Chapter 14: Prison
Third person's POV
(Continuation po ito ng chapter 8, sorry nahuli ko 'tong napost xD Ito po yung scene pagkatapos hulihin sina Maria ng mga lalaking nakaitim)
Ipinasok ng mga itim na lalaki ang hari't reyna sa isang kulungan at agad agad itong kinandado.
(Ito po ang mukha ng maiitim na lalaking tinutukoy ko hahaha)
"Pakawalan niyo kami dito!" sigaw ng reyna habang pinipilit na abutin ang kanyang anak.
"Ina! Ama!" sigaw ni Maria habang nagpupumiglas. "Ano ba! Bitawan mo ako!"
Pero parang walang narinig ang mga maiitim na lalaki at nagpatuloy lamang sila sa paghila kay Maria.
Ipinasok naman siya sa isang kulungan na medyo malayo sa kanyang mga magulang. Umalis naman yung mga maiitim na lalaki at iniwan ang magkapamilyang umiiyak.
"Ina! Ama!" sigaw ni Maria habang hinahampas ng malakas ang pintuan ng kulungan. Ngunit kahit anong pilit niyang buksan ito ay di niya magawa. Nakakandado't gawa kasi sa bakal ang pintuan kaya mahirap sirain.
Walang nagawa ang dalaga kundi umupo na lamang at umiyak. Inilabas niya lahat ng hinanakit niya sa pagsigaw ay pag-iyak. Masakit para sa kanya ang nangyari sa kanilang kaharian at pamilya lalo na't ang kadugo pa niya ang dahilan ng gulong nangyayari.
Naalala niya ang lahat ng masasayang araw na magkasama silang pamilya. Yung mga panahong wala pang problema. Yung mga panahong kumpleto pa sila. Pero dahil sa panibagong problema ang dumating sa kanila, wala na siyang ibang magawa kundi umiyak. Hindi niya alam kung anong gagawin. Gusto niyong humingi ng tulong sa kanyang ate pero napaka impossibleng mangyari iyon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tahimik na naglalakad si Niño kasama ang mga lalaking nakaitim na nakahawak sa kanya. Nakaposas ang mga kamay niya at di niya kayang kumawala dahil malakas ang pagkakahawak ng mga maiitim na lalaki sa kanya. Mahina na rin siya dahil sa mga suntok na natamo niya kanina, kaya marami kang makikitang pasa sa katawan niya.
Habang naglalakad ay bigla siyang nagtaka kung bakit hindi pinaghiwalay sila ni Maria. Nagtataka rin siya dahil hindi papunta sa kulungan ang daan na tinatahak nila ngayon.
Isa lang ang iniisip niya ngayon. Maaaring may gagawing iba ang kapatid ni Eva sa kanya kaya pinaghiwalay sila at kung bakit hindi siya kinulong. Ngunit hindi niya alam kung bakit. Kinabahan na siya sa maaaring mangyari sa kanya. Kaya hinanda na niya ang sarili niya sa kung anong maaaring mangyari sa kanya.
BINABASA MO ANG
The three Idiots and the Princess {part 2} "More problems to come"
AdventureHello guys, ito na po ang part 2 ng inaabangan niyong story ko. :D Sana po magustuhan niyo ang part2 :) Sa mga hindi pa pala nakakabasa ng part 1, I guess mas mabuti kung basahin niyo muna yun para mas lalo niyong maintindihan. Here's the link: http...