Chapter 4

92 0 0
                                        

.........................................................

Sya yun sigurado ako. sya nga. matagal akong napatingin sakanya.  hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. mabilis ang pagtibok ng aking puso.grabe natulala ako sa kanya. ganito sya kgwapo sa malapitan , mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso nung tinanggal nya na yung shades nya. TEKA! parang natatandaan ko talaga yang mata nya.  aw! napakaganda ng kanyang mata. 

" Hi ". sinabi nya sakin. ngumiti sya pero binawi nya.

Nabasag ang aking Pagkatulala sakanya nang.

" Woi! parang nakakita ka ng Multo" Boses ni ivan ito ah. napatingin ako , si Ivan nga. nakita ko nalang si Mr. Weird naglalakad papunta kila carlo.

" pasensya na ivan. " sambit ko. niyuko ko ang aking ulo parang ang akward kase.

" Tara na , sumali tayo sa kanila. " anyaya sakin ni ivan.

natigil ang aming paguusap ni ivan ng tinawag kami ni crystal.

"Rina tara dito. pakikilala ko kayo kay charles . " sigaw ni crystal

lumapit kami ni ivan.

"Charles si Rina at Ivan mga bago naming kaibigan." nakaturo sya samin si crystal.

"Rina, Ivan.. Si Charles ." sabay turo kay charles.

" Tara ituloy na natin ang kasiyahan. " paningit na sabi ni Andy.

Pinagpatuloy nila ang kanilang Kwentuhan kasama ako at si charles. Pero hindi sya masyadong Ngumingiti. Ngumingiti sya pero sabay bawi ! ano ba yun? trade mark ba yun? sa buong kwentuhan namin sya lang ang tinitignan ko. Ewan ko ba. kase talagang Hindi ako mapalagay parang kilala ko na talaga sya. parang nakita ko na sya. Hindi ko lang matandaan. Ang mga matang iyon.... natapos ang aming Kwentuhan ng tumayo na si charles.

" Oops! guys , i have to go. ituloy nalang natin to next time." Nakatingin sya samin lahat. sabay tingin kay andy at carlo. " Bro mamaya ah? gimik. " 

"Bro May training tayo bukas. malapit na magsimula ang Inter-school. " (medyo nakanuot ang noo ni andy. )

" Bro . next month pa naman yun e. Mr. Captain Ball. please? Last na ito " sabay ngumiti si charles pero binawi nya ulet.

" tsaka Bro alam nyo naman diba? Andun sya Mamaya . so pano mauna na ko? . " tumalikod na si charles samin habang winawaive nya ung kamay nya.

nagsimula ng magtayuan sila andy at Carlo.

" So pano bukas nalang ulit ha? Free kayo na tumambay dito " nakatingin samin si Carlo.

sumunod na kaming tumayo at naglakad kami papuntang room. tumatak sa isip ko ung sinabi ni Charles na " tsaka Bro alam nyo naman diba? Andun sya Mamaya. " sino Girlfriend nya? Aba teka bakit ko ba iniisip yun! bakit ko ba iniisip yung lalaking to.

Natapos ang klase namin na sya ang laman ng isipan ko. 

" Rina , wala na naman si Aileen. tara hatid na kita. " umiiling si Ivan.

" ano kaba, Okay lang yun. ang mahalaga san masaya si aileen. " nakatingin lang ako kay ivan.

" RINAAAAAAAAAAAA! . " boses galing kay Aileen.

"IVAAAAAAAAAAAAAAAN! " boses galing kay Crystal

tumatakbo sila papalapit samin.

" oh bakit ? may nangyari ba?? " nagtatakang tanong ko.

" tara sama tayo sa kanila." hingal na hingal si aileen.

" Huh? saan ? Sino? " takang tanong ko. 

" Kila Andy , Gimik tayo Minsan lang to oh. " Nakangiti sakin si Aileen.

" HUH?! ano kaba? ang bata pa natin para dyan."  nakasimangot ako kay aileen.

" anong bata? wala ng ganun ngayon huh! . we're in highschool na . at yun ang Uso gimik . " habol na sagot ni aileen.

" oo nga sige na Rina. Sumama kana. Promise Mageenjoy ka doon. May sayawan. at chill chill din. minsan lang to oh. Tsaka malapit lang sa school to. " sabay hawak sa kamay ko ni Crystal.

" haay! sige na nga, kaso ipaalam mo ko sa papa ko. " (Sigh) bakit kaya hindi ako makatanggi sakanya. hahaah! pero siguro para matry ko din kahit minsan .

" ikaw ivan sasama kaba?. " tanong ko.

" sige kayo nalang .Marami pa kong gagawin. Magtext ka minu-minuto ha? magaalala ako eh ." sabay hawak sa ulo ko. Si ivan talaga ang sweet :">

sabay sabay kaming umuwi. may sasakyan pala tong si crystal . MAYAMAN ! una hinatid namin si ivan sakanila. 

" Magingat ka ha? okay? text mo nalang ako bye" Bumaba na si ivan ng sasakyan.

pagkatapos namin ay dumiretso na kami sa bahay naming para ipaalam ako. Nakakatakot!  baka kasi hindi pumayag si mama. pero magaling makipagusap si crystal. salestalk ? ! haha Sana Pati si papa pumayag. sabagay lagi naman pumapayag si papa sa gusto ko eh. basta lage ko syang itxtxt. mga ilang minuto ang lumipas ay pumayag na si papa at no choice si mama.

Pinag ayos muna nila ko. hindi ko alam kong ano isusuot ko.pero sympre yung pinakasimple lang. hindi kase ako mahilig sa magagarang damit eh. pagkatapos ko ay si aileen naman. pagkatapos ay dumiretso na kami doon. may baon palang damit si Crystal...

IVAN's POV :

Kanina pa ko txt ng txt kay Rina pero Hindi sya nagrereply kamusta naman kaya siya doon? siguro mas mabuti kong malaman nya na kaya? wag na muna kaya? haaaaaaaaaaay... Ang GULO!

nageenjoy kaya sya doon? kilala ko si rina hindi sya mahilig sa mga ganoon. binuksan ko yung cabinet ko. kinuha ko ung litrato namin 3 ni aileen. nagpapic kami nito nung nagmall kami last month. sabay humiga ako sa kama ko. Matagal kong pinagmasdan ang itsura ni Rina.

haaaaaaaaaaay!

" Rina ..... i .............." biglang tumunog ang phone ko...

First Love... Does it ever End?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon