RINA'S POV :
Napansin ko yung phone ko ang dami na palang text ni ivan kaya nireplyan ko sya.......
napakaganda ng lugar na ito. kaso mukhang hindi nababagay ang suot ko sa lugar na ito at makikita mo ang kanilang magagara nilang kasuotan. HAHA! dapat pala pumayag nalang ako sa alok ni crystal na hiramin ang kanyang damit. pero sa totoo lang mas kumportable ako sa suot ko.
" Hi , Buti nakarating kayo. " Si charles.
" Oo naman , ikaw pa ang lakas mo sakin eh. " sabay yakap ni crystal kay Charles. close talaga sila .sobra.
" Sinama mo pa pala sila ? ." habang nakatingin si charles samin.
" Oo pinasama sila ni Carlo. tutal sila ang mas malapit sakin . puro isip bata kase yung iba. sila lang yung nakasundo ko . " habang naka akbay samin si crystal.
" That's Good, " Ayan nanaman yang Ngiti ni charles . sabi ko na babawiin nya ulit.
"Tara Umupo na tayo doon. " Aya ni Charles.
naglakad lakad kami ang daming tao.halos lahat daw ng Sikat sa School at sa ibang school nandito. Dito ata nagliliwaliw ang mga Studyante. Parang Mini bar sya. na may dance floor. meron din pang Banda sa gilid.
" hey ! nandito na pala kayo." Si andy sabay beso samin.
" hahahaha! sympre kayo pa matatanggihan namin." Sagot naman ni aileen.
" halikayo umupo tayo. " sabi ni carlo.
Nagkwentuhan kami. Habang sila ay umiinom , inaya nila ko kahit isang bote lang. pero tumanggi ako. ayoko kase suwayin ang bilin sakin ni papa. kaya nakipagkwentuhan nalang ako. marami ng nakwekwento si Crystal sa buhay nya. Ganoon din Si Andy At carlo. Si charles lang ang Hindi nagkwekwento. Lage nalang sya nakikinig. tatawa sabay sisimangot. habang tinitignan ko sya. Siya naman tingin ng tingin kung saan. Hala! hindi ko na namalayan na tumayo sila habang kaming dalawa nalang ang natira ni charles.
" hey. Kanina ka pa parang balisa dyan ha? Hindi ka ba sanay sa ganitong ambiance? right. ? " tanong nya sakin.
tumingin lang ako sa kanya at tumango. Medyo May pagka mayabang ang salita nyang yun. pero sa totoo lang nagsasabi naman sya ng totoo eh. pangit lang siguro dating sakin.
" Marunong ka sumayaw?" tanong nya sa akin.
Hindi ako sumagot. kasi ang Sagot ay Hindi. wala akong hilig sa ganyan.
" tsss. Malamang. " sabay inalis nya ang tingin sakin.
Bakit ang Sungit nya bigla? Suplado! hmp!
Sabay Tumingin sya ulit sakin. Nagkatitigan kami. OMG! hindi ko maexplain yung naramdaman ko that time.
" Ako rin eh." Sabi nya. hah? ano yung ako rin ? nako Lutang ako. kaya ang sagot ko ay. " HUH?! "
" Ang sabi ko Ako rin Hindi ako mahilig o marunong sumayaw. Ang Ganda mo sana kaso bingi ka lang. " HuH?! tama ba yung narinig ko sakanya? sinabihan nya kong maganda?! AWWW! BTW nandito sya pero hindi sya mahilig sumayaw? ano yun?! Pero hindi talaga ko makapaniwala? totoo ba ito? sinabihan nya talaga ako nun. First time akong sinabihan ng isang lalaki na maganda ako sa personal. yung iba kasi sa text lang gaya ni ivan.
Biglang nanaman syang nagsalita. Okay na eh. Biglang ganoon?!
" Bakit naman ganyan ang Suot mo? huh?! weird! haha sabagay ! oo nga pala."
" HUH!? ang yabang nito. " kumunot ang noo ko.
" Just kiddin' Ang cute mo pala tignan pag ganyan! HAHA! " sabi nya. first time kong nakita syang tumawa.
" teka may kilala ka bang Clarissa Sandoval? " sabay tingin sakin.
" WALA! bakit sino ba yun? " tanong ko sakanya. Sino nga ba yun? GF nya?! sus!
" Isang Model sa School natin . " sagot nya sakin.
" Wow ! talaga? edi maganda yun? . " tanong ko ulit sakanya. teka bakit nya ba sakin tinatanong to.
" Oo. " Sabay ngumigiti sya Pero hindi nya binawi yung ngiti na yun. First time ko syang nakitang Ngumiti ng ganyan.bakit ganoon parang mas bumilis ang tibok ng puso ko.
nagulat nalang ako bigla syang Umalis , WAIT! nasan yung manners nya?! HMP! ano ba tong lalaki nato. napatingin ako sa may dance floor, Direksyon kung saan sya patungo. . parang nagkakagulo sila. lumapit ako. nagulat ako may tumapik sa likod ko. Si Andy.
" oh ano ginagawa mo dito? " tanong nya sakin.
" Iniwan nyo kaya ako doon, bakit biglang nagkagulo? may away ba? ." nagatatakang tanong ko sakanya.
" Wala. wala.." Maikli nyang sagot. sabay ngiti.
" Eh ano?" tanong ko ulit.
" Si Clarissa Sandoval kasi andito. " sagot nya . teka parang narinig ko na yung pangalan na yun? OO! kay charles.
" Kilala mo sya?. " Tanong sakin ni Andy.
" Oo nasabi sakin ni Charles. " Sagot ko.
" HHAHA! si charles talaga. " tumatawa sya.
" Oh bakit ?" Maikling sagot ko.
" Sino ba yun? Gf ba ni Charles?" Dugtong ko.
" Sabihin na natin..............."
HUH?! ano yun hindi ko masyadong narinig dahil sa mga babae sa tabi ko. Sumisigaw sila?
" ooooooooooooooh my GOD!"
" Si Charles to ohhhhhhhhh! mas lalo atang lumaki katawan nya."
" Mas lalong gumwapo"
" HAHAH! kasama nya kaya si Andy at Carlo "
" ANG BIG 3 ng Team natin . BIG SA LAHAT NG BAGAY! hahaha "
huh?! what the ano ba tong mga pinagsasabi nila? grabeee! pero ano ulit yung narinig ko. ano?
" Ano ulit? " tanong ko ulit kay andy.
" ................... nya " huh!? ano ulit ? parang hindi ko ulit narinig ang sinabi ni Andy dahil nagsigawan hindi lang ang mga babae dito . pati ang mga lalaki.
" ANG GANDA TALAGA NYA!"
" CLARISSAAAAAAAA MY LOVE!"
" OHHHHHH! GWAPO NI CHARLES"
" BAGAY SILA?! "
" HINDI MAS BAGAY KAMI! "
Napatingin ako sa gitna ng dance floor . Magkaharap sila sa isa't isa. May something ba sa kanila? teka bakit parang bumilis lalo ang tibok ng puso ko. kaso iba yung ngayon. parang nalulungkot ako sa nakikita ko. Tinaas ni Charles ang kanyang kamay sabay pumitik at biglang nagsitahimikan ang mga tao. sabay Tumugtog ang Kantang King and queen of hearts at Nagsimula silang sumayaw ,habang sumasayaw sila biglang may nagliparan na balloons...............
parang nahihilo ata ako......

BINABASA MO ANG
First Love... Does it ever End?
Teen FictionStorya ng dalawang Puso nagmahalan, natikman ang unang pag-ibig ... Tinahak ang laro ng pag-ibig Nabigo ? o Nagwagi...