*sa isang ilog may isang batang babae naglalaro sa kagustuhan nyang matutong lumangoy , tnry nyang lumangoy .
“ wow!” Masaya syang lumalangoy ..
Unti unti na syang lumalayo. Palalim ng palalim. Nang biglang..
“WAAAAAAAAAAAH!! Saklolo!” Sumisigaw na sya.
“Tulungan nyo ko.” Medyo palubog na yung batang babae..
Kunti nalang ay lulubog na ang ulo nya ng biglang may biglang isang batang lalaki ang tumulong sakanya. Pagkatapos siya iligtas ng lalaking yun. Inupo lng sya sa batuhan.
“ sa susunod bata. Wag mong ipilit yung mga bagay na alam mong hindi mo kakayanin.” Nakatalikod ang batang lalaki.
“ salamat” paiyak na ang batang babae.
“ dahil bandang huli ikaw din yung masasaktan.. ikaw din yung iiyak.” Hindi parin ito tumitingin sakanya.
Habang tinitignan ng batang babae yung batang lalaki na nakatalikod lang sakanya nakita nya na may dumating na isang babae medyo mas matanda sakanila.
“ Booooy! Tara naa!” sigaw ng babae.
“ Oo , susunod na..” patakbo na yung batang lalaki pero huminto sandali. “ sa susunod mag iingat ka ha. Sana hindi ito ang huling pagkikita natin.” Sabay kumaway yung lalaki.
Rina’s POV :
“ sa wakas!” boses ng isang babae.
Dinilat ko ang aking mga mata,si aileen ang unang bumungad sa akin, tumingin tingin ako sa paligid saan ito? Saang lugar ito? nasa isang clinic ako? Bakit ako nandito? Bigla ko nalang natandaan.
------------------------------------------------------------------------. Naalala ko nanaman yung mata nya.
Nalunod pala ako, sinagip ako ng batang yun. Yung batang nasa letrato sa bahay ni Charles. Naalala ko nanaman yung mata nya.
“ Ri..Rina okay ka naba?” Si ivan. Mukhang nagaalala talaga sya ng sobra.
“ Oo. Teka nasan na yung batang tumulong sakin?” tanong ko sakanya.
“ bata?” takang tanong ni aileen at crystal.
“ hindi yun bata rina.” Medyo yumuko si ivan. Teka bakit sya ganun?
“eh sino yun? Ano yun?” takang tanong ko.
“ Si Cha..Charles.” sagot ni ivan.
“ Huh?!” naguguluhan ako.
“ Si Charles ang nagligtas sayo.” Si ivan medyo nakasimangot sya. bakit?
Natahimik ako sa sinabi ni ivan. Si Charles? Si Charles? Teka! Ano ba ito? Naalala ko yung litrato sa bahay nila Charles, yung tawag ni papa kay Charles. (boy?) yung feeling na parang kilala ko na si Charles at higit sa lahat yung mga mata nya.
Buong maghapon ako hindi nila makausap ng matino? Naguguluhan talaga ko sa mga nangyayari. Ang batang tumulong sakin noon ay walang iba kungdi si Charles?????
Gabi na pala, lumabas ako ng kwarto ko para magpahangin. Lakad lakad sa gilid ng beach. Umupo ako sa tabi ng puno ng ako’y mapagod.
“ Kamusta ka?” tinig ng isang lalaki.
Pagtingin ko si Charles, tumabi sya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko, sasabihin ko ba yung alam ko about sa kanya. Naalala nya pa kaya ako?
“ ahm. Thank you pala sa ginawa mo kanina.” Tinignan ko sya. medyo nahihiya ako.
“ wala yun, ano kaba.” Bigla syang tumawa.
“ pero salamat talaga..... teka diba? Sabi mo hindi ka maruno....” bigla nyang tinakpan ang bibig ko. Eto nanaman sya.
“ Shhh. Wag mo na isipin yun” ngumiti sya sa akin. “ ang mahalaga ligtas ka.”
Bumilis nanaman ang pagtibok ng puso ko. Bakit ganyan ka ? bakit sobra mo kong inaalagaan? Sasabihin ko na ba na yung batang nagligtas sa akin dati ay sya? o natatandaan nya ba yun? Sa ginagawa mo lalo ko tuloy gusting sabihin na Ma...... haay!
Naluluha ako..
“ Oh bakit ka umiiyak?” pinupunasan nya yung mga luhang lumalabas sa aking mga mata.
“ ikaw kase eh.” Huhu.
“oh bakit?” tanong nya sa akin.
“ bakit ka ba ganito sa akin ?” tanong ko sakanya.
Bigla syang tumahimik.
“ Hindi ko rin alam eh.” Sabay ngumiti sya.
“ Meron ka kasing kakayanan na wala yung iba.....” bigla syang naging seryoso. “..... kakayanan na kayang kunin ang atensyon ng isang tao.” Tumingin sya sa akin.
Wala akong masabi, ang weird talaga nya. kung ano ano nalang naiisipan sabihin. Tumingin lang ako sakanya.
Binasag ko ang katahimikan, nagsimula kaming magkwentuhan about sa mga bagay bagay. Pinilit kong tanungin ulit about dun sa papa nya pero ayaw nya. bigla nalang ulit tumahimik Matagal kaming nagkatitigan. Sa tuwing magkakatitigan kami, iba talaga yung feeling. Hindi ko talaga maiwasan hindi ngumiti.
“ alam mo sa tuwing tinitignan mo ko ng ganyan... Hindi maiwasan ng puso kong hindi ngumiti.” Mas lalong lumalapit ang mukha nya sa mukha ko. Si Charles.
Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin bakit sya lumalapit??
“ Charles....”mahina kong sagot.
“ shhhh.”pinigilan nya ko magsalita gamit ang isang daliri nya.
“Wag ka na magsalita.. pakinggan mo nalang ang mga sasabihin ko.” Sabi ni Charles.
“ Ang bilis ng pangyayari dati wala ka lang sa buhay ko. Ngayon ikaw isa kana sa mga taong pinapahalagahan ko.... Rina isa ka sa mga bituwin na lagi kong sinusubaybayan.” Bigla syang tumahimik.
“ Salamat lagi kang andyan para sa akin, sobrang salamat..... Tandaan mo lagi to. Pag nasa madilim na oras ka ng buhay mo handa ako maging pinaka makinang na bituwin para sayo.....” Huminto sya.
“Charles.....” biglang tumulo nanaman ang luha ko sa sinabi nya. sasabihin ko na ba? Napahinto ako sa sinabi ko. Yumuko ako.
Unti unti nyang pinunasan ang mga luha na bumabagsak sa pisngi ko.
“ Hindi ko mapapangako na lagi akong andyan para sayo, Pero lagi mong tatandaan pag kinailangan moko dadating ako.” Napatingin ako kay Charles
“ Sana tumigil ang oras... Sana Umulan ... Sana Ikaw nalang.” Nagulat ako sa sinabi ni Charles. Mas lalo pang lumalapit ang mukha nya. hindi ko alam. Bigla ko nalang pinikit ang mga mata ko.
Nagulat ako. Pag dilat ko ng mata ko.....
Isang Halik galing sakanya...... Ang aking Unang Halik.......

BINABASA MO ANG
First Love... Does it ever End?
Teen FictionStorya ng dalawang Puso nagmahalan, natikman ang unang pag-ibig ... Tinahak ang laro ng pag-ibig Nabigo ? o Nagwagi...