Rina’s POV
Napapadalas na ang pagsasama naming ni Charles. After nung game nila last week kumain kami ng dinner with his mama. Umuwi kasi yun para kamustahin sya. tapos dumiretso na ng flight nya sa London. Sa America kase nakabased yung mamaya nya ngayon kase may business na inaatupag sa London. Okay yung mama nya. sobrang okay. Pinagmalaki ako ni Charles , kasi ako daw yung nagturo sakanya kaya sya nakapasa. Ganyan ganyan. Natuwa tuloy sakin ang mama nya. yun yung araw na sobrang saya. Bonding moments. Nagtataka lang ako bakit ako yung sinama nya hindi si clarissa. Nasa gimikan pala si clarissa noon, nagpaalam pala sakanya. Parang optional lang yung dating ko? Pero okay na yun. Nageenjoy naman ako sakanya eh. Sobra! Nagulat ako kagabi nagbigay sya ng isang boquet ng flowers.
Flashback :
“ oh Charles, gabi na ah. Napadalaw ka?” tanong ko sakanya.
“ wala lang ! namiss lang kita.” Sabay ngumiti sya. yang ngiti na yan. NAKU!!! Nagbago na hindi na nya binabawi. Please bawiin mo na! Nakakainis to.
“huh?! Ah.. eh..” napakamot nalang ako sa ulo ko.
“ Hindi mo ko namiss?” tanong nya.
“ namiss sympre.” Sabay ngumiti ako sakanya.
Inaya ko muna sya sa loob. Para kumain pero tumanggi sya, okay na daw sya dito. Kaya umupo nalang kami sa may gutter at doon nagkwentuhan. 3 araw din kase syang naging busy sa basketball at tingin k okay clarissa din.
“ Goodluck hah! 2 games nalang , championship na! Ang galing galing nyo talaga” pumapalpak pa ko na parang bata.
Tahimik lang sya. nagaalala tuloy ako...
“ o bakit ?” sabay tinapik ko yung balikat nya.
“ wa..wala,” mahina nyang sagot.
“ WEH!? Ano nga!” sagot ko sakanya. Parang nagulat sya.
“ ano kaba!” parang sumigaw sya.
Tumawa lang ako. “yaan! Hindi kase ako sanay pag malungkot ka.” Sabay ngumiti ako sakanya.
“ hindi sanay nako......” parang may sasabihin pa sya. “Hindi mo lang nakikita.”
“huh?!” hinarap ko yung mukha ko sakanya.
“ Walaaa.” Biglang iniwas nya.
Tumahimik ako sandali.. “ nakalimutan mo na ba yung sinabi ko sayo?”
Tumingin sya sa akin. “ Natatandaan ko pa.”
“ Oh yun naman pala eh. PROMISE! Makikinig ako kahit gaano pa kahaba nyan.” Sabay smile sakanya.
“sus!” eto nanaman sya sa pagsusuplado. “Alam mo ba yang promise na sinasabi mo?” napatingin ako sakanya.
“ OO! Naman sympre” tinitigan ko sya.
“ Marami ng naloloko yang salitang yan.” Iniwas nya yung tingin nya. tumingin nanaman sya sa langit.
Wala kong masabi. Anong sasabihin ko? Seryoso nanaman sya.
“ Masyado kasing sagrado yang salitang yan, kaya sa sobrang sagrado yung iba hinahangad na makuha yan. Pero marami din naninira dyan.” Tumingin sya sa akin.
“ Ikaw ? ano ka dun sa dalawang yun.” Habol nya.
Wala kong maisagot. Tama sya. may point talaga sya. kaya nagpout nalang ako at medyo sumimangot.
Tinapik nya ko. Nagulat ako.. “ Wag ka na ngang malungkot dyan”
“ kasi sa tuwing nakikita kitang ganyan........ Gusto kitang yakapin ng mahigpit.” Nagulat ako sa sinabi nya. sabay niyakap nya ko.. sobrang higpit.
Medyo naluluha ako. Ano ba itong nararamdaman ko. Charles. Hindi ko alam habang tumatagal lalo ka na nagiging special sa akin.
“ cha..charles” napatingin sya sa akin.
“ ba...bakit?” tanong nya.
“ PLEASE! Wag kang bumitaw..” please! Charles.. nalulungkot tuloy ako na may halong kaba. Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.
Hindi sya sumagot.... sasabihin ko ba? Anong sasabihin ko?
“ Charles sa tuwing niyayakap mo ko ng ganito, ramdam ko.. ramdam na ramdam ko. Walang mangyayaring masama sa akin.” Medyo naluluha na ako.
“ iilang buwan palang tayo magkakakilala pero Charles, para sa akin. Sobrang laki ng halaga mo. Hindi ko alam pero nung una palang kita nakita Special kana.” Niyakap ko sya ng mahigpit.
“Ri..Rina” nanginginig sya.
“ Wag ka rin bibitiw ah.” Natahimik ako sa aking narinig. “ hindi ko rin alam eh, sa tuwing ikaw ang kasama ko. MASAYA AKO..” sabay hinalikan nya ko sa noo..
“ Charles...” tinig mula sa akin. “ Rina...” galing sakanya. Nagkatinginan kami habang yakap yakap naming ang isa’t isa.
*present.
“ Ma......................................................................” gusto ko ituloy yung sasabihn ko sakanya ng
“ TULALA KA NANAMAN DYAN!” hahah tumatawa si aileen. Nasira yung pag aalala ko nung gabing yon. Kaasar to!
“ Oh bakit ?” medyo inis kong sagot kay aileen.
“ Nagaaya si Charles. Punta raw tayo sa kanila.” Ngumiti si aileen.
Napangiti ako sa sinabi nya... gusto ko rin pumunta, gusto ko rin syang Makitang , gusto ko narin sabihin sakanya.
Kaya nagsimula na kaming maglakad....

BINABASA MO ANG
First Love... Does it ever End?
Teen FictionStorya ng dalawang Puso nagmahalan, natikman ang unang pag-ibig ... Tinahak ang laro ng pag-ibig Nabigo ? o Nagwagi...