RINA’S POV :
... Nagising ako ng maaga , Hindi kasi ako makatulog ng maayos . hindi kasi mawala sa isip ko yung nangyari kahapon. Lalo na yung mga ngiti nya ,Dali dali akong bumangon para icheck yung phone ko. Baka kasi nagtext na sya. Nagtext na nga ba?
*Flashback
Charles : “ Wag mo ibibigay tong number ko ha? “ (medyo nakasimangot sya. )
Rina : “ Oo , hindi. Ano naman gagawin ko dyan, ayoko naman talaga malaman number mo. Kung hindi lang nangyari to. “ sumimangot din ako.
Charles : “ Smile na ! ang sungit nito” sabay ngumiti sya.
Sino kaya yung unang nagsungit? Ano ba tong lalaki na ito. May topak.
*Back to the present.
Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon. Bakit kaya hindi maalis sa isipan ko ang kanyang mga ngiti. Kinuha ko ang aking phone. May sampung msg ako. 9 galing kay ivan at isa kay Charles......
“ ANONG ORAS BA TAYO MAGREREVIEW HAH?! PWEDE BA PAGKATAPOS NA NG PRACTICE KO? MAGKITA TAYO SA TAMBAYAN NAMIN. 4pm Sharp “
- Charles
Okay lang ang aking naisagot sa kanyang text. Natapos ang aking klase ,Dumiretso na ako ng tambayan nila, Wala pa sya. ilang oras ko kaya hihintayin yung lalaki na yun. Si ivan hindi na kami magkakasabay sa paguwi ngayon, maiintindihan nya naman siguro diba? Sabay tingin sa langit.
30 minutes na....
Tumingin ulit ako sa relos ko. Hala! Halos isang oras na kong naghihintay ah. (Sigh) tinext ko ulit sya.
“ saan ka naba?” msg. Ko para sakanya.
Tumunog ang phone ko. Napatingin ako , isang msg.. galing sakanya.
“ Nasa Likod mo lang ako, kanina pa “
Napalingon ako sa likuran . aba! Andoon nga sya nakahiga sa upuan. Tsssss! Bakit hindi ko namalayan? Kanina pa ba sya dyan? Kanina pa ba ako nagmumukhang tanga? Bahala na.
“ Ang Cute mo pala talaga eno? Haha! “ sabay tawa sya.
Sumimangot ako. Bakit nya ba ko pinagtritripan. Sinayang nya lang yung oras na dapat nagrereview na kami.
“Bakit hindi mo sinabi na andyan ka lang pala kanina pa? Nasayang tuloy yung oras.” Makikita nya sa mukha ko ang pagkabanas,
“ Pasensya naman ayoko rin naman kase guluhin ka, Mukhang malalim ang iyong pagiisip. Wahahaha” sabay tumawa sya ng malakas.
“ Baliw ka talaga nu?! Tara na nga simulan na natin, baka gabihin pa ko.” Makikita nya sa mukha ko yung pagkaasar.
Ngumiti sya sabay binawi ulit. Ano ba tong lalaki na ito. Parang may sayad. Haay! Lord bakit sakin nyo pa ibinigay ito? Nakakainis. Nagsimula na kami magreview about sa mga lesson nya. Buti na lang nabasa ko na ilang topic na ito. Habang nagtuturo ako sakanya, Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sakanya sa tuwing titigan ko sya nawawala yung pagkainis ko sakanya. Ang weird! Iba talaga ang karisma ng lalaking ito. Kakaiba! Grabe.
“ hey! Bakit ka nakatingin sakin? Yung tinuturo mo ? asan na?! “ nakanuot na ang kanyang noo.
Napahinto ako sa pagkatitig sa kanya. Inalis ko ang aking mga mata sa kanya mata sabay Yinuko ko ang aking ulo dahil sa kahihiyan. Nakita nyang nakatitig ako sakanya. Nakakaasar.baka ano isipin nito . bahala na nga. Sabay tingin sakanya.
“ May Gusto ka sakin nu? “ Wala din preno ang boses nya no?!
“ hah?! Baliw ka ba?!. “ Sabi ko.
“ SUS! Ayaw pa aminin. Haha! “ tumatawa sya.
Ano nga ba?. Gusto ko ba sya? Pero Hindi . Hindi talaga. Oo Gwapo sya. Pero Hindi naman ako tumitingin sa panlabas na istura nu! Tsaka ayoko yung ugali nya, Ang Weird. Mayabang! May sira ang ulo. Saka Mabait? Hah?! Ano ba tong sinasabi ko?. Mabait sya? Ang Gulo ko. Ano ba yan.
“ Alam mo Maganda ka naman eh...” Napatingin ako sa kanya. Totoo ba ito, sinabi nya nanaman yun.Bumilis na naman ang takbo ng puso ko. Iba nanaman itong nararamdaman ko.
“ Kaso You’re Not my Type.” Habol nyang sabi.
Okay na eh. Okay na talaga! Biglang ganoon. Hay! Nakakainis talaga. Nagulat nalang ako bigla nalang sya tumayo.
“ Bukas nalang ulit natin ituloy.” Sabi nya.
Naiwan akong magisa doon, Inaalala ang mga nangyari. Medyo nakakatuwa at medyo nakakakainis din. Paguwi ko ng bahay.
“ Nak, Dumaan dito si ivan, hinahanap ka. Pero sinabi ko hindi ka pa umuuwi. Nagtetext daw siya hindi ka sumasagot.”. sabi ng aking ina. Dali dali kong kinuha ang phone ko sa loob ng bag ko. Nakita ko nga ang daming text ni ivan. Teka may isang text pa number lang sya. Bago ko nabuksan ang msg nya. Nagsalita si mama.
“ oo nga pala may nag bigay sayo ng chocolate. Hindi ko alam kung anong pangalan nya. Lalaki na maliit eh.Nilagay ko nalang sa kwarto mo.” Saka pumuntang kusina si mama.
Dali dali akong pumunta sa kwarto ko. Nakita ko yung chocolate na binigay kung sino man sya at may letter.
“1 text msg received” ha? Ano ba tong sinasabi nya. Napaisip ako kung sino ang nagbigay ,
Naalala ko yung sa phone ko meron isang text na number lang kaya dali dali kong binuksan ang message na yun.
“ Sorry , hindi ko kasi alam yung favorite mong chocolate eh. Pero sana nagustuhan mo, Sorry sa nasabi ko.” Ha? Sino to??! Wala naman akong nakaaway. Kaya binaba ko pa ung message.
“ Bago ko tong number .....................”

BINABASA MO ANG
First Love... Does it ever End?
Teen FictionStorya ng dalawang Puso nagmahalan, natikman ang unang pag-ibig ... Tinahak ang laro ng pag-ibig Nabigo ? o Nagwagi...