ng mabuti eh. Siguro nakalimutan niyang susunduin mo siya. Heto talagang si Aoko oh, lutang na nga, makakalimutin pa."-Kirsten

Bigla naman akong naguilty sa sinabi niya. Malamang epekto yun ng ginawa ko. Kainis, dapat ko na talaga siyang puntahan ngayon.

"Ahh sige, pupuntahan ko muna siya."-ako

At dali dali na akong umalis at pumara ng taxi. Narinig ko pa ang pagtawag sakin ni Kirsten pero hindi ko na siya pinansin.

Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Pero may isang lugar na pumasok sa isipan ko na siguradong pupuntahan niya.

"Kuya, sa tropical land po, bilis."-ako

At humarurot na nga si kuya.

-----------------

Aoko's POV

Mag-isa akong naglalakad ngayon, paikot ikot dito sa tropical land. Hindi ko alam kung bakit dito ako pumunta. Gusto ko lang sigurong i-reminisce ang mga magagandang memories namin ni Kaito sa lugar na ito.

The three Idiots and the Princess {part 2} "More problems to come"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon