Chapter 9

70 0 1
                                    

Rina’s POV

Nakakahiya ! nakalimutan ko magpasalamat kay ivan sa nagawa nya kanina, kahit kelan talaga never syang pumalya para pasayahin ako. Tumawag kasi si mama, may bisita daw ako. Pag dating ko sa bahay nagulat ako sa aking nakita. Si Charles, kakwentuhan nya si papa. At mukhang tuwang tuwa si papa.

“ Bakit ka andito?.” Takang tanong ko sakanya.

Nahinto sa pagtatawanan sila papa. At sympre pati sya.

“ nak, kilala mo pala si boy?” sabay akbay ni papa kay Charles.

Boy? Bakit boy? Teka parang narinig ko na yang pangalan na yan ah... san nga ba?! Teka bakit sila magkakilala??

“ pa. Pano mo sya nakilala?!” tanong ko kay papa.

“ Nakakalaro ko sya ng basketball.” Sabay tawa si papa.

“ha?! Talaga?!” sabay tingin sakanya. Ngiti lang ang sagot nya sa tingin ko. Aba teka hindi nya ito binawi.

“Teka bakit andito ka?!” habol ko ulit.

“ May Tutorial daw kayo” si papa ang sumagot.

“ikaw anak , hindi mo man lang sinabi na nagtuturo ka. Haha! Ang galing talaga ng prinsesa ko.” Tumatawa si papa.

“tutorial? Eh diba?...” nahinto ako sa sasabihin ko dahil sumingit sya...

“ So pano po? Magsisimula na po kami ni Rina.” Sabay tingin sa papa ko.

“Oh sige , anong oras na din 7pm na. Baka lalo kayong gabihin , doon na kayo sa garden sa likod may review.” Sabay turo ni papa sa likuran.

Hindi na ako nakapagsalita.. bigla nyang hinawakan ang kamay ko dumiretso kami sa garden namin.

“ Pasensya na. Naistorbo pa kita.” Mahinahon ang boses nya nun.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Mas okay sya pag ganyan , madalas kase pabalang sya kung magsalita. Parang may problema sya. Iba ang aura nya ngayon. Ibang iba. 

“okay lang.” Sagot ko. “anong problema?” tanong ko sakanya. Tumabi sya sa akin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.. naamoy ko sya. Amoy alak sya.

“ may mali ba sa ugali ko?” tumingin sya sa akin.

“ah.eh... wala naman bakit?” sagot ko. Tinignan ko sya. Makikita mo sa mga mata nya yung kalungkutan.

“Wala.. bakit kayong mga babae ang seselfish nyo.” sabay humiga sya sa damuhan.

“hah! Tumayo ka nga dyan.. teka anong selfish bang sinasabi mo. Hindi kita maintindihan.” First time ko syang makitang ganito. Naawa ako sa kanya. Iba kasi yung datingan nya eh. Alam mo yung tipong hindi mo sya kayang kaawaan .. Maiinis ka pa nga dahil kala mo kaya nya ang lahat. Pero ano tong nakikita ko sakanya.

“ Si clarissa. Nag away kami.” Sabay lingon nya sa akin habang nakahiga sya.

“ o bakit?! Teka kayo na ba?” takang tanong ko sakanya.

“Hindi... Hindi pa.” (sigh)sabay pinikit nya ang mata nya.

“o tapos may ganyan, ganyan na kayo. Ang gulo nyo.” Umupo ako sa silya.

“teka. Mahal mo na ba sya?” habol ko.

Tahimik lang sya. Biglang dinilat ang kanyang mga mata.. “E..Ewan ko?.. Hind... Este Oo ata? Pero wala pa sa plano ko yun.” Huh?! Ano ba tong sinasabi nya. Ang gulo nya talaga! Magkakaganyan sya tapos hindi pa sya sure sa nararamdaman nya..

“ Magka iba ang gusto . sa mahal... Pag gusto mo ang isang tao. Pwedeng bukas hindi mo na sya gusto. Mabilis na nawawala. May mga bagay dito sa mundo na kayang silawin ang iyong Mata,Pero may mga bagay rin dito sa mundo na pag minahal mu na. Kahit mabulag ka pa, alam mo parin yung halaga.”

Natulala ako sa sinabi ni Charles. Una rin itong nagsalita sya ng hindi biro. Kakaiba talaga sya ngayon.kakaibang kakaiba.

“......................................................” wala akong masabi. Napatingin sya sa akin.

“ah.eh.. pe..pero bakit ganyan ka? Hindi ka naman magkakaganyan kung hindi mabigat yung pinagawayan nyo...ano nga ba?” Nagaalala na talaga ko kay Charles.

“  ano ba talaga ang nangyari? Ano? Handa akong makinig. Alam ko , hindi pa ganun kalaki ang tiwala mo sa akin pagdating sa ganyan bagay. Pero PROMISE! Kahit gaano kahaba yan. Makikinig ako” napatingin sya sa akin. Sure ako nagulat sya. Makikita mo sa mata nya.

Tumingin sya sa langit...

“ Dahil kay papa...” sa papa nya ano meron? Ngayon ko lang syang narinig magkwento about sa pamilya nya..

“Si papa kasi...” ano? Ituloy mo. Makikinig ako..

“ah .. eh .. ewan ! tara na nga lang dito. Bilisan mo.” Binitin nya pa. Nakakaasar talaga ito. Lumapit ako sa kinakapwestuhan nya.

“tara ! humiga ka din. Bilis .tignan mo . ang ganda ng bituwin.” Tinuturo nya ang langit.

“ayoko nga ang dumi.” Sabay irap sakanya.

“Ang arte mo ha! Tara na!” medyo lumakas ang boses nya.

“ OO NA PO! Kuya!” sagot ko sakanya. Sabay humiga na ko.

Medyo magkatabi kami. Sabay naming pinagmasdan ang langit.

“oo nga. Ang ganda.” Sabay tumingin ako sakanya.

“sabi ko sayo eh. Alam mo ba lagi kong pinagmamasdan yan.. Gabi gabi.” Sabay tumingin sya sa akin.

Matagal kaming nagkatitigan. Sobrang tagal. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Ano ba ito! Parang may sakit ako sa puso! Hindi ko sure ano ba itong nararamdaman ko. Kinikilig ako?!!

( Sam Tsui- Don’t want an Ending) music starts.

Ngumiti sya sa akin.. mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Teka hindi nya na talaga binawi ang ngiting yun. This is the first time na may meaning yung ngiti nya. As in! Mararamdaman mo yun. Teka naman! Mas lalo ata akong kinilig! Hindi ko naiwasan na ngumiti rin sakanya.

“ Mas Gusto ko yang ganyang ngiti mo.” Sabi ko  . Sandali ! bakit ko nasabi yun!

“ Gusto ko yung ngiti mo..” Parang medyo nahiya sya.

Aba! Teka! Ang akward. Sabay kaming nagiwasan ng tingin............

First Love... Does it ever End?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon