Chapter 7: What's the problem?
Jimmy's POV
◘Sunday◘
Kakatapos ko lang maligo at magbihis, kaya bumalik na ako sa kwarto namin. Nakita ko namang si Harley at Hakub lang nandito. Nasan kaya nagpunta sina Bourbon at Harry? Wala pa kasi si Kaito eh. Sabi niya dun siya natulog sa bahay ng mommy niya, tapos ngayon siya uuwi. Nagtaka nga ako eh kasi ang lungkot ng boses niya. Ano kayang nangyari?
Umupo naman ako sa kama ko habang pinapatuyo yung buhok ko gamit ang twalya ko.
Napatingin naman ako kay Harley na kasalukuyang nakaupo sa desk ng room namin at may sinusulat. Hmmm... bago ako pumasok ng CR, sumusulat rin siya eh. Mukhang di ba siya tapos. Ano kaya yang pinag-aabalahan niya diyan? Nacucurios ako.
At dahil curiosity kills, lumapit ako sa kanya. Dahan dahan akong lumakad dahil baka malaman niyang sinisilip ko yung ginagawa niya.
Teka? Gumagawa siya ng poem? Akala ko ba ayaw na niya?
Nakita ko namang may mga iba pa siyang ginawang poems at proses na nakapatong sa mesa. Akala ko ba tumigil na siya dahil nagbago na ang isip niya. Akala ko ba magfofocus na siya bulang isang engineer? Haaays, ang labo talaga niya. Nakakapanghinala. Sabi ko na ngabang may hindi sinasabi sakin 'tong si Harley eh.
Bigla ko namang kinuha yung isang papel na nasa tabi niya at tinignan ito. Nagulat ata siya kaya kinuha pilit niya itong kinuha sakin.
"Oyyy! Ano ka ba, balik mo yan sakin!"-Harley
Bigla naman akong tumigil at ibinigay sa kanya yung papel. Dali dali naman niya itong kinuha at binigyan ako ng naiinis na look.
"Akala ko ba tumigil ka na sa passion mo at itinuon ang sarili mo sa pag e-engineering?"-ako
Yumuko lang siya.
"B-basta. Aish."-Harley
At bumalik na siya sa kinauupuan niya. Ano bang problema niya. Napatingin naman ako kay Hakub na nakatingin sakin.
Binigyan ko naman siya ng 'Ewan' look. Kaya bumalik na siya sa pagbabasa.
Haaay, hindi ko talaga maintindihan si Harley. Ano ba talaga ang problema niya?
Uupo sana ako nang bigla bumukas ang pintuan ng napakalakas na kinabigla namin. Kaya napatingin kaming tatlo sa pinto.
"Kaito?"-ako
Nakayuko lang siya. Tapos ang lungkot ng aura niya. Anyare?
Pumasok naman siya at sinarado ang pinto. Umakyat naman siya sa kama niya at humiga habang nakatakip sa mata niya ang unan.
Nagkatinginan naman kaming tatlo ni Harley at Hakub. Kaya kinuha ko yung unan ko at hinampas sa tiyan niya ng napakalakas.
"ARAY!"
Napaupo naman siya habang hawak hawak yung tiyan niya.
"BA'T MO GINAWA YUN?!"-Kaito
Hala, lalo ko yatang na bad trip.
Napakamot naman ako s aulo ko at tumawa ng peke.
"He-he-he. May lamok kasi siya tiyan mo. Eh baka inumin yang dugo mo, kaya hinampas ko. Sayang nga eh, di ko nahuli."-ako
Wow, ang galing mong gumawa ng alibi Jim, idol! Hahaha.
Napa buntong hininga naman siya ipinatong ang ulo niya sa pader habang nakapikit ang mga mata.
Nagtaka naman ako sa ginawa niya.
"Hoy tol, ano bang problema at nagdadrama ka diyan?"-ako
Napabuntong hininga naman siya uli at tumingin sakin.
BINABASA MO ANG
The three Idiots and the Princess {part 2} "More problems to come"
AdventureHello guys, ito na po ang part 2 ng inaabangan niyong story ko. :D Sana po magustuhan niyo ang part2 :) Sa mga hindi pa pala nakakabasa ng part 1, I guess mas mabuti kung basahin niyo muna yun para mas lalo niyong maintindihan. Here's the link: http...