Charles POV:
Ngayon araw na ito. This is it. Now or Never. Championship.. haay! Medyo kinakabahan ako. Hindi ko alam kung kaya naming ito. Pinanghihinaan ako ng loob wala kasi sya.. ahmm.. may isang bagay gumugulo sa isip ko. Ano ba nangyari kay rina. Haay nako. Bigla bigla nalang hindi maintindihan. Meron ba sya kahapon? Masama daw pakiramdam eh? Aw! Anong oras na pala kailangan ko na mag- ayos.
Biglang tumunog ang phone ko. Si andy pala nagtext oo nga pala mamayang gabi rin ang flight namin papuntang boracay.. sasama kaya sila rina??
Rina’s POV :
Ang dami ng tao dito sa gym, wala talaga kong balak manood kaso ang kulit nito ni aileen. Ahm..tsaka didiretso na kami sa boracay, wala rin akong balak sumama kaso si crystal naman. Napaalam na din ako. Haay. Ewan ko simula kahapon parang ang sama ng pakiramdam ko? Pakiramdam nga ba? Haaaaaaay! Ay teka parang ambilis ng oras kanina wala pang tao? Bakit ambilis? Kanina pa kase ako isip ng isip dito! Grabeeeeeeee!
“bestfriend icheer natin sila okay?!” sabay ngumiti si aileen.
Tinignan ko sya at tumango lang ako.
Pumito ang referee at nagsimula na. Parehong magaling ang dalawang team, teka parang wala sa kundisyon si Charles. Parang iba yung laro nya ngaun. Parang hindi si Charles nung naglalaro, mukhang malalim ang iniisip nya. oo nga pala nagtext sya sa akin kanina bago magstart ang game kaso hindi ko sya nareplyn.
“ kamusta kana? Okay ka lang ba? Nagaalala ako? – Charles” haay. Talaga? Nagaalala? Sana nga.
Charles kaya mo yan . eto na yung araw na hinihintay nyo. Diba babawi kayo? Diba? Gusto ko itaas ang pride ko. Kaso para saan ? wala naman dahilan?
“ GOOOOOOOOOOO! CHARLESSSSSSSSSS!”
“ GO MR.MVP” sigaw ko sakanya.
Nakita ko nagtinginan ang lahat ng tao. Kahit si clarissa. Nakita kong tumingin sya. oo tumingin sya. parang nagulat.
“ OO NGA! GOOOO TEAM” sigaw ng mga studyante.
Parang nabuhayan ang lahat. Nabuhayan sila. Pati ang mga players namin, at si Charles.
Nagiba yung momentum.. napunta sa amin. Kala mo mga pba players na ang team namin. Kahit hindi ako nanonood ng pba, alam ko parang ganun sila maglaro. Ang gagaling kase. Natapos ang game na kay Charles ang tingin ko. Nakita ko nalang sya humiga sa gitna ng court. Sa mismong pinag jujump ball. Nabasa ko yung binigkas ng kanyang bibig parang ganito. “ Thank you lord” lahat ng players ng team ay nagtatalunan hawak ni andy ang trophy. Si Charles ang tinawag na Mvp. Mvp talaga sya. Mvp....
Pagtapos ng game ay lahat kami dumiretso na sa airport. Kahit napipilitan ako unti-unti ko ng nagugustuhan, kase kumpleto kami. Ang dami Masaya. Sila andy,carlo,aileen,ivan,crystal,geal.. kasama eh. Ang nakakainis lang, kasama ni Charles si clarissa..
Lumapit si Charles sa akin sabay bulong ng “ Thank you.”
Hindi ako nagsalita napatigil ako sa kinatatayuan ko.
“Hey tara na. Baka maiwan ka pa.” Tinatawag na ko ni carlo.
Wow! First time kong sumakay sa eroplano. Ang arrangement ng upuan naming ay si Charles at clarissa magkakatabi, si andy,carlo at aileen. Si crystal at ako. Si ivan at geal naman. Lahat sila pagod. Kaya nakatulog yung iba.
“ hindi ka makatulog ?” tanong sakin ni crystal.
Napatingin ako sakanya at tumango lang.
“ bakit?” tanong nya ulit.
“ Wala lang.” Mahinang sagot ko.
“Wag mo kasi isipin yun, Mahal ka nun.” Pabiro nyang sagot sabay tumawa sya.
“ Biro lang..” habol nya.
Ngumiti lang ako. “ First time ko kase eh.” Sabay tumingin ako sakanya.
Ngumiti sya. “ Okay lang yan.” Tinapik nya ko sa balikat.
Napatingin si crystal doon sa upuan nila Charles. “ ano ba yan, wala talagang kasweet sweet tong si Charles.” Sabay turo .
Napatingin lang ako. Oo nga tulog si clarissa pero parang hindi nya inaalalayan bagkus nakatingin lang sya sa bintana. Matagal akong napatingin sakanya. Mukang malalim ang kanyang iniisip. Ano kaya yun?
“ Alam mo.. Kung gusto mo ang isang tao.. sabihin mo sakanya.” Tinapik ako ni crystal.
“ Huh?! Ate ano naman yan?” takang tanong ko sakanya.
“ Kahit hindi mo sabihin... nararamdaman ko. Babae din ako.” Sagot nya sa akin.
Napatingin lang ako sakanya.. “ Mas Mainam na sabihin mo, Kesa mabulok lang yan.” Tumingin sya sa akin.
“ Mas magandang Iparamdam at sabihin mo sakanya yung bagay na nararamdaman mo dyan sa loob mo. Kase pwede kang patayin o lasunin nyan.”bigla syang umakbay sa akin. “ Alam mo naman siguro yung salitang Masakit diba?”..... “ alam mo yung pinakamasakit sa masakit na part, yun yung tinago mo lang mas mahirap yun, pwede kang ibaon nun lage mong tatandaan may mga bagay sa mundo na masarap ipagsigawan..”
“ Pero paano...” magsasalita palang ako bigla nyang hinawakan ang labi ko.
“ Wag mong sabihin ang paano.. gawin mo. Wala naman mawawala db? Malay mo... Malay mo ganun din ang nararamdaman nya sa’yo.. pero kung hindi naman. Atleast nasabi mo”
Ngumiti lang sya. may point sya. tama. Tama. Napangiti na rin ako.
Matagal akong napaisip sa sinabi nya..
“alam mo yung pinakamasakit sa masakit na part, yun yung tinago mo lang mas mahirap yun, pwede kang ibaon nun lage mong tatandaan may mga bagay sa mundo na masarap ipagsigawan..”
Nabasag ang malalim kong pagiisip ng..
Parang bumaba na ang eroplano...
“ OKAY! Nasa BORACAY NA TAYOOOOOOOOOOOOOOOO!” si carlo.

BINABASA MO ANG
First Love... Does it ever End?
Teen FictionStorya ng dalawang Puso nagmahalan, natikman ang unang pag-ibig ... Tinahak ang laro ng pag-ibig Nabigo ? o Nagwagi...