" YUNG GUSTONG GUSTO NIYA. "
-- Andy
Naintindihan ko na yung Sinabi ni Andy, isang linggo na ang nakakalipas about dun sa event na yun. hindi namin masyadong napagusapan yun. Balik kami sa dati kaso Lagi na namin silang nakakasama(Crystal,Andy at Carlo). Kaso Si charles Madalang. Sasabay lang sya Samin pag Lunch pero sandali lang. Eh bakit ba ko nagkakaganito?! ni hindi ko nga sya Lubusang Kilala eh. Pero Hindi ako makapaniwala. Ang lalaking yun. May nagugustuhan rin pala. pag titignan mo kasi sya puro laro lang alam nya. at halatang Suplado. May pagkachickboy. tsaka nabalitaan ko din kay Crystal. walang tumatagal na babae sakanya Pero yung Clarissa na yun. Doon parang tumagal. hindi naman sila pero feeling ko Mutual yung nararamdaman nila.
" tulala ka nanaman? " nakarinig ako ng tinig. Ah. Si ivan pala.
" wala nagiisip ako ng mga dapat kong gawin , malapit na kasi ang exam natin no." sabi ko.
" woooo! alam ko , Pero nakikita ko na hindi yun eh. Gusto mo siya nu?" Sabay tingin sakin nakanuot ang kanyang noo.
" HUH!? sino?" Ano ba pinagsasabi nito.
tumahimik sya sandali tumingin sa floor.
" si Charles. " sabay tingin sakin.
"HUH?! ano kaba? ano bang pinagsasabi mo? " Medyo nakasimangot na ko.
" Hayaan mo, Natural lang naman ang isang tao magkagusto eh. Basta Pag May problema ka , Nandito lang ako.." Pagkarinig ko ng sinabi nya. Biglang Napangiti ako.
" Salamat. " Sagot ko sakanya.
" Tulad ng dati. " sabay hawak sa ulo ko. awwwwwwwwww!
" NAMIS TULOY KITA. " niyakap ko si ivan. halos lahat kasi ng problema ko sa buhay alam nya na. bukod kay aileen. si ivan din ang nakakaalam.
nagulat ako niyakap nya ko ng mahigpit.
" teka ivan." sabay pumiglas ako.
" Sorry " Mahinang sagot nya.
Nagkwentuhan kami sa mga nangyari samin nitong mga nakaraang araw. Medyo Hindi narin kasi kami nagkakatext . Naging lutang ako ng ilang araw. Busy din kase sa school. kaya ayun namis namin ang isa't isa. naputol ang paguusap namin nung biglang dumating si aileen.
" Rina pinapatawag tayo sa office." medyo nangangamba si Aileen.
" oh bakit?! " takang tanong ko.
" ewan ko . tara. " sagot nya.
nagmadali kaming pumunta sa office. kinausap kami ng asst. Principal.
" Rina at aileen , sa section nyo kayo ang napili namin para maging tutor ng Varsity players natin." sabi ng asst.
" HUH?! bakit kami po? " sabay namin tanong.
" Freshmen lang po kami . ano po ang alam namin." Dugtong ko.
" Matataas ang grades nyo. Kaya nyo ang level ng higher year. Kung pagaaralan nyo lang. Sainyo nadin nakasalalay ang grades nila, Inaasahan ko kayo. Pag nagawa nyo to. May dagdag na Gantimpala kayong matatanggap. " sabi ng asst. napatingin kami, medyo nagisip pero tango nalang ang amin nasagot.
" Mamaya after class wag na muna kayong umuwi. mamaya ko na iaassign sino ung tuturuan nyo. makakaalis na kayo."
2 Students sa bawat section ang napili na magtutor. kaya hindi lang kami. nagulat ako sa nangyari. Isa ko sa magtuturo.. Medyo Excited na din kung sino ang tuturuan ko? TEKA VARSITY?! anong sports? natapos ang klase namin na magulo ang isipan ko. Iniisip ko kung anong sports. Naghahalong saya at kaba ang aking nararamdaman.
pagbalik namin sa office.
pagpasok namin nakita ko si charles at andy. bakit sila lang? maaga ba kami? o late na.
" Tutal nandito na kayo, Ms. Baldez , Si Mr. Alvarez ang tutukan mo. " tuwang tuwa.si aileen sa kanyang narinig at ganoon din ako. kasi alam ko gusto ni aileen si andy. what?! nadulas ako :p
teka?! sino sa akin?
" Ms. Tan. Si Charles ang sayo. " anoooooooooooooooooooooooooooooooooo?!
nagulat ako sa sinabi ng asst. principal namin. totoo ba ito? teka .teka. teka. totoo ba talaga to?! nakita ko sya nakangiti sakin. teka hindi nya binawi yun? matagal kaming nagkatitigan.
" Bukas Pwede na kayong Magsimula . Malapit na rin ang Exam nyo at ganoon din ang inter-school.". for this year kayo kayo ang magkakasama”...........

BINABASA MO ANG
First Love... Does it ever End?
Teen FictionStorya ng dalawang Puso nagmahalan, natikman ang unang pag-ibig ... Tinahak ang laro ng pag-ibig Nabigo ? o Nagwagi...